Sa totoo lang puyat ako! As in puyat ako!!!
Leche naman kasi si Van, Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong matulog. Ang akala niya sa pangungulit at pagtawag nya ay sasagutin ko na ang cp ko, Ano sya? Siniswerte? Pano ba kasi niya nalaman number ko?? Gggrrrrrr...alam ko na si Banang ang nagbigay! Talaga naman oh!Papaunta na ako ng room ng makasalubong ko si Dave, Actually ,Hindi ko sya napansin kaya diretso lang ako sa paglalakad ng nakayuko, nagulat na lang ako ng hawakan nya ang dalawang balikat ko kaya napahangad ako..
"Problema mo?" Tinaasan ko sya ng kilay
"Wala, paharang harang ka kase"
"Sorry HA! SORRY! SORRY dahil masikip nga pala ang DAAN!"
kung wala lang syang maidahilan iisipin ko talagang may gusto sya sakin.
"Tabi nga!!!" Usal ko
Sinabi ko sya at nilagpasan sya sa inis ko, tuloy tuloy na akong pumunta sa room.
===============================================
Dave's POV
Nakatingin lang ako sa kanyang habang papalayo sya, then napaisip ako.
Ang laki talaga ng problema ng mga babae pag galit lalo na pag may dalaw. Tibo ba yun? Hindi man lang sya nagwapuhan saken. Halos tumulo na nga ang laway sakin ng kaibigan nya.
Hayyyy! Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa pag iisip? Ah basta! Pake ko sakanya! Bahala sya!
"Sino ang babaeng yun?" nagulat ako sa humarang at nagsalita
"Alam mo? Labas sya sa buhay ko,Hindi sya napakahaba importanteng tao kaya pwede ba wag mo na syang pag aksayahan ng oras mo!"
"Talaga? Eh bakit iba ang nararamdaman at nababasa ko sa mga tingin mo sakanya kanina?" Tanong niya ng may pag uusisa
"Pwede ba? Kung Ano Ano ang pinapansin mo, tyaka Ano naman sayo kung maging connected ako sa ibang babae? Wala na tayo Vic kaya kung pwede? Tantanan mo na ako baka makalimutan kong babae ka!"
Lalagpasan ko na sya...
"No! Kahit anong sabihin mo, sisiguruduhin kong walang kahit na sinong babae ang makakaagaw sa pag aari ko! Naiintindihan mo!? Wala!!!"
Nagbabanta ang babaeng ito, ilang beses na bang may nasayang na buhay dahil sakanya? Sa tingin ko apat na babae na ang nawala.
" Nagbabanta ka?! Sige Marivic! Subukan mo lang, baka ikaw ang susunod kong ipatumba kay supremo!"
Kita ko ang takot sa mga mata niya.
"Hindi ako nasisindak Dave, tandaan mo yan!" Usal ni Marivic sa kabila ng takot
===============================================TP's POV (TP>>THIRD PERSON)
Sa loob ng classroom, nasa kanya kanyang grupo ang lahat. Wala pang teacher. Nang may pumasok na isang saksakan ng gwapong estudyante, halatang nagulat ang lahat dahil naiiba ang uniform nya sa lahat.
"Hansterville Academy?"
Bulong-bulungan ng mga estudyante.
Napahilamukos ng mukha si Kring na agad namang napansin ni Dave. Papalit palit lang ang tingin nya sa dalawa. Mababakas sa mukha ng estrangherong estudyante ang mababakas ang pagkabahala at pagbabakasakali.

BINABASA MO ANG
I Made Love With A Frat Boy
RomantiekA fraternity (Latin frater : "brother") is a brotherhood, although the term sometimes connotes a distinct or formal organization and sometimes a secret society. A fraternity (or fraternal organization) is an organized society of men associated toget...