CHRISTIAN POV
Nagising ako ng hindi kagaya ng dati. Hindi na ako maagang nagigising para lang makabili ng bulaklak sa flower shop at hindi na makapasok ng maaga dahil sabik siyang makita. Hindi na ngayon kasi mayroon namang gumagawa ng mga bagay na iyan sa kanya. Kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko na hindi siya makita at hindi na ako mismo ang nagpapangiti ng araw niya. Dapat ko na sigurong ikonsidera na hindi na ako ang taong iyon.
Kaagad akong bumaba ng hagdan matapos akong makapag-ayos ng sarili para pumasok. Nadatnan ko si Mama na naghahanda ng agahan. Napangiti siya ng makita ako at hinalikan ako sa pisngi ng makalapit ako sa pwesto niya.
"Kain ka na" yaya niya pero wala akong ganang kumain sa tuwing napapatingin ako sa pagkain.
"Hindi po ako nagugutom" sagot ko. Kaagad na napahinto si Mama sa paghahanda niya at tiningnan ako sa mata. Alam kong inaalam niya kung kay problema sa akin pero alam kung hindi niya gustong magtanong at maghihintay na lang siya na ako ang magsabi sa kanya.
"O? Kung ganun dalhan mo nalang ng cookies ang kabilang bahay. Pasasalamat sa ginawa nila" saad niya at ibinigay sa aking ang mga cookies na nakalagay sa platic na baunan. Tumango lang ako bilang sagot at nagpaalam sa kanya dahil pagkatapos ko itong ihatid ay didiretso na ako sa pagpasok ng eskwelahan.
Pagkarating ko sa bahay ay napansin ko ang babaeng nakatalikod habang nakasakay sa isang bisekleta. Pinatunog niya ang isang bagay mula sa bisekleta bago umalis. Kumatok na lang ako sa bahay na katapat namin at agad na nagbukas iyon. Siya na siguro ang sinasabi ni Mama na sa kanya ko ibigay. Ngumiti ako ng matipid sa kanya at iniabot ang cookies na pinapasabi ni Mama.
"Pinapabigay po ni Mama" sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin at masayang tinanggap ang ibinigay na cookies.
"Maraming Salamat" sagot niya ng isang maluwag na ngiti. Tumango naman ako biglang pagsagot habang may ngiti sa labi.
"Una na po ako"
"Pakisabi sa Mama mo na paminsan-minsan ay maaari kayong dumalaw dito sa bahay namin"
"Sige po" sagot ko na lamang at nagpaalam sa kanya. Nagsimula na akong maglakad at sa paglalakad ko ay may naramdaman ako sa pag-apak ko. Hinawi ko ang paa ko na nakatakip sa bagay na naapakan ko at napansin ang isang silver necklace.
Pinulot ko iyon at itinaas at tinitigan. Sumilaw ang sinag ng araw mula sa dahon ng puno sa hawak-hawak kong necklace kaya lumiwanag iyon at kuminang. Napansin kong may locket iyon pero hindi na ako nag-abalang buksan at inilagay na lang sa bulsa ko at umalis.
**
BINABASA MO ANG
Destined Love
Teen FictionMay mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi si...