CHAPTER 8

65 3 0
                                    

Grammatically errors ahead
---------------------------------------------------------

Naningkit ang mga mata ko. Sinusuri nang maaigi kung saan ko ba nakita ang dalawang babae na nasa litrato.

Napaling ang ulo ko. Wala talaga, hindi ko sila kilala.

"Don't worry Lia. Their break up is just a rumor. They haven't give any statement yet. The fans and people just assumed that they broke up"

Umawang ang labi ko. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nya sakin. Bukod sa ingles yun, hindi ko din naman kilala ang dalawang babaeng yun.

"Here." Inabot nya sakin ang cellphone ko. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.

Tumunog ang phone nya at kinuha nya iyon sa bulsa nya.

"Excuse me. I have to answer this call." Hindi na nya hinintay ang sagot ko at tumalikod agad sa akin.

Tiningnan ko ang phone ko.

Shared post pala iyon ni Barbie. Kaya naman pala hindi pamilyar sakin ang dalawang babae kasi hindi pala sila pilipino.

Alam kong avid fan si Barbie ng mga GL at BL sa ibang bansa. Naikwento nya sakin dati yun. Malamang ito ang kwenento nya sakin na real life couple daw. Wala akong hilig sa mga ganto. Wala naman kasi kaming tv sa bahay, at mas lalong wala akong cellphone noon para manood ng mga pinapanood ni Barbie.

Hindi kalayuan ang shared post ni Barbie dun sa Post ng isang News Network kanina tungkol kay Boss Justin at Wendy.

Napa hinga ako ng malalim. Mas ayos na ang ganito. Wala akong maidadahilan sa kanya kung sakali mang malaman nya na ang balita tungkol sa kanila ni Wendy ang kanina ko pa tinititigan sa cellphone ko.

"Lia.."

Nag angat ako ng tingin.

"I need to go back to Manila." Imporma nya sakin.

"Babalik na po tayo?"

Umiling sya. "No. I'll go there alone. Saglit lang naman ako. I just need to sort things out."

Tiningnan ko lang sya at hindi na kumibo.



"What's with that long face, Lia?" Natatawang tanong ni boss Justin sakin.

Mas lalo akong napasimangot. Anong long face pinag sasabi nya? Mukha ba akong luler?

"Hindi ako luler!" Napangisi sya at nailing.

"It's ruler, not luler." Pag tatama nya.

"Sabi ko nga, Rurel!"

Sa pag kakataong ito ay napa halakhak na sya.

"Mali pa din."

Napako ang mga mata ko sa kanya..sa mga ngiti nya..sa mga mata nyang halos hindi na makita.

"By the way, anong connect ng ruler sa sinabi ko?"

Nag iwas ako ng tingin.
Alam kong hindi ako maganda, pero ang sabihin sakin nang harap-harapan na mahaba ang mukha ko..aba, masakit sa damdamin yun!

"Eh sabi mo 'long face', napaka mapang lait mo naman boss. Oo,hindi ako maganda..pero hindi mahaba ang mukha ko no!"

Gumuhit ang mumunting ngiti sa labi nya..na para bang nag pipigil sya ng ngiti.

Maya-maya lang ay mahina syang umiling at natawa.

Problema nito?

"Akala ko ba gwapo ka?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"M-Mali lang yung d-dinig mo. A-Ang sabi ko gwapo ako.. sobrang gwapo.." Lumapat ang mga mata ko sa mukha nya.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now