Chapter 57

83 7 0
                                    

MAGKAUSAP lang sila ni Levi sa chat kanina habang nakahiga siya sa kama nang hindi namalayan ni Luisa na unti-unti na pala siyang nakatulog. Bandang alas-diyes ng gabi, bigla siyang naalimpungatan nang magising sa malakas na kulog at kidlat at buhos ng ulan.

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang maalala si Levi. Pagbukas ng chat box ay marami na itong mensahe at missed calls. Nag-aalala na ito sa kanya tiyak kaya agad siyang tumawag.

"Oh, thank God," bungad nito pagsagot ng tawag niya sabay buntong-hininga.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Sorry, nakatulog ako."

"I told you to keep awake, paano kung dumating sila nang—"

"Sandali," awat ni Luisa sa asawa.

Hindi siya nagsalita at nakiramdam. Mula sa labas ng silid ay narinig niya ang mabigat na yabag na tila palapit doon sa kuwartong tinutuluyan. Kasabay niyon ay may iba pa siyang naririnig na tunog ng bakal na parang kinakaladkad.

"Luisa? Luisa..."

Natutop niya ang bibig nang makilala ang boses.

"Si Dexter, nandito na sila," pabulong na sabi ni Luisa kay Levi.

"Ian, let's go!" narinig pa niyang sabi ni Levi pagkatapos ay nagkaroon na ng komosyon sa kabilang linya.

Hindi pinindot ni Luisa ang end call button, sa halip ay tinaob niya lang ang phone at patuloy na nakiramdam. Napapitlag siya sa gulat nang pabalabag na bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Dexter na may hawak na baseball bat.

"Sabi na, hindi ka makakatiis at lalabas ka rin sa lungga na pinagtataguan mo," sabi nito.

Mahigpit niyang hinawakan ang phone at pasimple iyon nilagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Bumaba siya ng kama at nilakasan ang loob. Sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman, pinuno niya ng tapang ang dibdib. Hindi iyon ang panahon para matakot, tapos na siya sa mga sandaling iyon.

"Long time no see," nakangisi pang sabi nito.

"Anong kailangan mo?" matapang niyang tanong.

"We have some unsettled business, remember?"

"Wala akong natatandaan na atraso sa inyo. Hindi ba't kayo ang may atraso sa akin? Sa amin ni Levi?"

Sa halip na sumagot ay tumawa lang ito saka bumuntong-hininga.

"Let's settle this nicely, Luisa. Hindi ka masasaktan kapag sumunod ka sa amin ng tahimik. Ngayon, lumabas ka ng kuwarto."

Walang nagawa si Luisa kung hindi ang sumunod. Iyon naman talaga ang plano, ang pasakayin niya ang mga ito at sundin ang lahat ng ipapagawa sa kanya. Nang lumabas ng silid ay naabutan niyang madilim sa buong bahay. Dahan-dahan siyang bumaba habang nasa likuran si Dexter. Pagdating sa sala, naabutan niyang nakaupo sa sofa si Marga, naka-de kuwatro ang mga binti at may hawak na champagne.

"Oh hey, long time no see, Luisa. Nice to see you again, you look good," tila nang-aasar na sagot nito.

"Anong kailangan mo?"

"Hey, relax, masyado kang nagmamadali. Maupo ka muna," natatawang sabi pa ni Marga.

Sumunod naman siya at umupo.

"Pinahirapan mo kami, alam mo ba 'yon? Kung saan saan ka namin hinanap. Saan ka ba nagsususuot?"

Hindi siya sumagot at patuloy lang na sinundan ito ng tingin. "Ano ba kasi ang kailangan n'yo?" paangil niyang tanong.

"Sabihin mo sa akin, Luisa, bumalik na ba lahat ng alaala mo? I mean, I think so, seeing you back in this house?"

"Iyon naman pala eh, bakit mo pa tinatanong?" maangas na sagot niya.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon