XIV: Unseen and Unknown.

42 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Unseen and Unknown.

Chapter XIV

Pagkatapos namin magkaayos magkakaibigan, back to perfect state na ang buhay ko ng...

"My lola is dead. Hindi pa ako makakapasok guys." yan ang bumulagang balita samin kinabukasan. Namatay sa atake sa puso ang lola ni Kuya Jinn. Madami ang nakiramay. Madami kasi ang nagmamahal kay Kuya Jinn. Nakakalungkot lang dahil hindi ko naiparamdam yun sa kanya. Hindi ako nakapunta sa kanila para magbigay ng pakikiramay. Nalulungkot akong nandun sya lage para sa akin pero wala ako nung kailangan nya ko.

"Baka hindi naman nya ako kailangan. Paniguradong madami namang nagmamahal sa kanya at sila, ok na. Hindi nya na mahahalata na wala ako." Nalulungkot akong umiral nanaman ang pagiging selfish ko.

After a week, pumasok na si Kuya Jinn. Hindi ko expected na ganun pala sya kaapektado sa pagkawala ng lola nya. I'm not judging his love for his lola, but what I mean is, this is much more of what I have expected. Sobrang tahimik nya. Madalas ko lang sya nakikitang nakatulala. Hindi ko kayang makita syang nalulungkot. Hindi ako sanay ng ganito. Ang dating parang ang liit-liit ng kwarto dahil napupuno ng halakhak pag tumatawa sya ngayon para kaming nasa malaking dome na maririnig mo na pati ang heartbeat mo sa sobrang tahimik. I tried to comfort him. Gusto kong bumawi. I tried to cheer him up kahit konti. Kinausap ko ang mga kaibigan nya, pero ayaw daw nilang pakialaman ito. Madalas mag-isa lang si Kuya Jinn. Iniwan lang sya ng mga kaibigan nya. Naiinis ako sa mga ito. So akong mag-isa na lang ang gumawa ng paraan. Lahat na yata ng kwento na nakakatawa naikwento ka na. Kung anung pangungulit na ang ginawa ko para patawanin sya pero wala. Gusto kong tumawa sya o kaya kahit umiyak pa ok lang din. Basta lang magkaemosyon ang mukha nya. Pero tahimil lang ito. Nangingiti paminsan pero tatahimik ulit. Hanggang sa sumuko na ko.

Nakakalungkot na kahit anong gawin ko, wala palang maitutulong. Kahit pala din pumunta ako sa burol ng lola mo, wala din magbabago. Hindi ko kayang pasayahin ka kung paano mo ko napapasaya pag nalulungkot ako. Hindi pala ako sapat para maging OK ka. Kung ibang babae kaya ang nasa tabi mo at hindi ako, mapapasaya ka kaya? Ito ang nasa isip ko ng mga oras na yun habang tinitigan ko ang katabi ko na inaabala ang sarili sa paggawa ng mga namissed nya sa pag-absent nya. Matagal din yun bago ako magpasya na iwanan na lang sya.

I felt worthless and useless that moment. Mas lalo nung nakita ko syang nakakatawa na after lunch break. Ang luwang-luwang na ulit ng tawa nya na parang hindi sya yung kausap ko kanina. Kinausap ko si JV.

"Anong nangyari pano um-ok yun?? Eh kanina lang parang mastroke na yun, hindi gumagalaw. Lahat ginawa ko na para pansinin ako. Kulang na lang tumumbling ako." ingunuso ko yung lalaki na ngayon ay ang ingay-ingay tumawa.

"Wala. Hinayaan lang namin sya. Alam naman naming magiging ok din sya eh, ng mag-isa. Hindi sa wala kaming pakielam pero sa dun sya magiging ok eh. Ang kulit mo kasi, tapos ngayon magtatampo ka dyan ng hindi ka pinapansin. Malamang. Baka ako kinutusan pa kita." birong-sermon sakin ni JV.

"Eh concern lang naman ako eh. Malay ko ba!" napasimangot na ko lalo. Nakakatampo kasi ang pagdeadma ni Kuya Jinn sa effort ko. Hindi naman nya pala yun kailangan.

"At kami hindi? Akala ko ba Kuya Jinn mo sya?" Tama nga ito.

Akala ko sobrang kilala ko na si Kuya Jinn. Akala ko alam ko na lahat. ng tungkol sa kanya Sa totoo lang, wala pa pala yung pagkakakilala ko sa kanya sa kung sino talaga sya. Masyadong mababaw pa ang pagkakakilala ko sa kanya. Madami pa akong dapat malaman. Madami pa pala akong dapat matutunan bilang bestfriend nya.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon