05: Drunk
“Sure ka? Kaya mong umuwi? I can take you home,” sabi ni Josh habang inaalalayan akong lumakad. Kakatapos lang naming mag--inuman, isinama ko nga si Daphne pero nauna siyang umuwi sa akin.
“Oo, kaya ko,” sagot ko. “Tulungan niyo lang akong makasakay ng taxi.”
Nalibot na siguro namin lahat ng inuman dito sa East. Pero tuwing malapit na ang exam hindi na kami nakakagala. Syempre priority pa rin namin ang pag-aaral namin. Lalo na kung marami akong kailangang gawing plates.
“Salamat,” sabi ko nang makasakay na ako ng taxi.
Nakarating naman agad ako sa building namin. Medyo nahilo lang ako pero kaya ko pa namang maglakad at kaya ko pa ang sarili ko. Mabuti nalang nasa second floor lang ang room ko. Umakyat ako dahan-dahan dahil nakasuot pa ako ng heels.
Pero kahit anong dahan-dahan ko ay natapilok pa rin ang paa ko.
“Aw. aw.”
Huminto muna ako sandali. Nang uupo sana ako para hubarin ang heels ko nang may biglang tumulong sa akin para hubarin ang heels ko.
“Are you okay?” tanong niya at inangat ang tingin sa akin.
Saydie.
She’s wearing a beanie, ang cute.
“Oo okay lang ako,” sagot ko. Nahubad niya ang suot kong heels at inabot sa akin.
“Want me to carry you?” tanong niya bigla. Alam kong mas payat ako sa kanya at mas matangkad siya pero hindi niya ako kayang buhatin ‘no, parehas pa kaming mawalan ng balanse.
But it made me blush, kaya agad akong umiwas ng tingin.
“Do you always drink?” she asked. Natulala ako sandali pero sinagot ko rin lang siya ng tanong pabalik.
“Ikaw, do you enjoy smoking?”
Nakita ko lang siyang ngumiti at hinawakan ang isang braso ko.
“Let me walk with you,” sabi niya na hindi sinasagot rin ang tanong ko. Habang naglalakad kami at inaalalayan niya ako ay hindi ko maiwasang mapatitig lang sa kanya.
Maputi siya. She has a well-defined jawline. Her nose is straight and balanced. And her lips….
“Ako rin ba magbubukas ng pinto para sayo?” tanong niya at nandito na pala kami sa harapan ng room ko.
“Thank you,” sabi ko at dumiretcho na siya sa tapat ng room niya. Bago pa niya mabuksan ang pinto ay tinawag ko siya bigla.
Kalasingan na naman siguro ‘to.
“Saydie!”
“Yeah?”
Lumingon naman siya agad sa akin. Lumapit ako sa kanya at humawak sa magkabila niyang balikat at tumingkayad para lang maabot ko siya, I want to kiss her, pero agad niyang natakpan ang bibig ko.
“Hahalikan mo ako?” tanong niya at narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.
Doon lang ako nagising at nakaramdam ng hiya. Agad akong umayos ng pagtayo. Nainis ako sa sarili ko at agad na tumalikod.
Pero bago ko pa mahanap ang susi ko ay narinig ko siyang magsalita.
“Kiss me, when you’re sober.”
–
Fb: @Lisnaej / lisnaej
