Lucky I'm In Love with My Best Friend : My First Love, My First Heartbreak.
Chapter XX
Si Eliza. Kaklase namin sya. Nililigawan na pala sya ni Kuya Jinn. Pero bakit hindi ko nalaman? Feeling ko natraydor ako. Sobrang sakit nun.
Naging kaklase ko na si Eliza nung 3rd year. Tahimik ito pero may pagkasuplada. Mabait naman ito pero hindi kami naging close. May sarili din itong grupo ng kaibigan. Hindi ko akalain na dadating pala ang panahon na isa to sa mga magiging karibal ko...
Ano nga bang meron sa kanya na hindi nakita sakin ni Kuya Jinn? Bakit mas pinili nya yung babaeng yun na ngayon nya lang naman nakilala? Napakasimple lang nito kumpara sa mga naging girlfriend nya. Hindi ito ganun kaganda kumpara sa mga ex na nito. Lalo tuloy akong nacurious.
Bawat araw, habang tumatagal mas masakit yung mga nangyayari. Ako pa ata ang huling tao na nakaalam na may nililigawan na si Kuya Jinn. Kung hindi pa nga yata sila asarin ng teacher namin sa klase, hindi ko malalaman na may "something" na pala sa kanila.
Bakit kung kailan saka ako umamin ng nararamdaman sa kanya, saka pa mangyayari to?
Nasaktan ako noon kay Ej. Pero mas nasaktan ako ngayon. Walang gabi yata na hindi ako umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Doon ko lang napatunayan na mahal ko talaga sya, na iba sya sa lahat ng naging crush ko. Sigurado na akong mahal ko nga sya. Mahal ko ang best friend ko. Ang Kuya Jinn ko. Ang first love ko. Ang first heart break ko.
Aaminin ko, dumating sa point na pinagsisihan kong inamin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Kasi ngayon, hindi lang yung first love ko ang nawala sakin, pati yung best friend ko. Nagsisisi ako na naging selfish ako. Iniisip ko lang yung nararamdaman ko. Hindi ko inisip yung mararamdaman nya. Lage kasi akong nasusunod. Nasanay ako na nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Hindi pala ganun lagi.
Dito na nagbago ang lahat. Nagkalayo ang loob namin. Nagsimula akong umiwas sa kanya. Mas madalas kaming magaway na hindi na naayos. Nagalit ako sa kanya dahil napakamanhid nya. Hindi na nya naisip yung mararamdaman ko. Yung dating Jinn na nagaalaga sakin para hindi ako masaktan, eto ngayon, ang dahilan ng pagkadurog ng puso ko.
"Hi labs!" pangaasar nito kay Eliza.
Umirap lang ito sa kanya. Nililigawan pa din nya ito. Sa tingin ko, hindi naman sya nito gusto. O baka nagpapakahard-to-get lang ito. Hindi ko din naman masisisi si Eliza, dahil sa reputasyon ni Kuya Jinn sa dami ng naging girlfriend nito, talagang pahihirapan muna dapat nya ito para malaman kung gaano kasincere ang pagmamahal nito sa kanya.
Nakakabwisit, harapan pa talaga? Padabog akong umalis sa upuan ko. Madalas na nangyayari to. Naging mas showy kasi si Kuya Jinn sa panliligaw nya kay Eliza. Madalas, wala akong ginagawa kung hindi magwalkout. Mag-CR kunwari o kaya lilipat ako ng upuan sa tabi nila Paris.
Intrams. May laban sila Kuya Jinn. Nanunuod ako kasama ang LL. Nagcheer pa din ako para sa kanya. Hindi yun bilang Andrya pero bilang ang best friend nyang si Andre.
Nasa huling quarter na. Dala ni JV ang bola. Ipanasa nito kay Kuya Jinn. Malaki ang bantay nito. Ibinaba nito ang bola at ipinasa kay Mark. Akala namin ishu-shoot na nito ang bola ng bigla ipinasa nito ulit kay Kuya Jinn na nasa 3 point line. Shoot! Nagtilian ang lahat.
"I love you Kuya Jinn!! Kuya Jinn ko yan!!" ang sigaw ko sa sobrang tuwa. Narinig nito yun, at saka tumingin sakin at kumindat. Tawa ng tawa ang mga kaklase kong lalaki sa ingay ko. Fan din kasi ako ng sports na basketball.
Pinagtatawanan namin ang mga kalaban na team dahil mukhang kabado ang mga ito. Kokonti lang kasi talaga din ang magaling sa kanila hindi gaya sa team namin na magagaling halos lahat.
Masaya kaming nanunuod ng dumating si Eliza at ang mga kaibigan nito. Nanuod din ang mga ito. Hindi na ko makapagcheer ng maayos. Isa sa mga kaklase namin ang sumigaw kay Kuya Jinn at sinabing nanunuod nga si Eliza. Tumingin ito sa lugar kung nasan sila Eliza at saka kumaway. Yun lang at nagyaya na ko tumaas. Nagpaiwan pa sila Paris. Sinamahan ako ni Kloe na umakyat. Wala naman daw ito papanuorin dun dahil hindi naman daw naglalaro si Dony.
Nagkantahan na lang kami sa taas. Maya-maya ay tumaas na din ang iba naming kaklase kasama sila Paris. Tapos na daw ang laban. Panalo daw kami. Maya-maya ay kasunod na nun ang mga players na nakapaghilamos na din.
Umupo sila JV sa tabi namin. Malamig kasi sa pwesto namin. Tumapat din sa electric fan si Kuya Jinn. Isa yun sa mga hinahangaan ko sa kanya. Never ko syang naamoy na mabaho kahit pa nga pawis na pawis sya sa init o kahit galing sa PE class. Pag pinagpapawisan ito, mas lalo pang lumalabas ang bango nito.
Nagkwentuhan ang dalawa. May laban pa pala sila ulit mamaya.
"Andre, icheer mo din naman kami. Wag lang puro kuya mo." si JV yun.
"Hindi kaya!" pagtanggi ko.
"Sus! Kunwari ka pa! Laglag nga panty mo nung nakashoot ako eh!" pangaasar naman ni Kuya Jinn na gamit ang lage naming term kapag kilig na kilig ang isang tao.
"Bastos!!" pinaghahampas ko sya sa braso. Sa sobrang dami ng hampas ko halos mamula na yung braso nya. Inaasar pa ako nito na hindi naman daw masakit at ako lang naman daw ang nasasaktan sa ginagawa ko. Hahampasin ko sya ulit gaganti naman ito ng pitik. Feeling ko mas masakit pa yung pitik nya kumpara sa mga hampas ko.
Tama! Ako talaga ang nasasaktan ngayon, dahil manhid ka! Napakamanhid mo! Hindi mo alam na nasasaktan ako kapag nilalandi mo si Eliza sa harap ko. Lahat yata ng sama ng loob ko, binuhos ko na sa mga hampas ko sa kanya. Tumigil na lang ako ng hawakan nya yung mga kamay ko. Pulang pula na din ang mga yun. Nagulat ako. Hindi ako aware sa ginagawa ko. Hindi ko sinasadya na masaktan ko sya ng ganun. Hindi ko kasi trabaho ang magbuhat ng kamay sa ibang tao, lalong pag galit. Sa biruan oo, pero hindi pag nagseselos.
Nag walk out ako. Pag balik ko ng room, nakayuko na ito sa may upuan nya. Dahan-dahan akong pumunta sa upuan ko para kunin ang bag ko. Baka kasi magising ito.
Lumabas ako, mula sa hallway nanuod ako ng mga naglalaro sa gym. Nandun na ang mga kaklase namin na maglalaro. Nagtataka ako bakit hindi pa naghahanda si Kuya Jinn at natutulog pa din ito samantalang malapit na matapos ang laro at sila na ang susunod na lalaban.
Bumalik ako sa loob at ginising ko ito. Hindi naman pala ito tulog. Hindi ko alam kung maawa ba ko matatawa sa itsura nya. Marahil sa tagal ng pagkakayuko nya, eh parang nadeformed ang mata nya.
"Kuya bakit ganyan yung mata mo?" natatawa-tawang tanong ko pa sa kanya.
"Bakit??" kumuha ito ng salamin at saka tiningnan ang mga mata nya. "Shit!" napasigaw ito. Nun ko lang nalaman na uminom pala ito ng Alaxan para sa sakit ng katawan. At may allergy ito dito, kaya namaga ang isang mata nito.
"Eh bakit ka uminom?!!!" nag-alala naman ako bigla.
"No choice eh! Ang sakit ng mga braso ko. Parang binugbog! Hindi na talaga ako makakapaglaro." kitang-kita ko sa mukha nya ang dissappointment ng hindi nya pagkakalaro.
Umakyat si Dony para tawagin sya at tanungin kung makakapaglaro ba sya. Humindi ito. Di daw kasi sya makakita ng maayos sa isang mata nya at masama din ang pakiramdam nya.
Bigla kong naalala yung paghampas ko sa kanya. Nasobrahan yata talaga ako sa hampas ko sa kanya. Mas lalo akong naguilty ng matalo ang team namin at hindi naqualify para sa finals. Hindi ko alam kung paano ako magsosorry kay Kuya Jinn. Super naguilty talaga ako sa mga nangyari. "Ok lang, hindi mo naman kasalanan eh." Yun lang ang laging sinasabi nito sakin.
Mula ng mangyari yun, napagisip-isip kong hindi na tama tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na healthy. Lalong-lalo yung mga nagagawa ko sa sobrang pagmamahal sa kanya. Eto umabot pa sa nasaktan ko sya. Ng dahil sa pagkaimmature ko, muntikan syang mapahamak. At ng dahil lang yun sa nagselos ko.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...