XXI: The Only Place I Know Where You Could Be Mine.

42 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Only Place I Know Where You Could Be Mine.

Chapter XXI

Letting go. Ito yata ang pinakamahirap gawin. Hindi ko alam kung paano o saan magsisimula. Paano nga ba mangyayari yun kung eto isang dangkal lang ang pagitan namin sa isa't isa.

Sa hirap at sakit na nararamdaman ko, isang piping-saksi dun ang teacher namin sa English. Dahil naging outlet ko ang mga essays at activity papers nya para mailabas ko ang mga nararamdaman ko. Hindi man nya ko kinakausap sa faculty, dun kami nagsusulatan at naguusap sa mga activity papers na ipinapapasa nya. Nagsimula lang iyon sa comment nya sa isa sa mga essays ko "who is he?", binigyan ko lang sya ng clue at nahulaan naman agad nya kung sino nga ba yung madalas na topic sa essays ko.

At ng minsang papiliin nya kami ng isang kanta na magdedescribe sa nararamdaman namin isa-isa namin itong prinesent sa klase. Si Eliza. Binasa nito ang gawa. "I think Im fallin, fallin in love with you.." pagtapos nito ay talagang napapalakpak pa si Kuya Jinn. Inasar sila ng mga kaklase namin.

Nagreready na ako na matawag. At ng matawag nga ako ay.. "I dedicate this song for the boy who made me strong by breaking my heart. Well it goes like this.." sa sobrang tapang ko nun imbis basahin ko lang ito ay kinanta ko pa talaga ito.

"There I was, waiting for a chance, hoping that You'll understand the things I wanna say... Maybe its wrong to say please love me too, coz I know you'll never do. Somebody else is waiting HERE inside for you. Maybe its wrong to love you more and more each day coz I know she's here to stay. And my love is strong, and I know that this is wrong. But I know to whom you should belong."

Natahimik ang lahat. Iniisip nila kung para kanino ba yun. Akala ng mga kaklase ko ay para kay EJ pa din yun.

Ang sarap sa feeling. May kung anung nabunot sa puso ko. Alam ko nagsisimula pa lang ako sa paglimot sa nararamdaman ko para sa kanya at mas mahirap pa ang mga sumusunod pero alam ko kakayanin ko yun.

Minsan naman ng papiliin kami na humanap ng tula o kanta. Nakuha ko to sa binabasa kong pocketbook at ng iresearch ko ito, ay nalaman kong kanta din pala ito..

"You, doing that thing you do, breaking my heart into a million pieces, like you always do. And you, don't mean to be cruel. You never even know about the heartache that I've been going through. Well I try to forget you boy, but it just so hard to do. Everytime you do that thing you do.. I know all the games you play. And Im gonna find a way to let you know that you'll be mine someday. Coz we could be happy can't you see. If you'd only let me be the one to hold you and keep you here with me."

Madalas outlet ko din ang pagsa-soundtrip. Habang nagsusulat ay kinakanta ko ang chorus ng pinapakinggan kong kanta sa mp3 ko...

"Why can't it be.. why can't it be the two of us.. why can't we be lovers only friends..." natigil ako dahil may nakikinig pala sa pagemote ko.

"Oh bakit ka tumigil? Alam mo pala yan. Ang cute ng boses mo. Para ka lang bata pero ganyan mga kinakanta mo.." si Kuya Jinn.

Madalas nga ay nakikinig talaga to pag kumakanta ako. At pag alam kong nakikinig sya, sinasadya ko ang mga kanta na papakinggan ko.

"Kung hindi man tayo hanggang dulo, wag mong kalimutan andito lang ako laging umaalalay. Hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw."

Kahit ang totoo, minsan hindi naman talaga yun ang pinapakinggan ko sa mp3 ko. Pag alam kong nakikinig sya, kakantahin ko yung mga kanta ko na para sa kanya.

"Natupad din ang aking pangarap na ipagtapat sayo, ibubulong ko na lang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko. Sulyapan mo lang sana ang langit, at baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko. Maalala mo sana ako, dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pagibig ko. Bawat sandali na ikaw ay kasama, parang di na tayo muling magkikita. Kaya ngayon aaminin na sayo na mahal na mahal kita, maalala mo sana."

Kahit papano, sa pamamagitan ng pagkanta ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. At sa mga kantang ito, nasasabi ko yung mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya.

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon