Chapter 60

96 7 1
                                    

"KUMUSTA na pala 'yong kaso?" tanong ni Luisa sa asawa habang nag-uumagahan sila.

"Well, matibay ang ebidensiya na prinisinta natin, saka malakas ang testimonya ni Ian. Malamang hindi magtatagal mahahatulan na si Marga," kuwento nito. "Isa pa, binalita ni Attorney sa akin kahapon na may tatlo pang nagsampa ng kaso laban kay Marga. Mga anak at kamag-anak ng mga lalaking nakarelasyon niya noon bago pa siya magpakasal kay Dad. Bukod pa 'yon sa unang walong nagsampa sa kanya ng kaso. Same cases, nilustay at ninakawan niya ang mga pobre, pagkatapos biglang nawala at nagtago."

Napakunot-noo si Luisa at napaisip.

"How lucky, iyon lang ang ginawa sa kanila. Hindi gaya ng ginawa nila sa mga tatay natin," sabi pa niya.

Bumuntong-hininga si Levi. "Naiinis nga rin ako sa tuwing naiisip ko 'yon. It's not that I wished Marga did to them what they did to our dads. Ang ibig kong sabihin, kung pera lang pala ang habol n'ya, kinuha na lang sana niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang pumatay. It's so unfair," mabigat ang boses na paliwanag nito.

Inabot ni Luisa ang kamay nito. Kung mayroon man nakakaintindi sa sinasabi nito, iyon ay walang iba kung hindi siya. Sabay kinuha ni Marga ang buhay ng kanilang ama.

"Mahal, nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa doon, ang tanging magagawa natin ngayon ay masiguro na makulong siya para wala nang sumunod pa kila tatay."

"I know, I'm just saying."

Hinalikan niya ang likod ng kamay nito. "We will get through this together. Matatapos din 'to. Marami na tayong laban na naipanalo, right?"

Muling humugot ng malalim na hininga si Levi pagkatapos ay ngumiti sa kanya. Tumayo ito at nilapit ang mukha sa kanya para halikan siya sa labi.

"Thanks, mahal. You always have a way to make me feel better," sabi pa nito.

"You're welcome. Tapusin mo na 'yan kinakain mo, baka ma-late ka sa opisina," sagot niya.

Iyon nga ang ginawa ni Levi. Mayamaya ay tumayo na ito at bumalik sa kuwarto nila para mag-toothbrush. Naroon na sila sa penthouse. Matapos ang nangyaring gulo doon sa mansion na siyang naging resulta sa pagkahuli ni Marga, natulog muna sila doon ng isang gabi at umuwi doon sa penthouse kinabukasan.

"Pupunta ka ba sa mansion ngayon?" tanong ni Levi sa kanya paglabas ng banyo.

"Oo. Kailangan may isa sa atin ang nandoon para mag-supervise ng renovations."

"Sige. Sumabay ka na sa akin, idadaan kita doon."

"Hindi na. May mga gagawin pa ako dito sa bahay bago ako umalis."

"Mahal, mag-enroll ka na sa driving school, o kaya ako mismo ang magtuturo sa'yo magmaneho, para hindi ka na mag-uuber kapag aalis ka at wala ako. May mga extra tayong kotse sa baba, para naman magamit mo 'yon."

"Sige, ikaw ang bahala."

Lumapit sa kanya ang asawa at yumakap sa beywang. "Maghapon na naman tayong hindi magkikita, mamimiss na naman kita," paglalambing nito.

Natawa siya. "Ang OA, magkikita naman tayo mamayang gabi."

"Eh mamaya pa 'yon! Paano kapag mamayang tanghali o hapon?"

"Ay naku Levi, huwag ka nga ano diyan, umalis ka na. Baka ma-late ka pa!" natatawang sabi niya.

"Hey, remember this. Boss never comes late, your employees are just early," pabirong sagot nito.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon