CHAPTER 1
CHRISTIAN POV
Nakatitig lang ako sa bulaklak na kanina ko pa pinapaikot sa kamay ko. Bumabalik sa isipan ko kung anong nangyari kanina. Masakit pala kapag ganito ang pakiramdam. Umiiyak ako pero parang wala na akong nararamdaman. Ang sakit kasi. Sa sobrang sakit na nararamdamako namamanhid ang buong katawan ko.
Maaga akong nagising dahil may inihanda ako sa kanyang bago. Papasok ako ng umaga at sasalubungin ko siya ng may bulaklak. Kailangan kong pumunta sa flower shop para maaga din akong makarating sa eskwelahan. Hindi naman siguro ako mahihirapang magpunta doon dahil tinuro na sa akin ni mama ang daan papunta at pauwi.
Dumaan muna ako sa isang flower shop at sumalubong kaagad sa akin ang napakabangong halimuyak ng mga naggagandahang bulaklak. Napangiti sa akin ang nagtitinda dahil nagiging madalas na akong bumibili dito at siguro ay kilala na niya ako. Noong bagong lipat, kami dito ay aksidente kong nahanap ang flower shop na ito. Sobra ko itong nagustuhan kaya, nagiging madalas na? Ako dito para isali doon sa mga flower pot ni mama. Kinuha ko ang pulang bulaklak at matapos ko itong bayaran ay kaagad na akong umalis.
Alam kong hindi dapat ako nagmamadali dahil masyadong maaga pa para pumasok. Isang oras pa bago magsimula ang klase at tsaka isa pa malapit lang dito ang stasyon ng tren pero kasu hindi ako mapakali. Parang akong matatae na ewan.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa bulaklak at mapangiti. Iniisip ko na makikita ko na naman ang napakagandang ngiti niya na mula sa akin. Hindi niya inaasahan ang pagdating ko kaya tiyak na magugulat siya kapag nakita niya ako.
Pagdating ko sa eskwelahan ay kaagad akong tumakbo sa room niya kaso masyado yata akong napaaga dahil pagkarating ko doon ay wala pa siya. May napagtanungan din akong babae at tiningnan ako na parang nagtataka at tumingin sa dala-dala kong bulaklak pero ngumiti lang ako sa kanya at sumandal sa pader na katabi lang ng pintuan.
Napakasarap sa pakiramdam na sa tuwing gumigising ka sa umaga ay buo na ang araw mo dahil alam kong makikita ko na naman siya lalo na ang mga ngiti niya. Inikot ko ang bulaklak pero sa pag-ikot nito ay nahulog ang isang petal ng pulang rosas. Tiningnan ko iyon hanggang sa mahulog sa sahig. Kinuha ko iyon at pinulot habang nakangiti at tumingin sa gawing kanan pero unti-unti iyong bumabalik habang nakatingin sa isang babaeng nakangiti.
Ang babaeng mahal ko na nakangiti ....
Pero hindi ako ang dahilan.
Parang tumigil ang mundo ko sa nakita ko. Diba sabi ko ako ang sosorpresa sa kanya pero bakit ganun ako pa yata ang nasorpresa?
Napatingin siya sa gawi ko at mabilis na nawala ang mga ngiti niya. Naigilan siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa mga mata ko. Parang may ipinaparating siya gamit ang mga mata niya. Naaawa ba siya o hindi kaya nagsosorry. Hindi ko alam pero tanong ko sa isipan ko Bakit? Gusto kong itanong sa kanya ang bagay na iyan pero hindi na mahalaga kasi nakikita ko na at nararamdaman ko na ang sakit na hindi ko naramdaman mula noong una.
Parang kanina lang ay masaya ako pero lumipas ang ilang sandali bigla nalang nawala na lang bigla at naglaho. Parang saglit lang ng maramdaman ko ang masayang pakiramdam pero ngayon parang unti-unti akong mauubos.
Inalis niya ang tingin sa mga mata ko at nginitian ang katabi niyang lalaki. Nag-umpisa silang maglakad papunta sa direksiyon ko. Umabot na sila pero nilagpasan niya lang ang pwesto ko. Ang masakit pa ay nakita ko siyang hinalikan ng lalaki sa pisngi at hindi man lang niya ako pinapansin. Gusto ko siyang tanungin kung nag-aalala pa siya sa nararamdaman ko pero mukhang hindi na dahil may nagpapasaya na sa kanyang iba.
BINABASA MO ANG
Destined Love
Teen FictionMay mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi si...