"I don't intend to be friends with you anyway."
What was that supposed to mean?!
I tried to sleep it out, pero wala talaga. Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga huling sinabi niya. I texted him once, but he didn't reply. He's probably busy practicing with his band. Or . . . baka gusto niya lang ako maghabol?
"One text is enough," sabi ko pa sa sarili ko kahit gusto ko siyang i-flood sa text kung ano'ng ibig sabihin n'on. Nai-imagine ko pa lang siyang nakangiti, kalahating naiinis at kalahating nangingiti ako.
Sa totoo lang, I kind of know what it meant . . . but I'd rather not assume. I want him to want me . . . and to say and act it. With intent. With clarity. With certainty.
Pabalik-balik ako sa pagtatayp sa group chat namin noong high school. Gusto kong ikuwento sa kanila kung ano'ng nangyari, pero magba-backspace lang din ako. If Harvey is playing with me, he would fool me thrice now. May kasabihan nga, di ba, na "Shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice." So pa'no kapag pangatlo na? Garapalan na sa pagkatanga?
But the second time . . . he didn't fool me . . . right?
It didn't help that he explained what happened. Sa totoo lang, tinanggap ko na lang sa sarili ko noon that Harvey was a test in my life. "I didn't have to forgive, I just had to accept and learn from it," sabi ko pa sa sarili ko. But after hearing his side, I know that I've forgiven him. That, maybe, I could give us a chance.
"Ayan, ayan tayo, Aelle Minerva," sermon ko sa sarili ko habang papasok sa uni. "Kaunting explain, patawad na agad? Where the fuck did your let-it-be attitude go?!"
Ang tagal-tagal kong binuo ang personality na 'to. Kilala na ako ng lahat as the eccentric and independent Aelle. The "leave before you get left" Aelle. Pero heto ako, nagiging kalkulado. Attached. Nakadepende sa 'lang-'yang feelings na 'to.
All because Harvey came back.
Which made me think . . .
Do I really like him this much?
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Sunod-sunod ang klase ko kaya four fifteen na ako nakapunta sa theater. Nakaka-guilty naman kasing hindi tumulong, e, kaunti na lang at tapos na ang preparations. Good decision na huling commission na ang ginawa ko last time at ang sabihin sa tutees ko na i-resume ang pag-tutor next week.
Pero nagulat ako nang nakita ko si Vicka na umiiyak at kino-comfort ng iba kong orgmates.
"Hey, what happened?" tanong ko kaagad, nag-aalala for Vicka.
Tumingin sa 'kin si Tiffany at dinala sa gilid, medyo malayo sa iba naming orgmates. "Girl, si Dean kasi . . ." Nagbuntonghininga siya bago nagsalita uli. "Wala akong naintindihan sa nangyari, to be honest. We're creatives for a reason. Basta may pumutok, nawalan ng koryente, nagalit si Dean kasi nalaman na walang permit 'yung extension cords."
"Pati ba naman extension cord, kailangan ng permit?"
Tumango siya. "Apparently."
"Hindi ba na-check ang main breaker? Titingnan lang naman kung na-trip iyon."
"Ay, oo nga pala. You were once a science person." Nagawa pang magbiro nitong si Tiffany. "Nag-on nga kaagad. Ewan ko kay Dean bakit pinalaki ang issue. Vicka tried to explain and say that she won't let it happen again, pero buo desisyon ni Dean. Di ko naabutan, e, pero parang tinarayan daw talaga ni Dean si Vicka. 'Tapos, di ba, libre 'yung theater kasi students naman tayo. Reservation lang talaga. Pero dahil ayaw na nga ni Dean na gamitin natin, sa'n na tayo? We need to pay for a venue. And alam na pati ng mga tao na dito gaganapin ang event."
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...