Grammatically errors ahead
---------------------------------------------------------
Dedicated to @KriskaKria and @quennniccc thank you for leaving a comment po. A appreciate it a lot.😚Btw. I'm sorry po for not updating for so long. I've been having a problem with Wattpad. It says i need 4 or more readers to continue writing😭 So i had to delete my Wattpad app and download the old version so I could add another chapter. So here it goes huhu. Enjoy reading po💙
************
Pakiramdam ko ay pulang-pula ang buong mukha ko. Kapag napadpadpad ang mga mata ko kay ate Gelly, agad akong nag iiwas ng tingin. Hindi ko kinakaya ang mga tingin nyang nakakaloko.
Nag pakilala sya sakin kanina, hindi daw kasi sya nakapag pakilala sakin nung ipinakilala ako sa kanila ni boss.
"Are you okay? You look uneasy."
Tanong ni boss sakin nang sandali silang nag break.
Napakamot ako sa batok ko at marahang tumango.
"Ayos lang ako boss. Ano lang.. inaantok lang ako."
Sabi ko at pekeng humikab para kunyare'ng inaantok pa ako.
Tiningnan nya ako ng maigi. Nag iwas ako ng tingin at tumikhim.
Pero agad din bumalik ang mga mata ko kay boss Justin nang makita kong nakatingin sa amin si ate Gelly na may mapag-larong ngiti sa labi.
Putek!
"H-Hindi ako nakatulog agad kagabi. Namamahay ako.."
Pag papaliwanag ko.
Mahina syang tumango.
Mabuti naman.. nahihirapan na akong mag sinungaling eh.
Nag simula na ulit ang eksena. Parehas na magaling si Wendy at Jake. Hindi na kataka-taka kung maraming tao ang humahanga sa kanila..magaling silang dalawa.
Bahagyang nanalaki ang mga mata ko nang mag hahalikan na silang dalawa. Alam kong parte yun ng trabaho nila..parte yun ng eksena, pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaka-kita ako nang naghahalikan.. harap-harapan.
Sa hindi malamang dahilan..bigla kong nakita ang sarili ko. Mahaba ang buhok at naka suot ng dress. Nasa harap ko.. si boss Justin. Pareho kaming naka ngiti sa isa't-isa habang unti-unting nag lalapit ang mukha namin.
Ang mapupulang labi nya ay lumapat sa labi ko. Ang mga kamay ko ay napahawak sa braso nya habang nasa batok ko naman ang kanang kamay nya at nasa bewang ko ang kaliwang kamay nya.
Mariin akong napalunok..
"Cut!" Sigaw ni boss Justin.
Biglang nagising ang diwa ko. Ilang beses ang napa kurap.
Nag palakpakan ang mga tao sa paligid. Pinupuri si Jake at Wendy dahil sa husay nilang umarte.
Gusto kong sapakin ang sarili ko!
Anong pumasok sa utak ko at nakita ko ang sarili ko at si boss Justin, kayla Wendy at Jake?!AT BAKIT KAMI NAG HAHALIKAN?!
Napalingon ako kay boss Justin nang marinig ko syang mahinang natawa.
"Your face is so red, Lia."
Nanlaki ang mata ko at nag iwas ng tingin.
Wala sa sarili akong napa hawak sa mukha ko."M-Mainit po kasi.." Pag dadahilan ko.
Pinaypay ko ang sarili ko gamit ang dalawang kamay ko. Pakiramdam ko ay walang hangin sa paligid.. na para bang kulang iyon para hindi ako kapusin ng hininga.
YOU ARE READING
Sound Break 2: Under His Spell
ФанфикJustin Klein Dedios is an famous artist in the country-a member of a famous boy band. He is very passionate with his craft to the point, he overworked his self. Because of that, her manager decided to hire him a PA. Josephine Joliana Cruz is an orph...