Simula

1 0 0
                                    

Simula

Dear Diary,

Naniniwala ba kayo na kapag 16 years old kana daw, makikilala mo na yung taong para sa'yo? Sa totoo lang naniniwala ako don ng makilala ko sya.

It's all started on May 15, 2023...

"Guys alfamart tayo! Sobrang init! Bibili ako." Sambit ni Nicole ang kaibigan ko. Apat talaga kami kaso wala si Jhen dahil nga sinundo na sya agad.

Tumango na lamang ako dahil ang target ko naman lagi ay choco, favorite ko talaga 'yan. Mabilis lang kaming nakarating sa alfamart. Pagpasok palang namin ay naramdaman ko agad ang lamig.

Agad kong nahagilap ang choco habang sila Camille at Nicole ay humahanap parin ng bibilhin. Hindi ko na sila sinabihan dahil agad akong nagbayad sa counter.

Nakapila pa ako habang hinihintay ang sukli ko ng biglang may sumingit sa akin bago chill lang na nilagay ang bayad nya ron.

Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin. Parang tumigil ang paligid ng makita ko sya, matangkad, chinito at ang masasabi ko lang pogi.

Akala ko ay ako lang ang nakatingin pero ng mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatingin rin sya! Halos naramdaman ko ang kaba dahil nga nagkatinginan kami!

Tangina nahulog na naman ako!

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KNNTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon