[I'm sorry. Nautusan ako ni Mama na sunduin si Kei.]
His voice was tired.Nakahiga na ako ngayon sa kama at medyo kabado pa dahil... bigla nalang siyang tumawag sa akin.
"Uh... it's okay. Naiintindihan ko."
Suminghap siya sa kabilang linya.Kanina pa siya nagrereklamo tapos natatawa nalang sa mga kinukwento niya.
[Matutulog ka na?]
Umahon kaagad ako sa kama. Hindi ako pwedeng matulog ngayon kasi may quiz kami bukas sa AP! Kailangan kong makabawi para hindi bumaba ng otsenta ang grade ko.
"Hindi pa naman... ikaw ba? Mukhang napagod ka sa byahe niyo."
[Hmmmm... medyo pero gusto kitang makausap so let's just stay like this. Can we?]
Napakagat ako sa labi ko. "Uh, sure!"
In short, habang nag-re-review ako, nasa kabilang linya si Angelo. Hindi siya nagsasalita kaya nagbabasa nalang ako at sa tuwing tinatawag ko siya, sumasagot naman siya para sabihing hindi niya binaba ang tawag. Umabot 'yon ng dalawang oras kaya pareho kaming dinalaw ng antok. Nauna na akong mag-goodnight sa kanya kaya ganoon na rin siya.
The next day, kampante naman ako sa quiz ko pero na-stress ako. Hindi kasi pumasok si Kae! She missed the quiz kaya nang lumabas na ang instructor namin, agad ko siyang tinawagan.
Kaso ayaw namang sumagot.
Suminghap ako at pinuntahan si Lewis. Minsan kasi, nagkakasundo ang dalawa sa pagiging absent kasi duda ko nasa bilyaran na naman ang gaga. Tumawid ako sa kabilang building kasi do'n iyong bagong room nila Lewis.
Sa first room palang, nakita ko na ang mga classmates nila na nasa labas. Mukhang wala silang instructor. Iyong iba, nag-ja-jamming at naglalaro.
"Oy, Ellisa!" bati kaagad sa akin ng isang kakilala.
"Uh, hi. Si Lewis ba... pumasok?"
"Oo! Teka... tatawagin ko," agad naman siyang kumaripas sa loob ng classroom.
Kinuha ko iyong phone ko at nag-reply sa huling message ni Angelo sa akin.
Agad ring lumabas si Lewis na mukhang kakagising lang dahil kinukusot niya pa ang mga mata niya nang humarap sa akin."Oh?"
"Hindi pumasok si Kae. Alam mo ba kung nasaan siya? Nasa bilyaran na naman ba?"
"Huh?" Nagulat pa siya. "Hindi ko alam. Hindi na kami nagbibilyaran kasi sabi niya may isang engot daw na sunod nang sunod sa kanya."
Natigilan ako.
"What?" May stalker siya?!
"Hindi ko alam pero wala iyon sa bilyaran. Subukan mo sa sabungan," humikab pa siya at nagawang mag-stretching sa harapan ko. "Bakit? May pasabog ba kayo today? Mahilig naman talagang umabsent 'yon."
I frowned.
"May quiz kami! At tsaka, sinusubukan ko siyang tawagan, 'di naman sumasagot."
"Problem?"
Pareho kaming napalingon kay Angelo na bigla nalang sumulpot sa likod ni Lewis. I pursed my lips and tried to dial Kae's number.
"Si Kae... 'di raw pumasok."
"Baka masama pakiramdam?"
Lewis chuckled. "Bro, hindi natatablan ng lagnat 'yon."
Hindi talaga siya sumasagot sa tawag ko.
Tumunog ang bell para sa next class kaya nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Angelo gave me a Kitkat chocolate kaya nakangiti akong kumaway sa kanya. Nakita kong inasar pa siya ni Lewis pero tumakbo na ako pabalik ng building namin.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomanceEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...