XXII: Me Without You.

34 0 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : Me Without You.

Chapter XXII

Hindi na din kami madalas mag-usap ni Kuya Jinn. Hindi ko na din sya masyadong kinukulit. Ako ang naglagay ng pader sa pagitan namin. Lalo sa tuwing nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Yun ay kapag nagkakalapit na sila lalo ni Eliza.

Inis na inis ito sa mga nangyayari sa amin. Kaya ng minsang may itanong ito sa akin at isulat ko pa sa papel ang sagot ko ay napuno na ito.

"Ano ba Andrya?? Kailangan mo ba talagang isulat lahat ng sasabihin mo? Hindi ka naman pipi di ba? Parang yung napanood ko lang sa palabas na Full House. Yung nung ayaw din ni Jessie na makipag-usap kay Justin.

Inis na inis sya kung bakit kailangan ko pa daw na iwasan sya. Nangako pa daw sya na walang magbabago, pero ako naman daw yung nagbago.

"Andre, namimiss na kita. Nasasaktan talaga ko sa mga ginagawa mo sakin. You know what!!? You really made my life miserable, just what you promised." Sinabi ko kasi sa kanya yun nung makita nya na yung sinulat ko dati sa notebook nya. Yung "Andre loves u". Pinakita nya sakin kung anong ibig sabihin nun. Kinuha ko ang notebook nya at pinunit ko agad yung pahina na pinagsulatan ko. Nagalit sya. Isusulat-sulat ko daw tapos pupunitin ko din naman pala pag nakita nya. Binago ko ang nakasulat. "I love making your life miserable." yun ang sinulat ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun sa kanya.

Kung gaano kaworst ang status ng friendship namin ni Kuya Jinn, ganun naman sila nagkakabutihang dalawa ni Eliza. Madalas nga na naghaharutan pa ang mga ito sa room. Manhid na ko dun. Kinaya ko lahat yun. Pero hindi ang isang to...

4th Quarter. Every quarter ay may chance kami na lumipat ng upuan kung saan man namin gusto.

Pag pasok ko sa room ay nawala na ang mga gamit ko sa upuan ko. Late  kasi ako. May ibang gamit na ang nakalagay dun. Nakalimutan ko na tapos na pala ang 3rd quarter at lipatan nanaman ng upuan. Hinanap ko ang upuan ko. Nasa may harapan pala yun nila Paris. Magkakatabi sila nila Kloe at Kizzes. Ako lang ang nasa harapan at wala akong katabi na lalong nagpainit ng ulo ko.

Naisip ko bakit ako ngayon ang nawalan ng upuan. Samantalang upuan ko na yun ng dalawang quarter na. Malapit ang upuan namin sa gilid, sa tabi ng bintana at ng electric fan. Ako, si Kuya Jinn at ang isa naming kapatid din na si Christine ang magkakatabi. Inabangan ko ang uupo dun. Kung sino ang nagpang-ahas na paalisin ako sa upuan ko.

Si Eliza pala yun at ang kaibigan nyang si Racquelle na nakaupo naman sa upuan ni Christine. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko akalain na magagawa ni Kuya Jinn yun sa aming dalawa ni Christine, sa akin. Ni walang pasabi. At ang masakit nun ay si Eliza pa ang uupo dun. Galit na galit talaga ako.

Niready ko ang sarili ko. Away to. Kinausap ko si Jinn na kakarating lang galing sa labas.

"Bakit ako napaalis sa upuan ko ng walang pasabi?!! Upuan ko yan!! Ano to Jinn, ganyanan tayo!!??" galit na galit talaga ako. At wala akong pakialam kung marinig pa yun ni Eliza. Mas gusto ko pa ngang marinig nya talaga ang mga pinagsasabi ko.

"Andre wag kang sumigaw. Wala akong alam dyan. Wala namang kumuha sa upuan mo eh. Unang una first come, first serve diba? So unahan sa upuan yun. Eh late ka pumasok." mahinahong pagpapaliwanag nito. Tama nga ito yun nga kasi ang policy. Pinagtanggol pa  talaga nya ang babae nya.

"Ah so ganun? Eh late ka din di ba? Bakit mukha yatang kami lang ang napaalis." napapatingin pa ako sa may upuan na pinagaawayan namin.

"Hindi naman ako late eh. Tsaka alam naman nilang pwesto ko yan eh. Wala talagang makakapagpaalis sakin dyan." tumaas na din ang boses nya.

"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis sakin. Pero sige, nalate ako. Alam mo kung ikaw yung nalate, ireserba kita eh! Akala ko lang din na ganun ang gagawin mo!" Nagwalk-out ako. Maiyak-iyak talaga ko sa galit. Hindi lang basta about sa upuan to para sakin. Hindi lang tungkol kay Eliza. Hindi lang din sa pang-aagaw nya ng upuan ko, pero sa pang-aagaw nya sa pwesto ko, sa pwesto ko sa buhay ni Jinn. At kung paano ako binanalawela ni Jinn ngayon sa buhay nya para lang sa babaeng yun.

Nagikot-ikot muna ko at nagpalamig ng ulo ng bigla may pumasok sa isip ko. Alam ko na kung paano ako makakaganti.

Nagpunta ako ng room ni mama. Bumalik din ako sa room ng mahimasmasan na ako. Iba na ang nakaupo sa upuan ko, sa dating upuan ko pala. Sila daddy Rei at EJ na ang nakaupo dun. Tinabihan din ako ni Marc at Kimmy sa harapan. Naiinis pa din ako pag nakikita ko ang pagmumukha nilang dalawa. Idagdag pa ang init sa may pwesto ko. Pero hindi din nagtagal ay kumatok na ang "sweet-revenge" ko.

"Miss excuse me po kay Ate Andrya? Pinabibigay po ng mama nya." studyante yun ng mama ko. May dala itong industrial fan. Madaming electricfan sa room nya at may isang sira doon ang ipinagawa na lang nya para ipahiram sa akin. Well! Nanalo ako. Isaksak nya na sa baga nya ang electric fan nya at magsama sila ni Eliza!

Hindi talaga masukat ang ngiti ko ng makita ko na ang daming nakikishare sa "sweet-revenge" ko. Isa na dun si Kuya Jinn.

"Anong ginagawa mo dito?? Sa pagkakaalam ko doon ang upuan mo at hindi dito." galit talaga ako sa kanya. Kanina lang kung paano nya ipagtanggol ang babaeng yun. Ngayon eto sya at nakaupo sa pwesto ko.

Nawala na lang siguro ang inis ko nung nalaman kong hindi pala sya ang nagpaupo sa mga ito sa upuan ko. At kung bakit lumipat din agad ang mga ito ng hindi sya pumayag  sa gusto nilang mangyari. Si Jinn daw ang gusto nilang umupo sa dulo, si Eliza ang sa gitna nila ni Racquelle. Buti naman at alam pala nila kung saan lang sila pwedeng lumugar.

Magkaganun man, wala na ding magbabago. Wala na din akong balak pang bumalik sa tabi nya. Mabuti na din yun. Malayo na ako sa kanya. Hindi na ako mapapahiya pag tinatawag ang pangalan namin at pag tumayo ako sa Deandre dahil Andre ang pagkakarinig ko. Hindi ko na kailangang magsulat sa papel sa tuwing kakausapin ko sya. Hindi ko na kailangang iwasan sya dahil sobrang layo na ng upuan ko sa kanya. At kung gugustuhin ko, kaya kong hindi sya makita. Wag lang ako titingin sa south-east ko. Mas masakit kasi yung nakikita ko sila, mas ok pa ang magkastiffed-neck. Higit sa lahat? Mas madali ko ng makakalimutan ang mga nararamdaman ko para sa kanya. Mamimiss ko man sya, nagpasalamat na din akong nagkalayo na kami.

 ***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon