CHAPTER 5
STARS POV
Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip kung anong nangyari kahapon. Hindi ko maiwasan mapangiti habang hawak-hawak ang locket. Pakiramdam ko kinikilig ako. Sumigaw ako ng malakas at nagtatalon sa kama. Hindi ko mapigilang hindi mapatili at hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang napakalakas na pagtalbog ang puso ko.
Maya-maya lang ay may nagbukas ng pintuan at bumungad sa akin ang gulat na gulat na mukha ni Mama habang nakahawak sa dibdib niya.
"Jusko! Pinakaba mo ako masyado. Bumaba ka diyan. Alam mo namang bawal iyan sayo" nag-aalalang sabi ni Mama. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil tumakbo ako pababa ng kama at niyakap siya ng mahigpit. Hinahalikan ko ang pisngi niya habang nakangiti ng malawak. Napatigil lang ako sa ginagawa ko ng tingnan niya ako ng naniningkit ang mga mata. Tiningnan niya ang buong mukha ko na parang inoibserbahan.
"Inlove ka?" tanong niya. Napaatras ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglang pagtanong ni Mama at mabilis na umiling.
"Gusto ka ba?" tanong niya habang nakangiti. Napasimangot ako dahil sa naging tanong niya at ngumuso sabay iling ng sunod-sunod.
"Gusto mo ba siya?" sumunod niyang tanong sa akin. Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at mabilis na umiling. Hindi ko siya gusto natuwa lang ako sa ginawa niya kahapon. Iyon lang kasi ang unang beses na may magpakagentleman sa akin na lalaki at unang beses lang din ako nakaramdaman ng ganoong bagay. Pagkatapos niyang ikabit sa akin ang kwentas ay kaagad na namula ang pisngi ko at hindi na mapigilang mapangiti pagkatapos pero hindi naman maaaring magugustuhan ko siya kaagad dahil lang sa simpleng bagay na iyon.
"E anong klaseng ngiti iyan?" nakaturong sabi ni Mama sa akin "At pagtatalon-talon mo sa higaan. Hindi kaya kinikilig ka ng sobrang aga. Hindi naman pwedeng kiligin ka ng walang dahilan" nag-oobserbang sabi sa akin na Mama habang nakakalokong nakatingin sa akin. Sumimangot lang ako sa kanya dahil alam ko na ang nasa isip niya. Gusto niya ang bagay na may nagugustuhan akong lalaki dahil para sa kanya imposible iyon dahil hindi pa ako nagkakaroon ng attachment sa lalaki. Kahit kaibigan hindi pa ako nagkakaroon maliban na lang siguro noong bata pa ako. Ngumiti sa akin si Mama at niyakap ako.
"Nako anak masaya ako. Magpaganda ka ha para naman magustuhan ka ng taong gusto mo tapos ipakilala mo sa akin. Sige mag-ayos ka lang diyan at magluluto lang ako" masaya niyang sabi habang tinutulak ako papuntang banyo at umalis pagkatapos pero sumigaw ako pagkasara niya ng pinto.
"Mama hindi ko siya gusto" demand ko. Hindi ko naman talaga siya gusto. Nakasimangot akong umupo sa upuan sa harapan ng bintana kung saan nanroon ang pulang rosas ng bulaklak na nakalagay sa ibabaw ng nightand ko. Nagtataka ako kung bakit ang tagal niya malanta kung sabaga ay pinapalitan ko araw-araw anh tubig sa baso na pinaglalagyan nito. Napansin ko ang dahong natanggal mula doon sa tangakay ng rosa at tiningnan ko iyon habang dahan-dahan na tumama sa kahoy. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa tumigil sa pagkakahulog.
Hindi ko alam kung bakit napatagal ako sa pagkakatitig doon hanggang sa may narinig akong sumitsit sa kung saan. Nag-angat ako ng tingin at kunot-noong napatingin sa kabilang bahay. Nakita ko si Chriatian sa binatana niya na nakangiti. Maya-maya lang ay nagsulat siya sa isang papel at iniharap sa akin.
MORNING :)
Napangiti ako ng basahin iyon at kumuha din ng papel at pentel para magsulat. Parehas lang ang sinulat ko sa kanya at ipinakita. Napangiti siya sa akin at tinakpan ang kanyang bintana ng kurtinan Hindi ko pa naaalis ang pagkakatingin doon nang magbukas iyon at nakita ko siyang nagwacky face at tuluyang sinara ang kurtina. Natawa ako sa ginagawa niya at umiiling na pumasok sa banyo para makapag-ayos ng sarili sa pagpasok sa eskwelahan.
Pagkatapos kong magbreakfast ay pumunta na ako sa stastyon ng tren. Pumwesto ako sa yellow sign habang naghihintay sa pagdating ng tren. Napapansin ko na din ang pagdami ng ilang tao pero hindi ko padin nakikita si Christian. Bakit ko ba siya hinahanap?
Dumating na ang tren at pagbukas niyon ay nagsiksikan ang mga tao at nag-uunahan sa pagsakay kaya handa ako makadiskarte dahil naiipit ako. Nataranta ako bigla ng mapansin kong magsasara ang pinto.
"Hay! Ako ang nauna sa pila pero nauna sila sa pagpasok" naiinis kong sabi sa sarili. Naramdaman ko ang kamay na bumalot sa bewang ko kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko at nalaman ko nalang na nasa loob na ako ng tren kasabay ng pagsara ng pinto.
"Masyado kang mabait para paunahin mo sila" narinig kong sabi mula sa likuran ko. Doon ko lang narealize na may nakahawak sa bewang ko kaya mabilis ko itong tinapik at humarap sa taong nagmamay-ari niyon. Kaagad na nanlaki ang mata ko ng makita si Christian pero ang mas malala ay napadausdos siya sa akin dahil sa siksikan sa loob ng tren. Pinilig ko ang ulo ko sa kabilang side dahil malapit masyado ang mukha niya sa mukha ko.
Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko at napapahinga ng malalim. Mabuti na lamang ay hindi umentra ang sakit ko ngayon kung hindi masasabihan na naman niya ako ng himatayin. Naramdaman ko ang kamay niya na nakapulupot padin sa bewang ko at lalong inilapit ang katawan ko sa kanya. Pakiramdam ko hindi na normal ang paghinga ko.
Makalipas ang ilang minuto ay mabuti na lang at bababa na kami ng tren pagkabanggit na pagkabanggit ng stasyon na bababaan namin. Doon ko lang naramdaman ang pagluwag ng hawak niya sa bewang ko hanggang sa makalabas kami at tuluyan niya ng tinanggal ang kanyang kamay. Nagiging normal nadin ang paghinga ko pero mukhang hindi iyon doon maghihinto ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.
"Halika na"
BINABASA MO ANG
Destined Love
Teen FictionMay mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi si...