02 AWKWARD ENCOUNTERS

374 25 84
                                    


"Are the sweets not to your liking?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito ng itanong iyon. "Tell the Pantlers to bring the Lady something else to eat." He signals one of the maids.

"N-No wait!" Pagpigil ko. "I'm enjoying this, Your Highness." Hindi lang talaga ako makapaniwala sa kasalukuyang sitwasyon kaya lumilipad ang isipan ko.

Dimitri has been so nice, and now I'm starting to think that this world is toying with my sanity. May nakakarinig kaya ng mga iniisip ko, kaya sinasabutahe ang mga balak ko? Iiwasan ko nga dapat si Hadeon at Dimitri, pero ito at paulit-ulit na nagkukrus na ang mga landas namin. And this behavior, how is it possible that the Crown Prince who is enjoying his scones and tea right now, is the same villainous Crown Prince I read in the book?

Did his attitude change because he met me in a different way?

No, what if he's a wolf in a sheep's clothing? I can't afford to make a mistake because my life depends on it.

"The Bundt cake is delicious, Your Highness. Ibang iba ang lasa nito kumpara sa mga nabili namin sa bayan." In the book, Dimitri hates small talk like this. Baka sakaling mahubad ang maskara niya kapag nainis ito.

"Right?" He brightened up, like a child. "The palace has the best Pantlers and cooks in the Kingdom." Matapos niyang sabihin iyon ay humarap ulit siya sa mga katulong at nakangiti ito sa kanila. Even the maids who saw it couldn't hide the shock on their faces. "Tell the Pantlers they did an amazing job."

"Y-Yes, Your Highness." They chorused and giggled among themselves. Pati sila ay tuwang tuwa rin sa nakikitang inaasal ng Prinsipe.

RC Astralia would often mention how mean Dimitri is. His traits were described as selfish, arrogant, and overbearing. He wasn't nice with palace workers, and even with the Nobles visiting the court. Nakakainis talaga ang papel nito sa libro; but as most fans said, we have hots for bad fictional men, kaya bulag-bulagan ang peg habang nagbabasa. As much as I like his character, hindi ako pwedeng magbulag bulagan sa pagkakataong ito, dahil buhay ko ang nakataya.

"You must be curious as to why I summoned you here." Nakahinga ako ng maluwag nang ito na mismo ang nagbukas sa usaping iyan. Kanina ko pa gustong malaman kung bakit niya ako pinatawag.

Tumango ako bilang sagot.

"It's nothing serious. I just wanted to know how you and your family are adjusting to the new life here in Vrivasea." Muli itong sumubo ng scone.

Seryoso ba siya? All these efforts just to ask me that? Alam ba nya na tarantang taranta ang mga maids kanina na ayusan ako? Dahil hindi pa namin tiyak kung magiging maganda ang pakikitungo ng Hari sa pamilya namin pagkatapos ng pagsakop sa Arexxo ay hindi muna kami namili ng mga magagarang damit at mamahaling gamit. Kaya nagkakagulo ang mga maids kanina kakahanap ng damit na babagay sa tea party ng palasyo. All of my dresses are from Arexxo and I've only made some alterations so it would fit with the South's fashion.

Pero sige na nga, pagbigyan na natin. Baka naman talagang maganda ang hangarin niya.

"We're doing fine, Your Highness. All thanks to the benevolence of His Royal Highness, King Vytta." Nakangiti kong sagot. "And thank you for looking after our House." Dagdag ko.

Ngumiti lang ito at tumango-tango, saka ibinaba ang tasa ng tsaang iniinom. "Also these," kinuha niya ang mga librong kanina ay binabasa niya. Isang maid ang lumapit at kinuha iyon mula sa Prinsipe, sunod ay lumapit ito sa akin at iniabot ang mga libro. "Mga aklat iyan na nakuha ko mula sa Royal Library tungkol sa kasaysayan ng Stormwatch, at ilang libro na rin patungkol sa Vrivasea. Sana ay makatulong ang mga iyan sa pamamahala ng Marquess." Pagkasabi niya nun ay binuksan ko ang isa sa mga libro, at patungkol nga ito sa Stormwatch.

HOW TO SURVIVE A DAMNED TRANSMIGRATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon