STEFY'S POV:
"San ba tayo pupunta at anong store to?" Tanong ko kay Nathan
Nagmamadali kasi ito. At ito kami ngayon sa isang store. Ni hindi ko alam kong ano name ng store na to.
"Basta, just follow me.." Turan ni Nathan.
Napa tsk nalang ako. Gusto lang namin ni Nathan i-capture ang moment ng gabing ito. Pag bawi sa araw na hindi kami nagkasama. Dahil inakala nila na napatay ako. Tapos bigla namang tumawag si Travis. Na pinapabalik kami sa headquarters nila. Dahil nga kailangan nilang mag handa papunta sa island kong na saan si Justine.
Pero may pinapabili pa si Travis. Bago kami umuwi. Kaya hito kami ngayon sa store. Na di ko naman kilala.
Tumawag kasi si Divina. Na nasa kanila na ang mga anak ni Travis. Pati si Natasha ay nasama din sa pag dukot.
Mabuti na ngalang at wala si Neo. Dahil nasa iskwelahan ito ng mismong sinugod ang bahay nila sa new york. Kaya silang tatlo lang ang naroon.
Tinawagan naman ni Miggy ang anak niya. Para pakalmahin. Sinabihan din nito ang anak niya. Na mag stay muna si Neo sa bahay ng mga kaibigan niya. Para masigurado ang kaligtasan ng anak niya. Habang nasa misyon sila.
"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko kay Nathan.
Hindi naman sinabi nito kong ano bibilhin namin.
"Ammonium nitrate." Saad nito.
Ano daw. Ammonium nitrate. Diba yon yong hinahalo sa bomba.
"My god. You're making a bomb?" Saad ko.
"Wag ka ngang maingay. Baka marinig tayo."
My goodness. Talagang patayan ang mangyayari ngayon. Jusko. Sumunod lang ako kay Nathan at ng makita nito ang hinahanap niya. Ay agad itong kinuha at nagpunta kami sa counter para bayaran.
Deritso kami agad sa headquarters. Nauna akong pumasok. Dahil ginarahe pa ni Nathan at motorsiklo nito.
Naabutan ko si Vincent na may mga dalang baril, papunta siguro ito sa underground. Kaya sumunod na ako.
"Kailan daw tayo susugod sa isla.." Tanong ko kay Vincent.
Habang pababa kami ng hagdan. Hindi parin ako makapaniwala. Sa tuwing nakikita ko ang mesa na nahahati para makadaan kami papunta sa underground.
Actually, design lang ang mesa na yon. Para hindi malaman ng iba na may daan pala papunta sa underground.
Nakasalubong namin si Niel. May mga bitbit din ito. Pero hindi ko alam kong ano.
"Hindi kayo pweding sumama. Delikado.." Saad nito.
Inirapan siya ni Vincent.
"Tssee. Tumahimik ka nga. Kaibigan namin ang nandoon. Kailangan naming iligtas si Justine. Pati ang mga anak niya. Kaya sasama kami sa ayaw at sa gusto niyo. Kong hindi nyo man kami isama sa pag alis niyo. Kaming dalawa ni Stefy ang pupunta don..." Turan ni Vincent.
Hindi nakapagsalita si Niel. Alam ko namang hindi talaga mapapigil si Vincent. Kahit ang kasintahan pa nito ang pumigil. Hindi ito mapaawat.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Niel.
Na para bang nagulat.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko-"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Vincent ng magsalita muli si Niel.
"Buhay si Justine?" Sabi ni Niel.
Nagkatinginan kami ni Vincent. Doon lang namin na realize ang mga sinabi ni Vincent. Pare-pareho kaming nagulat.

YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Short StoryThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...