Chapter 47

95 8 3
                                    

SIX YEARS LATER...

"TABLE number eight."

Agad kinuha ni Luisa ang order na pagkain at dinala iyon sa nasabing mesa.

"Medium rare steak, lobster soup, and Caesar salad?"

"Thank you, you can put it anywhere," sagot ng lalaki.

Matapos ilagay ang pagkain ay agad siyang umalis doon para naman ibigay ang order sa iba pang mesa. Matapos i-serve ang pagkain sa table number three, pabalik na siya sa counter para ibigay ang bayad ng isa pang customer nang biglang may humablot sa kanyang braso.

Ganoon na lang ang gulat ni Luisa at literal na nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kanyang harapan si Levi.

"Finally, I found you."

"L-Levi," kandautal na bulong ni Luisa.

Bigla itong lumingon sa mga lalaking kasama nito sa mesa. "I'm sorry gentlemen, but there's an emergency, Mike will take over the meeting," sabi nito nang hindi siya binibitiwan.

"What? Wait... Levi?"

Isang tapik lang ang sinagot nito sa lalaking tinukoy nito pagkatapos ay hinila na siya patungo sa pinto.

"Sandali lang, Levi! Sandali!" pagpiglas niya.

Mabilis niyang nilapag ang bill folder sa ibabaw ng counter pagkatapos ay pilit na binawi ang braso mula sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kanya.

"Ano?! Aalis ka na naman?! Lalayasan mo na naman ako?!" galit na tanong nito.

"Puwede ba? Nasa trabaho ako, huwag kang gumawa ng eksena dito," saway niya.

"No, you're coming with me whether you like it or not! Bigla ka na lang umalis ng walang pasabi! Anim na taon kitang hinanap, Luisa!"

"Please! Puwede bang mamaya na lang?! Sinabi ko nang nasa trabaho pa ako?!" naiiyak na giit niya.

"F*ck!" galit na bulalas nito pagkatapos ay walang salita na hinila siya palabas ng restaurant. Doon sa parte na walang tao. Nagulat na lang si Luisa nang bigla siyang siilin ng halik nito sa labi.

Doon tuluyan bumulalas ang kanyang emosyon at naiyak. Nang yakapin siya ni Levi, hindi tumanggi si Luisa. Kay tagal niyang inasam ang sandaling iyon. Ang muling makita, mayakap at mahalikan ang lalaking minamahal.

"I won't let you leave me again. I swear," sabi pa nito.

"I'm sorry," emosyonal pa rin na wika niya.

"Please, come home with me. Mag-usap tayo."

Marahan siyang tumango. "May trabaho pa ako, nakakahiya sa mga kasamahan ko kung aalis na ako agad. Mahihintay mo ba ako? Isa't kahalating oras na lang naman, tapos na ang shift ko."

"Anim na taon nga nahintay ko, isa't kalahating oras pa kaya. Basta huwag mo akong tatakasan."

Doon sila natawa at muling hinalikan ang isa't isa.

"Hindi. Pangako. Bumalik ka doon sa meeting mo, babalik ako sa trabaho ko."

"Okay."

Pabalik na sila sa restaurant nang makasalubong nila ang kanyang manager.

"Luisa, is everything okay?" may pag-aalala na tanong nito.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon