Chapter 45

76 5 1
                                    

          "ANONG nangyayari sa loob?" tanong ni Luisa pagpasok niya sa kusina.

"Dumating 'yong abogado ni Don Ernesto. Babasahin na yata 'yong last will and testament ni Sir."

"Ay, talaga?"

Nakisilip si Luisa sa maliit na uwang ng pinto. Bukod kay Levi ay naroon din si Marga at ang dalawa nitong anak.

"Kaloka, ang kapal ng make-up ni Madam, feel na feel na pamamanahan siya," natatawang komento pa ni Doris.

"Manang Elsa, sa tingin mo ba magkano ipapamana ni Don Ernesto diyan?"

Huminga ng malalim ang matanda. "Ewan ko," simpleng sagot nito.

Napalingon si Luisa nang mapansin na may bigat sa boses nito. Hindi na niya nagawang magtanong nang biglang magsalita si Marga.

"Attorney, ano pa ang hinihintay mo? Basahin mo na."

Napakunot-noo si Luisa nang makita sa mukha nito ang excitement na halatang pilit nitong pinipigilan. Ngunit dinig niya sa boses ng babae ang kasabikan na malaman ang nilalaman ng huling habilin ni Don Ernesto.

"Hindi pa tayo kumpleto. Nasaan na si Miss Luisa Ramirez?"

Nanlaki ang mga mata niya at agad silang nagkatinginan ng mga kasama doon sa kusina. "Hala, Luisa daw! Ikaw 'yon, hinahanap ka!" excited na sabi ni May.

"Naku baka may pinamana sa'yo si Sir!"

"Huh? Bakit ako? Impossible," gulat na tanggi niya.

Nang tumayo si Levi ay doon sila nagpulasan palayo sa pinto. Nagkunwari siyang may hinahanap sa ref nang pumasok ito doon. Nakangiti itong sinalubong siya at hinawakan sa kamay.

"Let's go," sabi nito.

"Saan?" maang-maangan pa niyang tanong.

"Kailangan ka labas."

Tumikhim si Luisa at nagpatangay na lang nang hilahin na siya ni Levi papunta sa sala. Isang matalim na tingin at puno ng gulat na sinundan siya ng tingin ni Marga.

"Bakit pati anak ng driver ni Ernesto ay nandito?!" mataray na tanong nito.

"Can you shut up?" agad na pambabara ni Levi dito kaya natahimik ang babae.

Tumikhim ang abogado at nilabas ang isang folder at sinimulan iyong basahin.

"Ako, si Ernesto Magnaye Serrano, Filipino citizen, nasa legal na edad at kasal kay Margarette Alonzo Serrano, pinanganak noong ikasampu ng Nobyemre, 1952 at nakatira sa Barangay San Ildefonso. Nasa tamang estado ng isip ay magsasalaysay ng aking huling habilin sa mga susunod. Para sa aking nag-iisang anak na si Levi Christopher Serrano, aking hinahabilin sa kanya ang noventa porsiyento ng aking mga ari-arian. Kasama na roon ang Serrano Group of Companies, ang mansion ko sa San Ildefonso, ang bahay ko sa Greenwoods, Pasig City kasama na ang mga naiwan kong mga sasakyan. Ang aking beach property sa San Juan, Batangas. Ang bahay at mga negosyo ko sa New York, USA. At ang lahat ng aking pera sa bangko na nagkakahalaga ng sumatotal na limangdaan milyong piso. Para sa aking asawa na si Margarette Serrano. Iniiwan ko sa kanya ang dalawang porsiyento ng aking stocks at shares sa aking kompanya at aking bahay sa Quezon City at ang sampung milyon piso. Para kay Ian at Dexter, iniiwan ko sa kanila ang tig-limang milyo piso at tig-apat na posiyento ng aking stocks at shares sa aking kompanya. At para kay Maria Luisa Ramirez..."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon