XV: Slambook.

56 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Slambook.

Chapter XV

Binasa ko yung slambook na pinasulatan ko sa mga kaklase ko. Sumulat dun si EJ. Natatawa-tawa pa ko ng nabasa ko yung dedication nya sakin. Lalo na dun sa part na, "Catch me if I'm fallin..." Nung unang beses kong binasa yun, sobrang kinikilig ako. Kaya siguro hindi ko napansin yung "if" dun sa sinulat nya. Kasalanan ko din pala bakit ako nasaktan. Nag-assume ako ng sobra. Bitter man, pero binura ko yung pangalan nya sa sagot ko sa "who is your crush". Bakit ba? Eh sa hindi ko na sya crush eh. HAHA!

Sumulat din si Kuya Jinn. Alam ko naman lahat yung mga sagot sa mga tanong dun eh. Pero may isang sagot dun na, ngayon ko lang nalaman.

"Kuya Jinn, sagot ka naman din dito, please?" kinukulit ko syang magsulat sa slambbok ko. Abala sya nun na naglalaro ng cellphone.

"Ayoko nga pang bata lang yan eh!" tiningnan nya ito at ng makitang slambook iyon, tumanggi ito.

"Anong ibig mong sabihin? Childish ako!? Hmp. Di wag!" tatayo na sana ako. Wala akong balak pilitin ito dahil baka hindi naman din ito sumagot ng ayos kapag napilitan lang din ito.

"Parang bata talaga! Amin na nga!" hatak nito sa hawak-hawak ko.

"Yes!!" binigay ko yun sa kanya. Binuksan nya iyon sa kung saan gusto nya magsulat. Sa panghuli daw. Nabwisit sya dahil may nakapagsulat na dun.

"Sino to??! Ayoko na magsulat. Gusto ko dito ako eh."

"Kapitbahay namin yan! Arte mo naman eh! Nagdadahilan ka lang eh para hindi ka makapagsulat!"

"Bahala ka. Wag na pala. Tinamad na ko." binalik nito sakin ang slambook.

"Ano ba yan! Amin na nga! Dang arte mo talaga! Oh ayan." pinilas ko ang sulat ng kapitbahay namin. Istapler ko na lng yun ulit. Natawa ito sa ginawa ko at kinuha ulit ang slambook ko. Pinabasa ko muna sa kanya ang mga rules ko sa mga susulat sa slambook ko. Tiningnan ko ang pagsasagot nya. Baka kasi puro kalokohan at M2M ang isulat.

"Bakit mo binabasa agad? Eh pwede mo naman to basahin mamaya." aktong tinatakluban pa ang sagot.

"Sira! Alam ko naman mga sagot dyan eh!"

"Eh alam mo naman na pala eh. Bakit mo pa ko pinapasagot dito?"

"Eh basta! Yung dedication ang gusto ko makuha sayo no!"

"Yun lang ba? O baka pati yung sa lovelife? Haha! Halika sige tingnan mo isusulat ko." Pinipilit nya ko tingnan yung isasagot nya. Hindi daw sya magsusulat ng hindi ako nakatingin. Nasa "what is love?" na sya.

"Love is like a rosary, full of mystery." sagot nito.

"Ano ba yun, napaka common naman nyan. Wala ka na bang alam about sa love?" pangaasar ko.

"Bakit ka ba?!!" palusot pa nito.

"Who is your love? God, family and friends" sagot nya sa sunod na tanong.

"Boring."  Wala naman pala kong mahihita sa mga pinagsasagot nito. Masyadong general.

"Oh ikaw na sumagot." aktong titigil na to sa pagsusulat. Napipikon sa pakikielam ko.

"O sige hindi na ko makikielam. Di na ko titingin." hindi na ko nakatingin pero dahil binabasa nya naman yun ng malakas ay alam ko pa din ang mga sinusulat nya.

"Who is your crush. Eto meron na. Hmm. A-N-D-R-Y-A" pang-aasar ni Kuya Jinn.

"Sira ulo ka talaga! Niloloko mo lang yung pagsusulat dyan eh!"

"Hindi ah!! Haha! Oh ayan, oh kita mo, yun talaga sinulat ko!" Pagtingin ko, yun nga ang nakasulat dun. May unang pangalan pa syang sinulat. Diane, A-N-D-R-Y-A at tsaka ______"

"Sino tong 5 blank?" tanong ko sa kung sino yung crush nya na may limang letra.

"Secret. Yan ng clue." sagot nito. Ayaw nitong umamin.

"Bawal nga secret di ba??"

"Oo nga, bawal ang S-E-C-R-E-T, pero hindi blank." natatawa pa nitong palusot. Inilipat na nito ang page. Dedication na. Nabwibwisit lang ako sa mga sagot nya kaya hindi na ko nanood sa pagsagot nya. Binabasa pa din nito ang mga sinusulat.

"Dear Andre, sana wag ka ng nagagalit at HB lage. Pumapangit ka kasi kapag humahaba yung nguso mo. Sige ka maturn off sayo si crush. Hehe! Pero kahit lage mo kong inaaway at napakakulit mo, love pa din kita. Sana maging happy ka din lage, kung paano mo ako napapasaya kapag napipikon kita! Bwahaha! Take care always. Dito lang ako lage, whenever you need me. Love, Kuya Jinn"

Natuwa ako ng nabasa ko ulit yun. Napapasaya ko naman pala sya kahit papano, yun nga lang kailangan ko munang mapikon. Naalala ko nung nabasa ko yung sagot nya sa "who is your crush?". Hindi ako naniniwala at napahiya ako. Naramdaman kong nangapal yung pisngi ko.

Binalikan ko yung sagot ko. Inilagay ko din ang pangalan nya sa "who is your crush?".

Bago ako nakatulog, isang malaking palaisipan kung sino ang secret crush ni Kuya Jinn.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon