“April Joy, may balita ka na ba kay Dino?”
Napatigil sa pagsusulat si April Joy dahil sa naitanong ni Jaime.
“Wala pa nga eh…”
Narito sila sa mahabang upuan na nagsisilbing daan patungo sa iba’t-ibang gusali ng paaralan, na binansagan din ng mga estudyante na “LRT”. Kasalukuyang gumagawa ng kanilang takdang-aralin habang naghihintay sa kanilang klase.
Namutawi sa kanyang mukha ni April Joy ang labis na kalungkutan. “Sana bumalik na siya, malapit na tayong grumaduate. Gusto ko sabay-sabay tayo...”
“Sana maisip na niyang bumalik ‘no” tugon sa kanya ni Jaime, na nalungkot na rin. “…lalo pa ngayon na marami ng nag-aalala sa kanya. Lahat ng 2B di ba, lalo na si Mam Cabreros…”
"Oo nga...nakaawa na nga ako sa pamilya niya eh..."
Nang marinig nila ang pagtunog ng bell ay agad silang nagligpit ng kanilang mga gamit. Nakisalo na rin sila sa mga estudyanteng naglalakad patungo sa kani-kanilang gusali.
“April, may naisip ako, pumunta tayo bukas ng umaga sa bahay nila Dino.” ani ni Jaime habang sila'y dahan-dahang naglalakad.
“Sige sama ako…” pagsang-ayon ni April Joy, “Dalian na natin baka nasa room na si Mrs. Gonzalez…” dagdag pa niya na medyo bumilis ang paglalakad.
Nang makarating sa kanilang gusali ay nagmadali na silang umakyat ng hagdan. Kaya di inaasahang may makabunggo si April Joy, na isang lalaking estudyante na nagmamadali rin sa pagbaba.
“Sorry, miss…” agad nitong hingi ng dispensa sa kanya. Inalalayan pa siya nitong tumayo. Samantala si Jaime naman ang pumulot sa mga gamit niyang nahulog.
“Okay lang, kasalanan ko naman eh…” tugon niya. Hindi naman siya gaanong nasaktan, mahina lang kasi ang pagkakabagsak niya sa sahig. Mabuti na lamang nagkabungguan sila nang kapwa na silang nasa sahig, kung sa mga baitang ng hagdan ay siguradong grabeng disgrasya ang nangyari.
“Oh next time mag-iingat na kayo ha…” payo sa kanila ni Jaime.
Nagkatinginan tuloy silang dalawa dahil sa sinabi nito, at sabay pa silang napangiti sa isa't-isa.
Agad na ring nagpaalam sa kanila ang estudyanteng iyon dahil mahuhuli na rin daw siya sa kanilang klase. Habang bumababa ito ay hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa kanya. Napangiti pa siya nang lumingon itong muli upang muling humingi ng paumanhin.
“Ano kayang pangalan niya?” aniya sa kanyang sarili, “…Sayang di ko naitanong.”
“Halika ka na…” aya muli sa kanya ni Jaime.
----------------------------------------------------------------------------------
Agad napansin na ni Princess ang kalungkutang namumutawi sa mukha ni May. Mula sa kanilang school bus, hanggang dito sa kanilang classroom ay tahimik lang ang kanyang kaibigan at paminsan-minsan ay tumutulo ang kanyang mga luha.
Gusto sana niyang damayan si May, ngunit ayaw man lang nitong magsalita. Kaya naisip niyang parang gustong muna nitong sarilinin ang bagay na gumugulo sa isip niya. Tiyak siyang sasabihin rin nito iyon sa tamang panahon.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomanceHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro