Ikasiyam na Panaginip

44 9 0
                                    

"Nagalit ba ako sa 'yo noon to the point na nasakal kita?" usisa niya.

Napataas ang parehong kilay ni Aida dahil sa pagkagulat. Kaagad din nitong iwinagayway ang mga kamay. "Naku, Miss Cassy, hindi pa naman po nangyayari 'yan. Bakit po? Nananakal po ba kayo?"

Hindi siya sumagot at agad nang tumayo. Dali-dali siyang humakbang para agad na mapuntahan si Caleb.

Pagdating niya nga sa pinto nito, hindi na siya kumatok at dire-diretso na siyang pumasok. Nahinto tuloy ito sa pagtugtog at napalingon sa kaniya mula sa kinauupuan nito malapit sa bintana.

"Bakit, Cassy?" laking pagtataka ng kapatid.

Padabog niyang isinara ang pinto at mabilis siyang naglakad palapit. "Caleb, I think Im going crazy," panimula niya. "I keep seeing things hindi lang sa mga panaginip ko. Even when Im wide awake, may nakikita akong mga weird na pangyayari na nawi-witness ko inside my head!" paliwanag niya kasabay ng pagbigat ng kaniyang paghinga, kasimbigat ng kaniyang mga pinoproblema.

"Just relax for now." Lumapit ang kakambal at iginiya siya patungo sa sofa kalapit ng bintana.

Nang maiupo siya ni Caleb doon, lumapit ito sa ref at inabutan siya ng maiinom.

Kinuha naman niya iyon at inilapag sa center table. "I dont want to tell you these things, pero hindi ko na kaya," pag-amin niya. "Baka matuluyan na ako."

"Okay," wika nito nang maupo sa tapat niya. "So what happened?"

Nagsalubong ang kilay ni Cassy at tinitigan ito nang maigi. "What is this? Parang hindi ka nagugulat? Nangyari na ba ito before? May mga naikuwento na ba ako sa 'yong mga weird na panaginip noon?"

Umiwas ito ng tingin saka bumuntong-hininga. "I wont say na weird 'yon. Medyo wild lang ang imagination mo kaya siguro ganoon." Pinagdaop nito ang mga palad.

"What? Wild?" Mapakla siyang napatawa. "Of course... dahil kung hindi ganoon, baka nga nababaliw na ako."

Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa mga panaginip niya. Sa iba't ibang mga pangyayari doon. Iba't ibang sitwasyon. Lalo na ang mga panaginip na gumugulo sa isipan niya--particularly, about Jacob and Mira.

"I kept dreaming about them. Palaging doon sa university premises. May mga pagkakataong nakakasabay ko silang kumain. Naka-attend na nga rin ako sa night class ni Jacob. Niregaluhan ko pa siya ng mga clothes and shoes, pero hindi niya tinanggap. But when you gave him one of your shoes, I was so happy and proud na kapatid kita, kasi 'yon lang 'yong tinanggap niya." Bigla na lang siyang napahikbi, kaya huminto siya sa pagsasalita at kinapa ang pisngi. May papatulo na pala siyang luha.

"Cassy, lahat ng mga iyon, totoong nangyari," pag-amin ng kapatid. "Except about Mira. You were really shocked noong malaman mong wala na siya."

Nag-angat tuloy siya ng mukha at pinagmasdan si Caleb. "What did you say?"

Napalabi ito pero hindi na ito nagsalita tungkol doon.

Gulong-gulo naman siya tungkol sa narinig. Totoo ang ilan sa panaginip niya?

"Naaalala kong may ibinigay akong sapatos kay Jacob. Kumain din tayo sa clinic noon." Tumango-tango ang kapatid habang tila inaalala iyon.

"Right, together with your coach." Nangunot ang noo ni Cassy nang may detalyeng 'di maalala. "What is his name again?"

"My coach?" laking pagtataka ng kakambal.

"Yes, your coach na kamag-anak ni Jacob."

Nagsalubong na ang kilay ng kaharap niya. "Hindi ko alam kung sinong tinutukoy mong coach. I do have a coach pero nasa Canada siya at nakakausap ko lang online."

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon