XXVII: Ecclesiastes 7:3

38 1 0
                                    

 Lucky I'm In Love with My Best Friend : Ecclesiastes 7:3

Chapter XXVII

"Pwede bang manligaw Ate Andrya?"

Gulat na gulat ako ng mabasa ko ang sulat sakin ni Daryen. Binigay nito yun sakin kanina. Kasama ko sila Robert at JV nun. Nakita din nila ang ginawa nito kanina.

Nasa may hallway kami nun. Nasa baba namin ang room nila Daryen. Nakita nya ako na nakadungaw mula sa taas.

"Ate Andrya! Wait lang ah! Dyan ka lang, may ibibigay ako sayo." sigaw nito mula sa baba.

"Sino yun Andre?" tanong nila Rob at JV.

"Haha! Crush ko yun eh." Natatawa at kinakabahan ako ng oras na yun. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibibigay nito.

Ng makaakyat ito ay may dala na itong tatlong piraso ng maliliit na roses. Hindi sya talaga bulaklak mas mukha yun na candy para sakin. May kasama pa iyong red letter na nakafold na paheart.

Nagulat talaga ako hindi ko akalain na gagawin nya yun. Inasar tuloy ako nila JV. Bumaba din ito agad pagkabigay sakin. Nakita din yun ng iba pa naming kaklase na nasa labas din ng oras na yun.

"First year yun di ba?" tanong ni JV. "Kung sa bagay, pag magkasama kayo hindi aakalain na mas matanda ka. Dahil parehas naman kayong mukhang bata." natatawa-tawang puna nito.

"Adik!" yun lang ang naisagot ko. May pagka-shock pa din kasi ako sa nangyari. Totoo, first time kasing may gumawa sakin ng ganun sa school. Yung matapang na manliligaw sa akin.

May nagkagusto sakin dati, grade 5 pa lang ako nun. Si JJ, crush ko din yun dati. May klase kami nun, sobrang kinukulit nya ako kaya nasampal ko sya na nakita naman ng teacher namin kaya napagalitan kami. Umiyak ako. Kinausap kaming dalawa ni mama kasama ng teacher namin. Umamin ba naman ito sa mama ko na may gusto sa akin. Alam ni mama na crush ko yun. Alam nya din na focus ako sa pag-aaral kaya pinayuhan nya ito na mag-aral din muna mabuti para magustuhan ko. Eh ngayon kaya ano kaya ang magiging reaksyon nya na may first year student na nanliligaw sa akin? Studyante pa nya.

Hindi din ito ang unang may nanligaw sakin. Pangalawa na ito. 2nd year high school ako noon. Mas matapang yun dahil pumupunta pa yun ng bahay namin para magbigay ng merienda. Pinapasahan pa ako nun ng 200 pesos na load. Mas matapang yun dahil kung sa mama ko ok lang ang may manligaw sa akin, hindi ganun sa papa ko. Unica ija daw kasi ako. Napagalitan pa nga ako dahil nagpapaligaw daw ako sa daan. Hindi ko kasi pinapasok sa bahay namin yung nanligaw sa akin. Ayoko nga. Hindi ko pa naman gusto magkaboyfriend. Hindi sya ang gusto ko. Akala tuloy nila Papa nagpapaligaw ako sa daan. At hindi lang yun dun natapos ah, buong angkan namin ang nakaalam na may nanliligaw na sa akin. Ganun ka big deal ang may manligaw sakin. Kaya nga siguro halos walang magmatapang eh.

Sinulatan ko din ito. Sinabi kong wala namang problema sa akin ang gusto nyang gawin. Wag nga lang ito agad umasa ng sagot mula sa akin. Gusto ko din kasi munang ipaalam sa mama ko ang gagawin nito.

Naging madalas na kami magkasama. Magkalaro sa badminton. Nagkakakwentuhan. Kasama din naman namin sila Eimmy. Ipinaalam ko na din kay mama ang panliligaw nito. Ok lang naman daw sa kanya.

Isang hapon. Hinihintay ko si mama. Nakaupo lang kami sa isang bench malapit sa faculty. Kasama ko si Daryen. Nakita lang ako nito na mag-isa kanina kaya sinamahan muna ako nito. Ewan ko pero pag kasama ko sya hindi ako kinakabahan. Siguro kasi alam kong mas bata sya sa akin. Nagkwe-kwentuhan lang kami. Tawanan. Ng mapadaan si Kuya Jinn. Lumapit ito. Nagpaalam naman ng aalis na si Daryen. May klase pa daw kasi sila.

"Sya ba yun?" tanong ni Kuya Jinn pagkalapit nya.

"Oo.. Oh anong masasabi mo cute di ba??"

"Cute nga. Bagay kayo." tipid na sagot nito. Hindi ko alam kung sang-ayon ba sya o hindi. "Anong ginagawa mo dito? Nagdedate ba kayo?"

"Hindi ah! Adik! Hinihintay ko si mama eh nakita nya ko mag-isa kaya sinamahan nya muna ko. May klase pa daw sya eh." paliwanag ko.

"Ah ganun ba. Oh sige uwi na ko. Ingat kayo ni Mama Dina pag-uwi." paalam nito. Umalis na din ito agad.

The bible says, "Sorrow is better than laughter, coz when the face is sad, the heart grows wiser."

New Year's Eve. Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw. Nakadaan na ang pasko. Ngayon ay ilang minuto na lang hinihintay, bago magsara ang taon na ito. Kasama ko ang pamilya ko sa 3rd floor ng bahay namin para manuod ng fireworks.

Masaya akong sasalubungin ang bagong taon. Isang malaroller-coaster ride ang taon na ito para sa akin. Andyan ng mga ups, downs at ang hindi mabilang na makapigil-hiningang loops. Lahat ng mga ito ay nakapagbigay sa akin ng aral. Lahat, hindi ko makakalimutan. Masaya, malungkot, masakit at nakakatakot. Lahat ng mga yun ay nalampasan ko. Lahat ng yun ang dahilan kung bakit ako "ako" ngayon. Bukas.

5, 4, 3, 2, 1... Happy New Year!! Happy New Me!!!

Binati at niyakap ko ang Mama at Papa ko pati ang mga kapatid ko. Magkakasama naming pinanuod na mapuno ang kalangitan ng mga makukulay na fireworks. Nagdasal ako ng taimtim sa sarili ko. Nagpapasalamat ako sa Kanya na nabigyan nanaman kami ng isang taon na magkakasama. Na kasama namin si Mama.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng magring ang cellphone ko. Si Kuya Jinn yun. Binati nya ako. Sandali lang yun. Natuwa naman ako na naalala pa nya ang tawagan ako.

***

Lucky I'm In Love with My Best Friend (A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon