XXVI: The Day That Changed My Life.

42 1 0
                                    

Lucky I'm In Love with My Best Friend : The Day That Changed My Life.

Chapter XXVI

Wednesday ng hapon. Pinatawag ako ng isang teacher namin dahil hinihika daw ang Mama ko. Nasa clinic daw ito. Umuwi na lang daw muna kami.

Nagcut-classes ako dahil medyo nahihirapan na nga si Mama sa hika nya. May gamot naman. Nagkataon lang, sinabayan kasi ito ng ubo kaya sya nahihirapan. Medyo mainit din ito.

Pagkadating ng bahay ay pinagpahinga na lang namin sya agad. Madalas na hinihika si Mama sa ganitong magpapasko. Dito talaga sya madalas sumpungin ng asthma nya.

Ng maggagabi ay lalong lumala ang hika ni Mama. Sinabihan na namin syang magpadala kay Papa sa ospital. Ang tigas naman ng ulo nito. Nang hindi nya na talaga kaya, ay saka lang ito nagpadala sa ospital.

Sanay na kami ng ganito. Madalas ay nadadala si Mama sa ospital pero kinabukasan ay nakakalabas na din naman ito agad. Ganun din ang nangyari ngayon. Pagka-dala sa kanya kanina, maya-maya lang ay nakauwi na din ito agad. Nagpaturok lang daw sya ng gamot. Pag dating sa bahay ay ok na ito. Ngunit ng pagkaakyat nito sa kwarto ay nahirapan nanaman itong huminga. Pinagalitan ko sya. Dapat kasi ay hindi na lang muna ito lumabas at nagpahinga na lang muna sa ospital.

Ibinalik sya ni Papa sa ospital. Nanuod muna ako ng TV, hinihintay ko kasi ang tawag ni Papa. Ng hindi ko na kinakaya ay nagpasya na akong matulog. Maaga pa din kasi ang pasok ko kinabukasan. Marahil ay bukas ng uwi nila Mama.

Thursday ng umaga. Ginising kami ni Papa. Past 6am na pala. Late na kami. Hindi pala kami nakapag-alarm. Dahil sanay kaming ginigising ni Mama.

"Hindi na kayo papasok. Pupunta tayo ng ospital."

"Huh? Bakit pa? Hindi ako pwedeng umabsent. May quiz kami ngayon." reklamo ko. "Kelan nga pala labas ni mama? Ok na ba sya?"

"Wag na muna kayong magtanong. Bilisan nyong kilos walang bantay ang mama nyo. Nasa ICU sya." sagot nito habang nagiimpake ng mga gamit ni mama.

"Huh? Anong ginagawa nya sa ICU??" nagtataka ako bakit nasa ICU si Mama. Baka wala ng room.  Yun ang naisip ko.

"Ano yung ICU?" tanong ng kapatid ko.

Yun ang nagpa-absorb sakin ng lahat.

Intensive Care Unit. Teka bakit nandun si Mama? Kinakabahan ako.

Sa malapit na ospital samin dinala ang mama ko. Pag dating namin ng ospital ay pinuntahan namin agad kung nasaan si Mama. Hindi naman kami pinayagan agad makapasok. May visiting hours daw kasi. Kinabahan ako lalo at bakit hindi pa pwedeng makita namin sya.

Nagstay lang muna kami sa isang kwarto. Maliit na kwarto lang yun para sa mga pamilya ng mga pasyente na nasa ICU. Airconditioned ang kwarto na yun at may isang maliit na TV.

Nakatulog si Papa sa dala nyang banig. Baka wala pa syang tulog kaya hinayaan na lang muna namin sya. Hindi namin tuloy sya matanong sa kung anong lagay ni mama. Naawa ako sa itsura namin. Para kaming nasa evacuation center. Kahit pa nga konti lang kami dun ay bukas na bukas naman ang pinto at napapatingin samin lahat ang mga napapadaan sa labas.

Apat na oras din kaming naghintay. Nakatulog na din ako. Nagising lang kami ng gisingin kami ni Papa. Pwede na daw pumasok ng ICU. Ako na lang daw muna. Hanggang dalawa lang daw kasi ang pwedeng bisita.

Isang malaking-malaking kwarto yun. May walong mas maliit na kwarto ang nandoon. Nakapaikot yun sa gilid ng buong kwarto at nasa gitna nga mga iyon ang nurse station. Isa dun ang kay Mama.

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon