Lucky I'm In Love with My Best Friend : That Thing You Do.
Chapter XVII
Madalas kaming mag-asaran at mag-away pero hindi ding maitatanggi na napaka-sweet din naman namin sa isa't isa.
Naguusap kami nila Kuya Jinn at Paris.
"Ikaw Jinn, sa mga naging girlfriend mo sino nakikipagbreak sa inyo?" tanong ni Paris.
"Syempre ako." Pagmamayabang na sagot naman ni Kuya Jinn.
"Huh! Napaka-kapal. Talaga lang huh? Nung isang beses nga nabalitaan ko nagmumukmok ka pa sa kubo eh nung hiniwalayan ka ni..." hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ng bigla nitong binago ang sagot.
"Oo na. Yung iba, ako. Yung iba, mutual decision." pag-amin nito. Nagtawanan kami ni Paris.
"Kapal talaga. Kung ako maging gf mo. Sa yabang at idagdag pang pagkakababaero mo, baka wala pang isang oras nakipag-break na ko sayo." natatawa kong biro sa kanya.
"Ah, masakit yun ah!" umaarte pa ito na nasasaktan talaga.
"Payag ka ba nun Jinn? Wala ka pala ke Andre eh." si Paris yun.
"Sige kunwari tayo. Makikipagbreak din ako sayo dahil para kang bata!" sagot naman nito.
"Aray! Umarte ka naman na parang nasasaktan sa pakikipagbreak." biro ko.
"Sige, sorry Andre break na tayo" hinawakan pa nyang kamay ko at umarte nga ito na parang totoong nasasaktan ito sa pakikipagbreak.
"Papayag ka ba nun Andre?" ang pang-aasar ni Paris.
"Teka, teka. Pwede ba tayo magkabalikan? (Bumilang ng 8 seconds) Ayan break na tayo." natatawa ko sa asaran namin. Hindi din ako nagpapatalo.
"Ganun lang talaga!? Teka tayo ulit. Break ulit." sagot naman nito.
"Teka, tayo pa din. Hindi naman ako pumayag makipagbreak ka eh." Maya-maya lang ay dumating na teacher namin.
Teka pwede bang totohanin na to? Pwede bang tayo talaga? Pwede bang hindi tayo maghiwalay hangga't hindi ako pumapayag? Teka, bakit sineryorso ko na to? Kumokopya kami ng lectures nung oras na yun. Pero imbis nagsusulat ay nakatitig ako sa lalaking may 3 silya ang pagitan sa kaliwa ng inuupuan ko.
Lumilipad ang isip ko sa mga nangyari kanina. Totoong nangyari yun, biruan nga lang. Hay sana totoo... ng biglang lumingon ito sakin at saka kumindat. Nagulat ako. Bigla may kung anong bumalik sakin at nagflashback lahat ng nangyari nung first year kami. Hindi unang beses ko lang nakita yung kindat na yun. Yung kindat na yun. Napangiti ako. Tumingin sya sakin ulit nakangiti at muling kumindat. Ngumiti ako.
Sumulat ako sa kanya sa papel at itinaas yun para mabasa nya.
"Ang gwapo mo pag kumukindat ka.;) dito ka na umupo, miss na kita agad." Ngumiti din ito. Bumalik na ito sa tabi ko. At kahit pa nga nagsusulat, nagkulitan kami.
Minsan nagrereview kami para sa quiz namin, bigla nyang hahawakan ang kamay ko na nakapatong sa upuan nya. Lalaruin nya lang yung mga daliri ng kamay ko. Sa una magugulat ako pero magiging kumportable din naman agad ako. Habang ako naman, nakahilig ang ulo ko sa balikat nya. Ito yung mga bagay na parehas kaming hindi aware na ginagawa namin.
O kaya naman bigla mayayakap nya ko sa tuwa dahil nahulaan namin ang longest word sa texttwist sa computer laboratory.
Andyan ang papaypayan ko sya pag mainit at sya naman pag napagod ako.
Nagsusulatan kami kahit magkatabi lalo kung hindi kami pwedeng magusap.
Picture nya ang nasa desk ko. May picture din ako sa cellphone nya at yun lang ang natatanging nakasave dun na picture ng babae aside sa crush nyang si Angel Locsin.
Minsan naman, ako ang nagdedesign ng front page ng activities namin. "Andre padesign naman, yung bilog bilog lang"
Tag-team sa pagsolve ng math problems. Lalo sa mga mahabang pagsolve sa Statistics. Ako ang taga dictate, sya taga compute sa calculator.
Nagbebeso at nagpapaalam sa isa't isa bago umuwi. "Kiss na."
Magiiwan ng note na, "kuya, uwi na ko. ingat ka paguwi. mwah!"
Nagtetext kung bakit umabsent. "Andre, di ako makakapasok ah. Inaalergy ako."
Ako naman ang taga-update sa kanya ng mga namissed nya na lectures and activities. "kuya, may assgment tayo. Pasok ka bukas maaga, kopyahan na lang tayo nila Paris."
Minsan pa nga tinulungan ko na syang mglecture dahil sa dami ng kailangan nyang habulin nung ilang araw syang absent. Hindi nya alam na kinuha ko ang notebook ny at naglecture dun. Sa TLE, drawings kasi yun kaya mahirapan sya kung wala sya ng discussions. Hindi nya alam na ginawa ko yun. Naalala ko tuloy nung may isinulat ako sa 40th page ng notebook nya nung minsang palagyan nya ng kanta yung mp3 nya sakin. "Andre loves ü."
Ganito kami sa isa't isa. Hindi kami naiilang. Sobrang komportable lang kami. Wala namang malisya yun samin. Dahil kung ano ako sa mga kaibigan ko, ganun din ako sa kanya. Kahit pa ang mga kaklase namin ay alam na solid talaga ang friendship namin at walang makakabago nun. Kaya ganito ko na lang mahalin ang friendship na meron kami.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romansa"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...