Wala akong Maisip na Pamagat dito :D

5 0 0
                                    

Nagtext ako para kamustahin sya

Ikaw ang nagreply dahil nalipat na sya, daya ah!

Di ko alam kung saan kang lupalop nanggaling

Kasi sa englishan ikaw naman talaga'y magaling.



Minsan naisip ko ika'y Amerikano

Nung nagkita tayo, kapwa pala kita Pilipino

Natawa ako kasi ang desente ng dating mo

Pero nahiya ako kasi nagmukha akong bobo.



Di naglaon tayo'y nagkapanatagan

Pagkakaibigan natin sa cellphone nasimulan

Araw-araw, mensahe mo ang inaabangan

Di ko namalayan, ako'y ngumingiting ikaw ang dahilan.



Di ko akalain na sa bitag mahuhulog ako

Kasi di ko naman deserve ang isang katulad mo

Nababagay sayo 'yong kapwa mo nasa serbisyo

Pero ano magagawa ko, mahal ko talaga 'tong loko.



Nais kong pahintuin ang oras 'pag kausap ka

Naramdaman ko nalang na ayaw na kitang mawala pa

Di ko man maamin ng harapan na mahal kita

Sana malaman mo, ikaw saaki'y mahalaga.


---------

Kayo na mag-isip ng pamagat. Haha. Wala talaga ako maisip eh. Pasensya.

Anyways, hope you're having a good day.

Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon