Lucky I'm In Love with My Best Friend : Diagnosis: Love Sick.
Chapter XXIV
Napakabagal matapos ang isang araw. Parang laging nakaslowmo ang orasan idagdag mo pa na kasama mo sa iisang kwarto yung mahal mo at yung mahal ng mahal mo. Parusa lang?
Isang hapon kakatapos lang ng PE class. Tumapat ako sa electricfan kasi ang init ng pakiramdam ko. Medyo parang sumasama ang pakiramdam ko. Hindi ko naman pinansin yun. Baka kasi napagod lang ako sa paglalaro, idagdag pa ang mainit na panahon.
Last subject. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat-bigat ng mga mata ko. Antok na antok ako. Nakakapagtaka dahil math ang subject namin ng mga oras na yun. Favorite ko yun. Kaya kahit sa nararamdaman ko, yumuko lang ako at pinipilit ko pa ding makinig sa teacher namin.
"Andrya? Andrya? Ok ka lang ba?" Yun ang gumising sakin. Si Mrs. Narvaz yun. Nakatulog na pala ako. Nakakahiya. Nahuli ako nitong natutulog sa klase nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pinagtitinginan na din pala ako ng mga kaklase ko.
"Ok ka lang ba??" tanong ng teacher namin.
"Ms hindi po yan ok. Masama daw po pakiramdan nya." ang mga kaibigan ko na ang sumagot.
"Ayaw mo bang pumunta ng clinic?" hinawakan nito ang noo ko. "Ang init mo." nag-aalala na ito.
"Ms ok lang po ako. Ayoko po pumunta ng clinic. Dito na lang po ako." sabi ko. Ayokong pumunta ng clinic dahil ayoko mamiss ang discussion namin. Bago pa naman ang lesson.
Natigil ang discussion. Lumabas ang teacher namin. Nakiesyoso na ang mga kaklase ko. Si Dony. Hinawakan nya din ang noo ko para tingnan kung mainit nga ako.
"Ang init mo nga Andre!!" may pagka-oa pa nitong sinabi. "Umaarte ka lang ata eh!" Pang-aasar pa nito. Tumawa lang ako. Sa itsura kasi nito, mukhang nagpapasalamat pa ito na nakatulog ako kaysa sa pag-aalalang mainit nga ako. Dahil kasi sakin nahinto ang klase namin
Tumabi din sa amin si Kuya Jinn. Nakikielectricfan ito. Nagkwentuhan ang dalawa. Nagingay na din ang iba naming kaklase dahil wala ang teacher namin. Maya-maya ay dumating na din ito. Kasama na nito ang mama ko.
"Ayan Dina oh! Ayaw pa pumunta ng clinic. Pulang-pula yung mukha. Nilalagnat na eh. Nagpanic na ko." nag-aalala na nga ito. Alam kasi nito na hikain ako.
"Baka labnat Ma'am." natatawang biro pa ng mama ko. Sa ikalawang pagkakataon, tumama nanaman ang pagbibiro nya. Malapit na din akong maniwala na nakakabasa ng utak ang mama ko. "Tara na Rya, pinagaalala mo teacher mo eh. Sa clinic ka na lang magstay."
"Ms hatid ko po sa clinic." pagvo-volunteer pa ni Dony na halatang gusto lang naman lumabas.
"Napakabait naman ni Mr. Lumacad. Oh ayan na ihahatid ka na ni Dony."
"Ok lang ako ma!" pagtanggi ko. Kaya ko pa naman kasi talaga eh. Besides, malapit na din mag-uwian bakit pa ko magstay ng clinic.
"Oh gusto mo pabuhat pa kita kay Mr. Samson??" ang tinutukoy nito ay si Kuya Jinn. Bubuhatin nga talaga ako nito.
"Kaya ko pa Ma. Wag na." tumayo na lang ako para matigil na din ito. Pag tayo ko, dun ko lang naramdaman na masama pala talaga ang lagay ko. Parang nanghihina yung mga tuhod ko. Ang init ng pakiramdam ko pero giniginaw ako. Hinatid nga ako ni Kuya Jinn. Dinala nito ang bag ko. Nagkwentuhan sila ni mama habang naglalakad pero hindi ko maintindihan yun.
"Magkakasakit ata ako." Those were the exact words na sinabi ko kela Paris ng hapon na yun at ngayon nga ay may sakit na ako.
Ang taas ng lagnat ko ng gabing yun. Hindi na ako nakapasok kinabukasan. Pag dating ng umaga umaayos ang pakiramdam ko. Akala ko makakapasok na ako ng sumunod ng araw pero pagdating ng hapon ay inapoy nanaman ako ng lagnat.
Hindi ako makakain dahil sinusuka ko lang din agad. Madalas din wala akong gana. Ilang araw na ganito ang sitwasyon ko. Wala pa akong kasama sa bahay. Matulog at manuod lang ng tv ang kaya kong gawin. Madalas tulog ako para hindi ko maramdaman na may sakit ako. Mabuti na nga lang na pag padating na sila mama dun lang sumasama ang pakiramdam ko. Ilang araw na din na hindi ako nakakapasok.
Isang hapon, nakita ko na lang na may rashes ako sa hita. Dalawang pulang tuldok. Dengue. Yun agad ang pumasok sa isip ko.
Sinabi ko agad kay mama. Nung una ayaw pa nilang maniwala. Pero nung tumaas ang lagnat ko ng 39, pinatingnan na din ako agad sa doktor. Buong akala namin trangkaso lang yun. Uso kasi nun yun. Yung trangkaso na akala namin, confirmed, dengue na pala.
Stage 1 lang ata yun. Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako pinaconfine. Ayon na din sa advice ng doktor, sa bahay na lang o kaya sa private hospital ako ipaadmit. Na hindi nangyari for financial reasons na din. Lalagyan lang naman daw ako ng dextrose eh. Para lang daw lumakas-lakas ako. Pinapili ako ng doktor. Hindi naman ako takot sa karayom pero yung gamot kasi na nakalagay na ininject sakin kanina, sobrang sakit na. Malapot kasi daw yung gamot kaya makati at mainit sa ugat. Napaluha talaga ako nun sa sakit. Kaya lalo pa daw kung lalagyan ako ng dextrose. Naiisip ko pa lang na ganun nanaman ang ituturok sakin, parang mas gusto ko na lang tumakbo.
Government hospital din kasi yung pinagdalhan sakin, napakadaming may iba't ibang sakit ang nakaconfine dun at baka mahawa lang daw ako. Siguro papagaling na din ako nun kaya pumayag na din si mama at ang doktor na wag na ko ilipat sa private hospital. Sasabihin din naman ng doktor kung sakaling delikado ang lagay ko at dapat talaga ako iadmit eh. Ang kailangan lang daw ay mastabilized ang platelets ko. Kaya kailangan ko din pumunta araw-araw sa ospital para magpablood count.
Yun ata ang pinakaworst na naranasan ko sa buong buhay ko. Yung hinang-hina ka dahil energy drink at prutas lang ang tinatanggap ng sikmura mo. At yung natitirang lakas ng katawan mo, pagkakasyahin mo pa para makapagbyahe ka papuntang ospital.
Ayokong isipin ang nasa isip ko nung mga panahon na yun. Ang gusto ko lang, matapos na ang hirap ko sa kahit anong paraan.
7 araw din akong absent. Pag balik ko ng school, para akong transferee. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Sa itsura ko yun. Malaki ang ipinayat ko. Hindi siguro nila akalain na may ipapayat pa pala ako. Nakakamangha lang din talaga na sa payat ko palang to, hindi ako kaya ng dengue. Feeling ko tuloy ang lakas-lakas ko. Proud ko pa ngang ipinakita sa mga kaibigan ko yung mga pasa ko sa braso dahil sa mga gamot na ininject sakin.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko maintindihan bakit parang hindi masaya yung mga kaibigan ko na nagbalik ako. Hindi sila mapalagay. Saka lang umamin ang mga ito ng maguwian na.
"Andre, sila na. Nung wala ka." si Paris ang malakas ang loob na nagsabi sakin.
Ayaw nga daw sana nilang sabihin ito sakin dahil kakagaling ko lang sa sakit. Baka daw mabinat ako. Dahil alam nilang masasaktan ako pag nalaman ko. Ayaw naman daw nilang sa iba ko pa malaman at ako nanaman ang huling makakaalam.
"Kelan pa?" ang walang kaemo-emosyon kong tanong sa kanila. Manhid na yata ako sa sakit. Naisip ko kung sa dengue nga hindi ako namatay, sa heart break pa?
"Nung 25 ata?"
"Ah edi ok! Congrats sa kanila."
"Totoo yan?"
"Oo naman noh!" hindi ko maipaliwanag kung anong nangyari bakit biglang hindi na nga ako affected. Alam ko lang, na sa sarili ko, totoo yun.
Oo mahal na mahal ko si Jinn pero hindi ako yung tipo ng babae na maninira ng relasyon para lang makuha ang gusto ko. Kung sya talaga ang mahal ni Kuya Jinn, handa akong magparaya. Kung sakaling manggugulo ako, alam kong sa huli ako lang din naman ang masasaktan.
Ganun naman pag mahal mo ang isang tao di ba? Alam mo dapat kung hanggang saan ka lang lalaban. Alam mo din kung kailan ka dapat sumuko. Sa pagkakataong iyon, sumusuko na ko. Mahal ko kasi sya, kaya hahayaan ko sya kung saan sya pinaka magiging masaya. Kahit pa nga hindi sa akin yun.
Masaya ako para kay Kuya Jinn. Masaya din ako para sa sarili ko, na malaya na ko. Malaya na ko sa kakahintay kung kailan maiinlove din sakin ang bestfriend ko. Malaya na din ako na bumitiw sa kakaasang mayroong "kami" sa huli.
***
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)
Romance"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate...