CHAPTER 4
STARS POV
Hindi ko inaasahan na pagpasok ko ay sasalubong sa akin ang P.E na pinakaayaw ko dahil iyon ang natatanging subject na hindi ako pwede. Suot-suot ko ang maikling short na jersey at puting tee shirt dahil maglalaro daw kami ng volleyball pero sa tingin ko makikinood na lang ako. Umupo ako sa malawak na upuan para manood. Nakatingin lang ako sa kanila na nageenjoy sa paglalaro at mukhang mag-eenjoy na din ako sa kakapanood lang dahil mukhang maganda ang magiging laro. Sa kalahati ng gym ay nandoon ang mga lalaking naglalaro ng basketball. Masasabi kong parang free time na din namin ang subject na ito dahil kanya-kanya ang mga gusto ng bawat isa maliban lang sa akin.
Hindi ko pa pala nasasabing kaklase ko si Christian pero magmula pa ng kanina ay hindi ko siya nakakausap dahil hindi din niya ako kinakausap. Akala ko kaibigan na kami kagabi pero plastik lang pala. Naalala ko iyong sinasabi niyang locket ko. Gusto ko ng bawiin iyong locket sa kanya pero nahihiya naman akong lumapit dahil napapaligiran siya palagi ng ibang tao. Hindi niya man lang ako tinitingnan at binibigyan ng ngiti. Parang hindi niya ako kilala kung umasta siya.
Napasimangot ako sa tuwing naiisip ko siya pero teka bakit ko nga ba siya iniisip kung ako nga hindi niya iniisip? Bahala siya diyan.
Parang nakakapanibago padin na nandito ako sa eskwelahan. Parang nawala ako ng ilang milyong taon para makaramdam ng pagbabago pero inaamin kong namimiss ko ang mga bagay na nakikita ko sa flower shop at habang nagbibisekleta ako at nagdedeliver ng mga bulaklak. Kamusta na kaya si Ms. Candice? Paniguradong hinahanap na ako nun dahil wala pa ako sa ganitong oras.
"PRIVET, STARS" napatigil ako sa kakaisip at napapitlag sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na sigaw na dumagundong sa loob ng gym. Napansin ko na nakatingin na pala ang lahat sa kinauupuan ko. Gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko o hindi kaya tumakbo papaalis pero alam kong mahirap gawin. Napatingin ako sa teacher namin na nakahawak sa sariling pito habang nakatingin sa akin. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya gamit ang isang daliri niya. Nag-alinlangan akong tumayo at yumuko sa ilang titig ng mga kaklase ko. Naramdaman ko ang isang titig mula sa malayo at napansin kong nakatingin sa akin si Christian pero kaagad din siyang nag-iwas at tinuloy ang ginagawa niya. Famous! Snobber!
Humarap ako sa harap ni Ms. Sanchez na nakapamewang at nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita at hinihintay ko lang kung anong gusto niyang sabihin sa akin.
"Hindi ko sinabing umupo ka lang sa tabi. Gusto ko maglaro ka kagaya ng inuutos ko sa inyo dahil related ito sa ituturo ko o baka sakaling makakahanap ako mismo ng bagong miyembro" mariin nitong sabi. Napatingin siya sa mga naglalarong babae na kaklase niya pero sa tingin niya hindi niya makakaya.
Gusto niyang umiling para tumanggi pero pagkaharap niya ay wala na doon si Ms. Sanchez. Nag-aalinlangan man ay naramdaman niya ang sariling paa na kusang kumikilos ng dahan-dahan para makisali sa laro. Pumwesto siya sa gilid para hindi gaanong abot sa kanya ang bola. Sa kasamaang palad ay may paparating sa pwesto niya at hindi niya alam ang gagawin. Tiningnan niya lamang iyon habang unti-unting bumagsak hanggang tumama sa noo niya. Naramdaman niya ang sakit kaya napahawak siya kaagad doon. Narinig niya ang pagtawa ng kabila pakiramdam niya napahiya siya.
BINABASA MO ANG
Destined Love
Teen FictionMay mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi si...