Chapter 31

255 3 0
                                    

Sorry 



Tahimik lang ako hanggang sa makarating, para akong pinagsukluban ng langit dahil sa mga narinig. Simula nang sabihin niya sa akin 'yon, bigla akong nawalan ng pag-asa. Umurong bigla ang pag-asa ko, na maibalik sa dati ang relasyon namin.

Hanggang kailangan ba kami magiging ganito sa isa't isa? Hindi na ako makaisip ng mga susunod ng mga gagawin ko, para maibalik kami sa dati.

Sa sobrang lutang ko ay nakalimutan ko pa ang maleta ko, babalikan ko na sana sa kotse niya dahil nasa apartment na ako, pero nakita ko na 'yon sa harapan ng pintuan. Hindi na ako nag-abala pang lumabas at hinintay nalang si Yishin, kami palang ang nauna.

Traffic daw kasi sa dinaanan nila, si Doc Cutler naman ay dumaan sa ibang highway kaya mabilis kaming nakarating.

Tumingin ako sa ceiling... ang ganda ng apartment na 'to. Ang modern ng mga gamit at sobrang minimalist lamang.

Tutal ay bukas naman na ang ojt namin, orientation palang mamaya. Nagdecide muna akong maglakad lakad sa hospital, try ko lang kung makakabisado ko agad.

Hindi rin naman mahirap kabisaduhin dahil nga mabilis namang tandaan ang daan, tumingin ako sa kaliwa't kanan. May nakita akong naglalako ng lobo, kasabay ng pagsabay ng tingin ko sa batang nakamasid duon.

May pera pa naman ako, kaya naglabas ako ng bente pesos. Pupunta na sana ako ng sumulpot si Doc Cutler, dala dala ang lugaw. Para kanino 'yun? Nang makalapit sa bata ay ibinigay niya ito, nakangiti ang batang maliit.

"Thank you po..." sambit nito sabay gulo ng buhok sa bata.

"Nasaan ang mommy mo?" tanong niya.

"Uhm, hindi raw po siya makakadalaw dahil may trabaho siya... buti nalang po nandito na kayo..." sagot nito.

Hindi ko na natiis lumapit, binigay ang lobo na binili ko para sa kaniya. Tumingin ito sa akin na bahid ng gulat, napangiti ako rito.

"Hi!" sambit ko rito.

"Hello po, sino po kayo?" tanong ko.

"Ah... future nurse!" sagot ko sa kaniya at nag-alok ako ng kamay, tinanggap niya ito at tahimik, ngumiti naman siya.

"Ang cute cute mo, bakit ka nandito?" tanong ko. Sabay pisil sa kaniyang matabang pisngi, ngumuso ako sa kaniya nang siringan lang ako.

"Kuya... sino siya?" tanong niya kay Doc Cutler, napangiti ako sa kaniya. "Ang ganda ganda niya po, Kuya..." sagot nito.

Hindi naman ako inform na malapit pala talaga siya sa mga pasyenteng bata, tumingin ako sa paligid, kakaunti lang ang nasa labas, karamihan ay nasa loob lahat.

"Hello, anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya sabay lapit.

"Natasha po..." sagot nito. Napatango ako, maputla ang kaniyang labi, may itim din sa ilalim ng mata niya.

"Bakit siya nandito?" curious na tanong ko. Lumipat ang tingin ko sa kaniya, nilalaro ang kamay nito. Tumingin ito sa akin at inayos ang salamin sa kaniyang mata.

"Leukemia..."

"Leukemia?!" kaagad akong lumingon sa bata.

Pero kung titingnan mo, ayos na ayos ang bata. Bakit ganuon na kabigat ang pinapasan ni Natasha? Bakit hindi niya iniinda 'yon?

"Bakit? Ang bata niya pa..." kaagad siyang umayos ng upo.

"Walang exeption ang sakit na Leukemia, kahit anong edad... tinatamaan..." sagot nito sa akin at napatango ako.

"Pero napakabata niya pa..." bulong ko sa kaniya.

"This is your first assigment, as an ojt student..." sagot nito at iniwan na agad ako. Ni wala pa kaming maayos na pag-uusap ay nang-iwan na agad. Nakita ko si Rosseta sa 'di kalayuan, nakataas na naman ang kilay niya, mas lalo siyang gumanda.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now