Fall inlove with each other (One shot) KathNiel

1.8K 25 15
                                    

Kathryn P.O.V

"Oy Pottie nasan kana?"

"Wait,Baba ang traffic dito e. Pero malapit na ako"

"Bilisan mo lang malapit na dumating si Sir Cruz" binaba ko na yung tawag. Nagpuyat nanaman siguro yung mokong na yun kakalaro ng Dota kaya anlaki ng eyebags e.

Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo ang nagiisang Bestfriend ng Campus Hearthrob na si Daniel John Ford Padilla. 4th year Highschool student, NBSB,Medyo Boyish at Nerd pero maganda daw ako kung mag aayos pero NEVER ko yung gagawin noh. Hmmm.. About pano kami nagkakilala ng Bestfriend kong yun ganito kasi yun...

*FLASH BACK*

"Oy! Bata bat ka umiiyak?"

"Nawawala kasi ako e. Huhuhuhu!" Ako.

"Ayy ganun tara hanapin natin mommy at daddy mo"

"Talaga?"

"Oo sa isang kondisyon. Magiging magbestfriend tayo"

"Hala? Sige na nga. Ano ngang pangalan mo? Ako nga pala si Kathryn or call me Kath for short"

"Hello Kath Bestfriend. Ako nga pala si Daniel or call me DJ na lang"

*END OF FLASHBACK*

Ayun dun nagsimula ang lahat nakita namin ang parents ko kasama ng parents nya magkaibigan din pala sila. Halos di kami mapaghiwalay minsan sa bahay nila ako natutulog o kaya siya naman sa amin parang magkapatid na nga kami nyan e. Pero habang tumatagal at tumatanda kami nahuhulog ako sa kanya pero alam kong hanggang magbestfriend na lang kami. Ayaw kong umasa masasaktan lang ako. Tsk! Madadagdagan nanaman ang mga broken hearted. XD

"BOOOOOO!!"

"Anak ng kabayong inere" Ako. Halos mapabalikwas ako sa upuan ko sa gulat ng mokong na to kanina pa pala siya dito.

"HAHAHAHAHAHAHA! KATH NAKAKATAWA YUNG MUKHA MO PFFT.. HAHAHAHAHA SHEYYT ANSAKIT NG TYAN KO HAHAHAHAHAHA GRABEEE KA BES PFFT" Hinampas ko sya ng libro. Bwisit talaga to kahit kailan. Ugh! =.=

"BWISIT KA TALAGA DANIEL JOHN!!! KAASAR. KAKABADTRIP KA" Ngumod ngod na ako sa table ko. Nakaka badtrip talaga siya absent ata si Sir Cruz wala pa eh kaya matutulog na lang ako.

"Baba,joke lang naman yun e. Anlalim kasi ng iniisip mo kaya ginulat kita. Sorry na po " tinutusok nya yung tagiliran ko. Kath wag kang bibigay dyan bwisit yan sa buhay. Di ko na siya pinansin natulog na lang ako.

*BREAK TIME*

Wala na yung magaling kong bestfriend nauna na siguro. Pag dating ko sa Canteen may nakita akong may kausap siyang babae. Sheyyt parang tinusok ako ng 10 kutsilyo sa puso. T.T

"Kath..Kath..Kath.." tinawag nya ako. Pupunta ba ako o Hindi baka Masaktan lang ako e. Pero ako to si tanga lumapit pa rin.

"Oh? Bakit DJ?"

"Sabay ka na samin?"

"Ayy wag na baka maka istorbo ako e."

"Talaga? Ayaw mo? Pakilala kita dun oh." turo nya dun sa babae na bumibili ng softdrinks.

"Wag na punta pa akong Library e. Una na ko"

"Ingat ka Kath kita na lang tayo sa Next subject"

Umalis na ako baka masaktan lang ako lalo. Nakita ko pang silang dalawa ng tuwang tuwa parang antagal nilang di nagkita tapos kumain sila ng Icecream yan yung madalas naming gawin e. Sheyyt nakakaselos na ah. :((( Pumunta na ako sa library at doon nagbuhos ng hinanakit buti walang masyadong tao ngayon dito. Nagpasya ako ng di ko muna siya papansinin para kahit sandali makalimutan ko siya at para din di ako masaktan ng sobra pag nalaman ko yung katotohan between sa kanila ng girl.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall inlove with each other (One shot) KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon