Ikasampung Panaginip

35 10 0
                                    

***

One thing Cassy fully knows about herself is that she's not charitable. She can admit that what Marky told about her is true--she's a selfish brat like what other people thinks.

She never really minded other people's baggage.

Hindi siya katulad ng ina na nangunguna pa nga sa isa sa mga reputable foundation na tumulong sa mga mahihirap at mga batang may sakit. Kaya nga medyo may pagdududa siya sa mga sinabi ni Sherryl kanina, lalo pa't tungkol iyon sa condo niya.

Bakit niya hahayaang may ibang tumira sa condo na 'di pa niya natitirhan?

That's insane!

Nang itanong niya ito kay Lianne, medyo nagulat pa ito na nasa bansa pa rin si Sherryl. Kumalat kasi sa buong university ang pagkakaampon dito ng dating dean--si Mr. Fuentebello, ang dad ni Mira. Nag-resign daw ito para makapag-focus sa business nito na nasa ibang bansa. Inakala tuloy ng karamihan na sumama na rin si Sherryl para doon magpatuloy ng pag-aaral.

"Maybe, nagbago ang isip ni Mr. Fuentebello?" sabi ni Lianne na napanguso. "Baka sinabi lang ng babaeng iyon na inampon siya ng dean, pero full scholarship grant at new condo lang ang ibinigay nito."

Napailing-iling si Cassy. Wala naman siyang pakialam sa kung anong nangyayari sa buhay ng dating kapitbahay niyang maarte. Ang concern niya ay kung bakit niya ito tinulungan? Isa talaga 'yong malaking palaisipan para sa kaniya.

Sa klase, wala pa ang professor kaya kausap niya si Lianne. Batid naman niya na pinag-uusapan siya ng ibang kaklase nila. Maugong pa rin ang bulungan at kapansin-pansin pa rin ang paglingon-lingon ng mga ito. Malamang, mabilis ding kumalat sa buong university at GC's ang revelation tungkol sa pagkamatay ni Jacob.

Paano niya nalaman? Siyempre, may natanggap din siyang notification mula sa isa sa mga GC na active member pa pala siya. Its from another social media account na nabuksan niya recently.

"Kahit si Caleb, nagulat sa ginawa mo. Imagine, number one bully ang Sherryl na iyon, tapos tinulungan mo?" wika pa nito na may pagtataka sa maamong mukha.

"But, what really happened?" tanong niya na nalingon ang kausap.

Medyo may naalala siyang detalye sa isa sa mga napanaginipan niya, pero napaka-dramatic n'on. Its like a scene from a cliche story, where the heroine plays 'the brave girl who saved the day'. That's ridiculous. Hindi ako ganoon. Kaya malaki ang duda niyang iyon ang totoong nangyari.

"Im not sure." Kumunot ang noo ni Lianne. "Ang alam ko lang naospital siya, si Kuya Peter ang kasama mo. Why don't you ask him?"





***

Halos buong maghapong hindi mapakali si Cassy. Panay ang pagtingin niya sa suot na relo. Kanina pa kasi niya gustong makausap si Kuya Peter pero ang sabi ng kakambal, nagpaalam itong may dadaluhang event sa school ng nakababatang kapatid. Kaya mamayang hapon pa niya itong makakausap, kapag sinundo na sila.

Itinanong ni Caleb kung anong problema ngunit hindi niya mabanggit kung tungkol saan. Ayaw niyang dumagdag pa ito sa alalahanin ng kapatid.

Mabuti naman at lumipas din ang oras hanggang sa matapos na ang lahat ng klase niya. Mabilis siyang nagtungo sa parking lot ng university at naabutan naman niya ang batang driver na nagpupunas ng windshield.

Nang mapansin nga siya nito, alanganin itong ngumiti saka lumapit para ipagbukas siya ng pinto. Laking pasasalamat niya na wala pa ang kapatid. Fifteen minutes pa bago matapos ang last class nito.

Pagsakay niya sa loob, sinabihin niya ito na pumasok na rin dahil may itatanong siya.

"Ano po iyon, Miss Cassy?" usisa nito na lumingon pa mula sa drivers seat.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon