03

989 36 5
                                        

03: Date

Malambot. 'Yan ang unang salitang pumasok sa isipan ko pagkapasok ko ng room. Agad kong tinignan ang jacket na pinahiram niya. Ibabalik ko na 'to sa kanya.

Pero paano sa ibang araw? Ano na ang magiging excuse ko para pumunta ng room niya?

Naligo muna ako, at nag-ayos pa ako ng suot pati buhok ko tinali ko ng maayos. I just wore a nightshirt, gusto ko sanang palitan kaso, sa kabilang room lang naman ako pupunta.

Bakit ba ako nagpapaganda?

Straight naman ako, pero hindi na ako sigurado ngayon. Kasi naman, bakit kailangan niyang sumayaw ng ganon?

Kumatok ako at hinintay na magbukas ang pinto, may kasama ba siya? Yung kapatid niya?

Pagkabukas ay ganda niya agad ang bumungad sa akin. She has towel on her shoulder, mukhang kakatapos lang niya maligo.

She's hot.

"Yes?"

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at inabot ang jacket.

"Jacket mo," sabi ko.

Papasukin niya ba ako? Baka hindi.

"Ah kumain ka na ba?" Tanong ko bago niya pagsarhan ng pinto. Kinuha niya ang jacket sa akin.

"Kakain palang," sagot niya.

Bakit ang pogi ng boses niya?

"Ah, gusto mong sumabay sa akin? I mean magluluto palang ako, pero wala...kasi akong kasabay."

Mapapaluto pala ako ng wala sa oras.

"You're inviting me? Sigurado ka?" Tanong niya.

Napaawang pa ang labi ko dahil hindi ko na bigla alam ang sasabihin ko.

"Ah oo magkapitbahay naman tayo, kung ayaw mo okay lang rin."

Sabihin pa nito friendly ako.

"So pati rin yung iba, inimbita mo?" Tanong niya at naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

"Ah–"

"Sige. Magpapalit lang ako," sabi niya at nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod siya.

Pumasok naman ako agad sa loob ng room ko at agad na nagluto ng adobong manok, ito lang kasi yung alam kong lutuin ng mabilisan. Matagal siya pero madali lang lutuin.

Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Saydie na kumatok sa pinto. I just left the door opened for her.

"Ah maupo ka lang muna," sabi ko habang tinatapos ko pa ang niluluto ko. Sana kumakain siya nito o kailangan ko pang magluto ng iba?

"It smells good," sabi niya bigla sa likuran ko.

Ngayon lang ako naghanda para sa babae.

Nang matapos ako ay tinulungan niya akong ayusin ang mesa kahit hindi na kailangan.

"Thank you for the food," sabi niya at kumain na rin kami.

Gaile:

Girl! Nasaan ka na? Nandito na sila Marianne!

Josh:

Daminh papi dito!

Hindi ko napigilang silipin ang cellphone ko dahil marami na akong natatanggap na tawag at text mula sa mga kaibigan ko.

"May problema ba?" Tanong niya bigla kaya agad kong binitawan ang phone ko pagkatapos kong replayan si Gaile.

Izzy:

May date pala ako, sorry!

"Wala, ah nga pala nasaan na yung kasama mo nong isang araw," sabi ko ayoko na sanang magtanong dahil baka maalala niya pero na-curious kasi ako.

"My brother? Ako lang mag-isa he just helped me with my things," sagot niya.

Tama ako kapatid pala niya. Nakakahiya. Pinilit kong kumalm dahil kumakain kami.

"Ako na," sabi ko nang matapos kaming kumain. Gusto niya siya ang maghugas at magligpit ng pinagkainan namin. Hindi bagay sa kanya.

"Wag na, wag na, ako naman nagimbita eh," sabi ko at mabuti nalang napilit ko siya na hindi na kumilos.

I just let her sit and stared at me, ano ba gagawin ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Ayoko naman siyang paalisin lang.

"Ikaw mag-isa ka lang dito?" Tanong niya bigla habang patapos na ako sa pagliligpit.

"Oo," sagot ko.

"Nga pala, nong isang araw sana nakalimutan mo na," sabi ko nang matapos ako at humarap sa kanya.

Bigla niya akong tinitigan.

Her eyes are mesmerizing.

"Oh, alin don?"

Natigilan ako sa patanong niyang sagot. Ayoko ng sabihin.

"Wag kang mag-alala, tayo lang naman non," sabi niya at nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. Magsasalita pa sana ako nang tumayo siya.

"May gagawin pa pala ako, salamat sa pagkain, libre kita sa susunod," sabi niya.

Nang malapit na siyang lumabas ay hinabol ko siya.

"Teka!"

Tumigil naman siya at humarap sa akin.

"Ako pala si Izzy Belle Torres." Buong pangalan na binigay ko.

Tsaka, bakit hindi man lang niya tinanong ang pangalan ko?

"Saydie diba?"

"Yeah, how did you know my name?"

"Sa audition," sagot ko.

"Ah right. Well, good night Izzy."

Nawala siya sa harapan ko at nabitin ako. Gusto ko siyang habulin at makausap pa.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon