"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"
Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha.
"Don't mind it, magsasawa rin 'yan."
"Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.
Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia.
Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi nila pinakialaman ang selpon ng bawat isa. Isa iyong private thing na labag sa kanilang dalawa na pakialaman. Hindi naman niya pinag-iisipan ng masama si Mia. Alam niyang parehas silang busy sa trabaho. Sa tagal nilang pagsasama, hindi pa sila nag-away patungkol sa third party.
Palabas na sana si Kaiden sa kanilang kwarto nang muling tumunog ang selpon ni Mia. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ito. "Sagutin mo na kaya, hindi ka ba naiirita?"
"Daddy, I'm busy, pasagot na lang." Usal ni Mia na nakapokus pa rin sa kaniyang pagpapaganda. Mag-iisang oras na siyang nakaharap sa salamin at inaayos ang kaniyang sarili.
"Alam mong never kong papakialaman ang cellphone mo. I have to go, sagutin mo na 'yan."
Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Mia at tuluyan na siyang lumabas ng kanilang kwarto. Hindi na niya nasabayan na kumain ng breakfast si Zach dahil nagmamadali siya. Nangako na lamang siya na after ng work niya ay lalabas silang tatlo. Nalaman niyang halfday lang din ang duty ni Mia nong araw na 'yon. Magandang pagkakataon rin 'yon para makabawi sa kaniyang mag-ina.
Kagaya ng inaasahan niya, nakabuntot na naman si Dreams sa kaniya. Pinipilit siyang kumbinsihin ito na tanggapin 'yong case ni Kaizer dahil wala siyang ibang alam na makakatulong sa anak nito kundi si Kaiden lang. Kahit na anong gawin ni Dreams ay hindi siya nito napapayag. Kung hindi pandededma, pang-iiwas ang kaniyang ginagawa. Ayaw niya rin na makita ni Mia si Dreams na naghahabol sa kaniya, baka iyon pa ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway.
"Nagmamadali ka yata, Dok?" Sulpot ni Oheb sa kaniyang likod, kalalabas din nito sa operating room, sa tabi ng room na nilabasan rin niya.
Inayos-ayos muna ni Kaiden ang kanyang lab coat bago sinagot ang tanong ng kaniyang kaibigan. "Yeah, ipapasyal ko kasi ang mag-ina ko ngayon e."
Naningkit ang mga mata ni Oheb sa gulat. "Mag-ina? Ibig bang sbaihin niyang kasama si Mia?"
"Shunga! Malamang, sino ba nanay ni Zach? Alangan naman na ikaw?'" Iritadong pamamaktol ni Kaiden rito. Hindi niya mawari 'yong seryoso ba ang tanong na 'yon ni Oheb o isa iyong pangangatyaw.
"Nagtatanong lang e." Napakamot si Oheb sa kaniyang ulo.
"Nextime mo na asarin, aalis na 'ko." Tinapik pa ng bahagya ni Kaiden ang balikat ni Oheb bago niya ito tuluyang linayasan.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...