Author's Note:
On the spot ko po ginawa yung maikling tulang mababasa nyo :D Kahit na matagal ko ng naisulat ang kwentong ito...
X|S
---------------------------------------------------------------------------------------
“Umaasa pa rin ako Mando, na isang araw makikita natin muli ang ating anak…”
Ang mag-asawa ay nasa kanilang higaan na pero hindi pa rin magawang makatulog ni Lerma, kaya minasahe niya ang kanyang asawa habang sila’y nag-uusap.
“Alam ko yun Lerma. Magtiwala lang tayo sa ating Panginoon…” tugon ni Mando.
“Oo, lahat ng ito’y ipinakakatiwala ko na sa Kanya.”
Hinawakan ni Mando ang mga palad ng kanyang asawa upang sabihing itigil na ang ginagawa nito.
“Sige, matulog na tayo…” aniya sa asawa bago nahiga na ng maayos. Tumabi na rin sa kanya si Lerma.
“Sana paggising ko narito na si Dino…” ani pa ni Lerma bago ipikit ng tuluyan ang kanyang mga mata.
“Lerma…” Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Mando sa asawa.
Mula sa labas ng kanilang bintana ay maaaninag ang isang anino. Aninong nagmumula sa isang taong nakatayo sa labas ng kanilang bahay, na pinagmamasdan ang bintana sa silid ng mag-asawa.
“Mama, Papa…alam nyo po’ng mahal na mahal ko kayo. Wala po akong anumang galit o tampo sa inyo. Isang bagay lamang po ang dahilan kung bakit ako umalis. Pero wag po kayong mag-alala sa akin. Maayos po ako at masayang-masaya kung nasaan man ako ngayon…Wag po kayong malungkot dahil uuwi na po ako…di po muna ngayon dahil may isang bagay pa akong kailangang tapusin…”
Ang mga katagang ito ang ibinulong niya sa hangin bago tuluyang lumakad paalis.
---------------------------------------------------------------------------------------
Hindi maalis sa isipan ni May ang ipinangako ni Dino. Isang pangakong alam niyang tutuparin ng kanyang kasintahan.
Kasalukuyan siyang nasa harap ng kanyang computer upang maghanap ng mga impormasyon para sa kanyang takdang-aralin sa Physics. Isang larawan ang kanyang minamasdan nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone na katabi niya.
“Si Dino nasa labas…” aniya nang mabasa ang mensaheng dumating.
Agad siyang lumabas patungo sa kanilang veranda o terasa. Malapit lang iyon sa kanyang silid kaya ilang hakbang lamang ay naroon na siya sa salaming pinto patungo rito. Itinulak niya ang pinto pakaliwa at sumilip sa paligid ng kanilang bahay.
“Dino, nasa’n ka na?...” aniya, ngunit walang tinig na sumagot kundi tanging mga huni ng ilang mga kuliglig sa paligid, kasabay ang malamig na ihip ng hangin. “Nandito na ako, lumabas ka na…” ulit niya habang bakas pa rin ang pagkasabik sa kanyang mukha.
Coz there's something in the way you look at me...
Muli siyang itinext ni Dino para sabihing lumapit daw siya sa mga tanim nilang rosas sa gilid ng terasa. Nang sinunod niya ito ay isang pulang sobre ang natagpuan niya roon, kasama ang tatlong rosas na kulay puti, na nakatali pa ng pulang laso.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
Storie d'amoreHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro