Umasa lang pala

126 2 0
  • Dedicated kay Kahit sino
                                    

"Pagibig? Ano un? "

Ako nga pala si Juan Cruz. Isang firstyear student na nagaaral sa isang semi-public na eskwelahan. Ang buhay ko ay SIMPLE lamang. Ang aking mga magulang ay mga nagtatrabaho sa isang factory sa Makati. Maliit lng ang kanilang sweldo kaya ayun, hirap ako. 

Isang araw, habang ako ay kumakain, may nakita akong isang babae. Maganda siya, kaya nilapitan ko. Naglakas ako ng loob para harapin sya. Nung una kaming nagkausap, parang ansaya ko. Feeling ko nga nun inlove na ako sa knya. Tinanong ko rin kung anong pangalan niya. Siya pala ay si Juana. Hinanap ko yung facebook account niya. Then, nagkausap kami. Araw araw kaming chat ng chat. At araw araw din, unting unti na nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pati na rin sa aming eskwelahan, biruan kami ng biruan. Sabi nga ng kaklase ko.. "GF mo ba yun?" ang sagot ko naman.. "Nde. Kaibigan lng." 

Muli, araw araw kaming chat ng chat. Haist, inlove na ata talaga ako. Pero kailangan ko itong pigilan kasi hindi pa ako tapos sa pagaaral ko. Pero, hindi ko na mapigilan kaya tuluyan na akong nahulog sa kanya. Sa tuwing may sasabihin siya, lagi na akong nasa tabi niya. Minsan nga, inakala ko na, na may gusto na sya sa akin ee...

Ngunit nung isang araw...

Naglalakad ako kasama ang aking kaibigan na nasasabihan ng mga sikreto. Tinatanong niya kung may crush daw ba ako. Eh hindi ko pa masabi kasi natatakot ako baka kasi asarin niya ako. Siya rin kasi yung taong sinasabihan ng mga sikreto. Biglang natanong ko sa kanya kung may crush na si Juana. Biglang sinagot niya ako na may Boyfriend na daw siya. 

Biglang nalungkot ako. Mali pala ang inakala ko. Durog na durog na ang puso ko dahil doon. Ako ay umasa lamang sa wala. Sobrang nasaktan na ako doon. Sinubukan ko rin na kalimutan siya kaso hindi ko magawa dahil sa pagkakaalam ko, nahulog na tlaga ang loob ko sa kanya..

Hindi na rin ako makatulog kakaisip kung bakit hindi niya sinabi sa akin na may Boyfriend na pala siya. Kahit alam niya ng may gusto ako sa kanya. Kala ko tlaga nun ako na, yun pala HINDI. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kung ano yung nalaman ko. Kaso iniisip ko baka mas layuan niya pa ako kung gagawin ko yun.

Niminsan nga tinangka ko ng magpakamatay eh. Kasi sobra ko siyang binigyan ng importansya dahil alam ko may maganda siyang maidudulot sa aking buhay. Kaso alam ko hindi tama un, kaya inisip ko nalang na layuan siya pero hindi ko rin magawa.

Until one day…

Nasabi ko na sa kanya kung ano ang nalaman ko. Ayun, umamin din siya. Tinanong ko sa kanya kung bakit hindi niya sinabi sa akin. Yun pala, ayaw niyang mawalan ng kaibigan. Kaso sinabi ko sa kanya na hindi tama yung ginawa niya dahil pinaasa niya lang ako. Agad agad siyang humingi ng patawad, pero hindi pa ako handang patawarin siya dahil sariwa pa rin sa aking alaala ang mga nangyari. Hanggang dumating sa panahon…

Na pinakilala niya na ang kanyang Boyfriend. Nung oras na yun, tanggap ko na hindi siya para sa akin. Handa na rin akong umibig muli.

At umibig nga ako..

Pero pareho pa rin ang nangyari kaya sa sobrang takot ko na mangyari yun, hindi na ako umibig. Pero alam ko naman na darating ang oras na makikilala ko ang taong para sa akin. Ngunit, napagisipisip ko na parang antagal kaya sinabi ko sa sarili ko na…

HINDI na ako muling IIBIG.   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Umasa lang palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon