Chapter 61

89 8 3
                                    

"UNTI-unti ko nang nakikita 'yong dating mansion na kinalakihan ko," sabi ni Levi habang umiikot ang tingin sa buong mansion.

Makalipas ang ilang araw na trabaho sa opisina. Sinadya niyang lumiban sa araw na iyon para naman masubaybayan ang ginagawang renovation sa mansion.

"Naiimagine ko na ang magiging itsura nitong bahay kapag natapos, para siguro akong babalik sa nakaraan. Noong araw na dumating ako dito," sabi pa ni Luisa.

"Maraming binago si Marga noong umalis ako dito, kabaligtaran sa taste ni Mommy," pabuntong-hininga na sabi pa ni Levi.

"Ano ba ang gusto ng mommy mo sa bahay?"

"Mom is always on the traditional and elegant side. She wants a bit of classic," paliwanag niya.

"Kaya pala parang old style pa rin ang mga pinagawa mong furnitures."

"Yes. I want her and my dad's memories to live in this house."

"Siguradong mangyayari 'yon, mahal. Magaling ang interior designer natin, pinakita mo na lang sa kanila ang mga old photos nitong bahay."

Habang naglalakad sa bakuran para mag-inspeksiyon sa ginagawa ng mga trabahador doon. Napakunot-noo si Levi nang mapansin ang mga isa-isang nilalabas nila Doris at May mula sa likod bahay.

"Sandali lang, sandali!" awat niya sa mga ito.

Natigilan ang dalawa at lumingon sa kanilang gawi. Nabitiwan ng wala sa oras ni Levi ang kamay ni Luisa at patakbong lumapit sa mga tambak na gamit doon sa likod bahay. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Levi ng makita nang malapitan ang mga iyon. Agad siyang nakaramdam ng inis nang makita na ang mga lumang gamit ng kanyang ina ang mga naroon. Ang mga old paintings na binili ng kanyang mommy. Ang mga old family photos nila at kung anu-ano pang gamit ng kanyang ina na naalala niya na binilin sa mga ito na hindi itatapon.

"Bakit nandito 'to sa mga itatapon?" salubong ang dalawang kilay na tanong niya sa mga ito.

"P-po?" tila naguguluhan na tanong ni Doris sabay nagkatinginan pa ito at si May.

"Ang sabi ko bakit ninyo nilabas ang mga 'to?! Hindi ba't mahigpit kong bilin na kasama ito sa mga hindi itatapon?" medyo mataas ang boses na tanong niya ulit.

"Naku Sir, sorry po! Ang sabi po kasi sa amin ni Nanay Elsa itatapon na 'to eh!" mabilis na depensa ni Doris.

Mayamaya ay biglang humahangos na dumating si Nanay Elsa.

"Hoy kayong dalawa! Bakit dito n'yo nilabas?! Ang sabi ko doon lang sa may kusina n'yo dalhin hindi dito sa tambak na itatapon!" sermon nito sa dalawa.

Napansin ni Levi ang biglang pagkalito sa mukha ng dalawang kasambahay. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka habang nagkakatinginan.

"Akala ko ho ba sabi n—"

"Bilisan n'yo na at ibalik ang mga 'to sa loob!" putol nito sa dapat sasabihin ni Doris.

"Pero ka—" protesta sana ni May.

"Kumilos na!" angil nito sa kasambahay.

"Opo."

Ngumiti sa kanya si Luisa at yumapos sa braso niya.

"Calm down, okay?" bulong nito sa kanya.

Huminga ng malalim si Levi at napailing. Agad humarap sa kanya si Nanay Elsa.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon