Marahas na bumuntong- hininga si Kit nang matapos ang tawag ng kanyang kuya Jay. Hindi niya maiwasang mainis sa inasta ng nakatatandang kapatid. Tila ba inalay siya nito sa kanilang mga magulang na siya ang isasama sa taunang dalaw ng pamilya sa kanilang coconut plantation. Ang kuya niya and dapat na kasama ng kanilang magulang na pumunta sa San Vicente pero nagdahilan ito na may tatapusing plates kahit na alam niyang dahilan lang ito ng kuya niya para 'di isama. Ayaw lang talaga nitong sumama sa dati nilang tirahan dahil boring daw katwiran nito. Malayo-malayo naman talaga ang San Vicente sa lungsod na kinagisnan na nila, walang wifi dahil hindi pa naabot ng mga internet provider, mabuti na lang at papapano ay may linya na ng kuryente. Hindi naman sa ayaw niyang bumalik sa San Vicente, biglaan kasi at kailangan niya pang ibilin sa kaibigan ang kanyang maliit na negosyong coffee shop. Mabuti na lang pumayag ang kaibigan kapalit daw nito ang pagsama niya minsan sa bar para magliwaliw na wala siyang choice kundi pumayag na lang dahil mas mahalaga sa kanya ang magbabantay ng kanyang shop.
Ngayon nga ay sakay ng kanyang Jeep Wrangler ay tinatahak niya ang daan papuntang San Vicente. Kung paano niyang huling nakita ang lugar halos dalawang taon na ang nakakalipas ay tila 'di nagbago ang anyo nito. Ganoon pa rin ang binibigay na vibes ng lugar. Nakahilera ang mga ilang kabahayang gawa sa mga kahoy at mga puno sa gilid ng kalsada. May iilan mang gawa na sa semento ay mabibilang sa kamay ang mga ito. Probinsyang-probinsya pa rin ang vibes nito.
Bago makarating sa kanilang bahay ay madadaanan niya ang centro na tinatawag o kung saan ang pinakasentro ng baryo. Huminto siya sa isang pamilyar na karinderya. Bagama't may pagbabago, mas lumawak ito, ay alam niyang ito ang paborito niyang puntahan dati sa tuwing pumupunta sila rito ng pamilya. Bagama't malawak ang sakop ng baryo ay halos magkakilala ang mga tao.
Bibili muna siya ng makakain dahil halos tatlong oras na siyang nasa biyahe at wala pa siyang pananghalian.
"Pabili po ng ginataang tulingan po Nay Helen." Bungad niya sa matandang matamang nagsusulat sa isang notebook na hula niya ay naglilista ito nang makitang may nakasulat na mga pangalan ng mga gulay at sangkap.
Umangat ang ulo ng matanda at nang makilala siya ay biglang nagliwanag ang mukha nito. Sumilay ang malawak na ngiti na nagpasingkit pa lalo sa mata ng matanda. Dali-dali itong lumapit sa kanya. Kinuha naman niya ang kanang kamay nito at dinala sa kanyang noo upang magmano.
"Kit iho. Kumusta ka na? Ang tagal kitang 'di nakita. Hindi ka nakasama noong mga nakaraan sa magulang mo pagpunta rito. Ang laki mo na at mas gumwapo." Nakangiting sabi nito at yumakap na ginantihan naman ni Kit. Malapit ito kay Kit dahil ito ang nagsilbi niyang nanay- nanayan dati noong dito pa sila nakatira at noong dumadalaw na lang sila ng pamilya kada taon. Ang pamilya din ng kanyang nanay Helen ang caretaker ng kanilang bahay at ang kanilang coconut plantation. Nakatirik din ang bahay ng pamilya nito at ng kanyang mga anak sa lupain nila kasama ng mga taong hinayaan nilang magtirik ng mga bahay sa kanilang lupain sa may parteng may iilan lang niyog na nakatanim. Alam niyang hindi naman nangangamba ang kaniyang magulang sa mga taong hinayaan nilang magtirik ng mga bahay dahil kilala naman nila ang ito at ang ilan ay matagal nang kakilala at may iilan pang dating may-ari pa ng lupa na binenta sa kanila dahil sa kakapusan o para ipangpanimula ng negosyo.
"Okay lang po ako Nay Helen." Magiliw na sagot niya ngunit para siguro 'y ipaalala ang kanyang pakay ay biglang tumunog ang tiyan niyang kanina pa humingi ng pagkain. Nahihiyang natawa siya sa inasta ng katawan.
"Naku nagpagutom ka na naman ba Kit. Naku ikaw na bata ka talaga. Halika paghahainan kita." Sabi ng matanda at pinaupo siya sa isa sa mga monobloc na upuan. Balak niya sanang tumulong ngunit hayaan raw ito na siya ang mag-asikaso dahil minsan lang daw siya makadalaw. Umupo na lamang siya at nilibot ang paningin sa lugar. Ngayon niya lamang napansin ang paligid. May iilang kostumer doon. May ilang kumpol pa ng mga estudyanteng nahuli niyang nakatingin sa kanya. Pagkakita na nakatingin din siya ay tila nahihiyang umiwas ang mga ito at mahinang naghagikhikan. Narinig niya pa ang bulong ng isa kanila na parang hindi na bulong sa lakas.
BINABASA MO ANG
I Left My Heart At San Vicente
Teen FictionYou will return to the place where your heart is, no matter how long, no matter how far you are. "Babalik at babalik ako kung nasaan ang puso ko -babalik ako rito... sa'yo" - Heazell Carmelotes