Chapter 63

94 9 1
                                    

"ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa.

Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo.

"Huwag kang mag-alala, 'Nay. Mamaya malalaman n'yo din," nakangiting sagot ni Luisa.

"Nasaan na pala si Tere?" tanong pa niya.

"Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery," sagot ng babae.

"'Nay, kumusta na renovation dito?" tanong naman ni Levi.

Dahil sa kanyang kalagayan, ilang araw hindi lumabas si Luisa. Ilang araw din nakabantay sa kanya ang asawa kaya hindi rin ito nakapasok o nakabisita sa mansion.

"Aba eh, ayos na ayos. Magagaling ang mga tauhan mo. Umikot ka sa buong bahay, makikita mo na kung gaano na ulit unti-unting gumaganda ang mansion," excited na kuwento nito.

"Napansin ko nga po pagpasok pa lang namin dito," nakangiting sagot ni Luisa.

"Ay sandali lang at maiwan ko muna kayo," paalam nito mayamaya.

"Sige po," sagot ni Luisa.

"Are you tired? Do you want to walk around?" tanong ni Levi sa kanya.

"Sige."

Mula sa loob ng mansion ay lumabas sila at nagpunta sa back garden at naglakad na magkahawak ang kamay. Nang makita ang matayog na puno ay agad siyang niyaya doon ni Levi. Naupo ito sa damuhan, sa ilalim ng puno pagkatapos ay pinaupo siya nito sa harap nito. Pagkatapos ay niyakap siya sa beywang at marahan hinahaplos ang kanyang puson.

"Naalala mo ba? Dito tayo madalas tumatambay?" tanong nito.

"Oo. Naalala ko na lahat. Doon sa likod ng puno ako madalas nagtatago kapag umiiyak ako tapos hahanapin mo ako," sagot niya.

"And when we started dating, this is where we usually kiss."

Natawa si Luisa saka sinandal ang ulo sa dibdib ng asawa.

"Sobrang saya ko, Luisa. Napakasaya ko na hanggang ngayon, sa haba at dami ng pinagdaanan natin, ikaw pa rin ang kasama ko. Tayong dalawa pa rin."

Lumingon siya kay Levi at ngumiti. "Hindi ka ba nagsasawa sa akin?"

Marahan itong natawa. "Itong magandang mukha na 'to? Pagsasawaan ko? Not in a million years," kompiyansang sagot nito.

"Talaga? Hindi mo ako pagpapalit sa iba?"

"Mahal, kung ipagpapalit kita. Noon pa sana na anim na taon tayong nagkahiwalay pero wala."

Huminga siya ng malalim nang marahan umihip ang hangin.

"Ibabalik natin ang saya ng mansion na 'to. Kapag nanganak ako, walang ibang maaalala ang baby natin hanggang sa paglaki niya kung hindi ang magagandang alaala na bubuuin natin sa bahay na 'to," sabi pa niya.

"Right. Itong baby natin at ang mga susunod pa natin mga anak."

"Ilan ba gusto mo?" tanong pa ni Luisa.

"Three? Kung kaya baka puwede pa maging lima, okay lang sa'yo?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Gusto ko rin na medyo maraming anak. Nag-iisa lang kasi ako at mahirap mag-isa. Buti na lang nga nariyan ka, pero kung nagkataon na wala ka sa buhay ko at nawala si tatay. Wala. Mag-isa lang ako. At ayokong maranasan 'yon ng baby natin. Gusto ko may mga kapatid siyang makakaramay niya sa lahat ng oras."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon