Lucky I'm In Love with My Best Friend : Coincidence or Trick of Fate?
Chapter XXIII
Jinn Daryen. Nanadya ba ang tadhana??
Pangalan yan ng 1st year student ni mama. Crush ko ito dati pa dahil nakucute-an ako sa kanya. Masyado nga lang itong bata. Pero never naman pumasok sa isip ko na magkagusto dito. Hindi ngayon. Hindi kahit kailan. Crush ko lang talaga ito. Wala lang. Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko lang bumalik sa normal na ako. Yung magkacrush na ulit ng iba.
Hindi ko alam ang pangalan nya dati. Akala ko nga ginu-good time lang ako nung sabihin sakin ni Kimmy na totoong yun nga ang pangalan nya.
Kung titignan kasing maigi parang pinag-combine na pangalan namin yun ni Kuya Jinn. Pinagtitripan nga yata ko ng tadhana.
Naging close kami ni Daryen dahil kina Eimmy, Precious at RR. Mga kaklase ito ni Daryen na nakababatang kapatid ng mga kaibigan ko. Si Eimmy ay kapatid ni Kimmy, si Precious ay kapatid naman ni Paris. Para ko na din silang mga nakababatang kapatid dahil advicer nila si Mama. Masasaya at makukulit kasama ang mga ito. Kahit papano nabawasan ng mga ito ang nararamdaman kong lungkot at sakit.
Naniniwala akong nasa sa atin naman kung gugustuhin nating maging malungkot o maging masaya. Kung gugustuhin ba nating laging masaktan o hindi na lang maapektuhan. Pero minsan kahit gaano mo din piliting maging masaya, may mga pagkakataong masasaktan ka talaga. Kahit gaano mong piliting hindi maapektuhan, makakaramdam ka ng lungkot. Ito yung mga pagkakataong hindi natin hawak. Worst, yung hindi tayo handa.
Andrya,
Nagtataka ka siguro kung bakit ako sumulat sayo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. May gusto sana akong hingin na pabor sayo. Tungkol ito kay Jinn. Hindi naman siguro kaila sayo na nililigawan ako ng "kuya" mo. Hindi ko alam kung anong meron sainyo, sayo at bakit nagseselos ako. Hindi naman siguro ako lang ang nakakapansin nito. Na masyado kayong close. Kaya gusto ko sanang layuan mo na sya. Ewan ko, pero kasi ayoko ng may ka-share pag dating sa kanya. Ano man ang isipin mo, oo pag dating sa kanya selfish na ako. May karapatan naman siguro ako na maramdamam to di ba? Sana nga lang maintindihan mo yun. Salamat.
P.S. Ayoko sanang ipaalam mo pa to kay Jinn.
-E
Alam ko agad kung sino ang nagsulat nun. Iniwan lang kasi yun sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang babaeng yun, nasa loob lang pala ang kulo. Akala mo kung sinong tatahi-tahimik. Nag-init talaga ang ulo ko ng mabasa ko yun. Nilukot ko agad ang sulat nito. Sinugod ko ito, at walang laban ko itong sinabunutan, sinampal pinagkakalmot at inginudngod ang mukha sa lupa hanggang sa magmakaawa itong tumigil na ako. Kung hindi nga lang siguro matino ang pag-iisip ko, baka nga nagawa ko yun. Medyo may pagkaOA na nga lang yung naisip ko. Naiiling ako sa mga naisip ko. Hindi ako ganun.
I have never been into a cat-fight before. Baka ngayon pa lang kung sakali. Pero naisip ko is she worth it? Na sirain ko ang pangalan ko dahil sa kanya? Dahil sa lalaki? Hell no. Nakuha na nga sa akin ang best friend ko. All I have now is my dignity and no chance I would let anyone to take it from me. As in, no one. May pride naman ako noh.
After awhile natawa na lang ako. Would you imagine writing a letter to your "not-yet" boyfriend's bestfriend asking her to distance him? What a desperate move. Hindi ko sya papatulan. I will never ever stoop down into her level. Ok sige she won this time. Dahil na sa kanya si Jinn. But not too soon. Not yet.
Alam kaya ni Kuya Jinn na ganito pala ang ugali ng babaeng to?? Sumagi din sa isip ko na sabihin dito ang ginawa ng "not-yet" girlfriend nya. Pinigilan ko lang ang sarili ko na hindi sabihin kahit pa nga sa kahit anong pagpilit sakin ng mga kaibigan ko. Pinabasa ko din kasi sa mga ito ang sulat ni Erika. Ipaglaban ko daw ang karapatan ko bilang bestfriend at hindi yung kung sino lang ang basta-basta makakapagpaalis sa akin. Unless si Jinn mismo ang magsasabi. Hindi pa naman daw sya girlfriend nito para umasta ng ganun. Hahayaan ko daw ba na sa ganitong babae lang mapupunta si Jinn? Kaya nga din ako nagparaya dahil akala ko, nasa mabuting kamay naman si Jinn. Nagkamali pala ako.
Pero kahit pa nga gusto ko ng kuhanin ulit dito ang bestfriend ko, desidido ako. Hindi ko sasabihin. Best friend lang ako. Wala akong karapatang manghimasok sa desisyon ni Jinn ng piliin sya. Kaya hahayaan kong si Jinn din mismo ang makatuklas sa ugali ni Eliza. Ayokong sa huli, mapahiya lang ako. Dahil baka imbis magalit ito, kampihan pa nito ang babaeng yun. Hindi ako sigurado. Baka ako nanaman ang talo. Hindi ko hahayaang mangyari pa yun.
Kaya kahit gaano pa namin kagustong patulan ang babaeng yun, hindi namin ginawa. Nagpaalam kami nila Paris at Kloe na magCR. Inis na inis talaga kami. Ang daming kalokohan na ang pumasok sa isip namin kung paano kami gaganti sa paglalakad pa lang.
Ng makarating sa CR, isang malaking-malaking "G*** ka Eliza" ang isinulat namin sa pader ng CR. Si Paris ang nagsulat nun. Ballpen lang naman ang gamit nya kaya hindi din naman yun masyadong halata. Natawa na lang kami sa ginawa namin. Masabi lang talaga na nakaganti ako. Bumalik din kami agad ng room. Kunwari walang nangyari.
"Andre, ikaw ba yung nagsulat sa CR?" si JV yun. Hindi lang yata sya ang nagtanong nun sa akin. Hindi ko alam kung paano nila nalaman. Hindi ko din alam kung bakit ako agad ang iniisip nilang magsusulat ng ganun sa CR. Deadma lang. Hanggang...
"Andre pwede ba tayo mag-usap? May gusto lang sana akong itanong sayo. Sana magsabi ka ng totoo. Ikaw ba yung nagsulat nung sa cr ng girls?" si Kuya Jinn na yun.
Ok that's it. Napuno na ko. Hindi ko alam kung bakit ako agad ang iniisip nila na gagawa nun.
"Pinagbibintangan mo ba ako?!" naiinis kong tanong sa kanya. Alam kong mangyayari to. Kaya nakapaghanda na ako ng dialogue ko bago pa man.
"Hindi naman. Pero kasi..."
"Pero kasi ano?!? Dahil ako lang ang pwedeng may galit kay Eliza?!? Dahil sa nagseselos ako?? Yun ba ang gusto mo sabihin??! Paano kung sabihin ko sayong oo??!" Talagang binitin ko muna yung mga sasabihin ko. Gusto kong makasigurong tama ang hinala ko. Na kakampihan nya ang babaeng yun ng hindi inaalam ang side ko. Hindi nga ako nagkamali.
"Hindi mo naman kailangan gawin to Andre eh. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo."
"Eh bakit??? Ano bang pagkakakilala mo sakin??! Eh simula pa lang hinusgahan mo na ako! Hindi mo ba itatanong kung bakit namin nagawa yun?? Bakit hindi mo itanong dun sa girlfriend-to-be mo kung anong mga pinaggagawa nya." tatalikod na sana ko. Ng maalala ko yung pinakamahalagang dapat nyang malaman. "At nagkamali ka ng panghuhusga, hindi ako yung nagsulat!" yun lang at umalis na ko.
Sobrang sama ng loob ko kay Jinn. Sa ikalawang pagkakataon, naipamukha nanaman nya sa akin na mas mahalaga talaga si Eliza kaysa sa akin. Nasasaktan ako bilang best friend nya. Nasasaktan ako hindi dahil sa mahal ko sya, pero nasasaktan ako na malaman na wala talagang halaga sa kanya ang pagkakaibigan namin kahit noon pa man. Sayang nga lang na napunit ko na ang sulat ni Eliza at wala akong ebidensya. Pero sa nangyari mas mabuti ngang wag ko ng sabihin. Para saan pa? Nahusgahan na din naman nila ako. Yung hinihingi ni Eliza? Kahit hindi nya sabihin, yun naman ang ginagawa at gagawin ko. Isaksak nya sa baga nya si Jinn. Magsama silang dalawa!
Wala talaga akong pinagsisihan sa ginawa namin, kung meron man, yun yung nagvandalism kami sa school property. Yun lang.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...