www.almostloveyou.com

21 1 0
                                    


Content Warning:
This fanfiction story contains fictional elements, including altered names and locations, and some events that do not reflect in real-life occurrences. Reader discretion is advised.

~~~~~~~~~~~~~~~
"Queen! long time no see omaygosh namiss kita!" sigaw ng aking matalik na kaibigan nang makita ako, agad siyang umupo sa harap ko pagkatapos niya makipag beso sa akin.

"Di ka pa rin nagbago ulan shocks" natatawa kong sabi sa kanya. She is Rain my bestfriend since junior high nagkahiwalay lang kami nung senior high kasi magkaiba ang gusto naming program for college. She took ABM at ako naman ay STEM.

"Kumusta naman ang Accountant kong kaibigan?" Tanong ko sa kanya at saka sumipsip ng kape na inorder ko kanina pa bago siya dumating, inorderan ko rin si rain. Alam ko naman ang fave niyang kape.

"Wala pa queen, kakagraduate ko lang oh" sabi niya. Bigla kong naalala lahat kung pano kami nangarap at ito kami graduate at gagraduate na!

"Beshh anong gusto mo maging?" Rain asked me. Napaisip ako sa tanong niya, ano nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko dahil di ko rin talaga alam. Ang alam ko lang gusto ko maging engineer pero hindi ko alam kung anong klase.

"Computer or civil?" Patanong ko rin sa sabi sa kanya. Natawa naman siya sa akin "shala yung tanong ko, tanong rin ang sagot" natatawa niyang sabi.

"Eh ikaw? ano gusto mo? "Tanong ko at diretsa naman niyang sinagot iyon "maging accountant" nakita ko sa mga mata niya kung gaano niya ka gusto maging accountant someday.

Limipas ang panahon nagulat na lang ako na kaya ko na sagutin ang tanong  niya

"Civil" biglang sambit ko , walang nagtatanong at hindi iyon ang pinaguusapan namin nung time na iyon pero agad na lang siya lumabas sa bunganga ko.

"Eh ikaw Engr.?" Pang-aasar niya sa akin " huy wala pa baka mabati" seryoso kong sabi sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas.

"Gagraduate ka na tapos mababati pa rin?" Sabi niya , napaikot naman ang bilog ng mga mata ko.

"Oo malay mo bawiin ng prof ko yung grade ko at i-singko ako edi mag 5th year pa ako, mapapanatag lang ako kapag nakasuot na ako ng toga no" sabi ko sa kanya.

"Maiba ang usapan, may ikukwento ka diba?" Tanong niya sa akin at dahan dahan naman tumango ang aking ulo

"dalian mo na gusto ko na marinig yan" pagmamadali niya sa akin akala mo naman may lakad to kaloka. Maraming nangyari sa akin nung panahon na di kami nagkita, bihira lang kami magkita ni ulan dahil busy siya sa school niya at ganun rin naman ako. Ayokong mag secret sa kanya kaya ikukwento ko ang mga nangyari

"Around april, busy ako sa design project ko diba? kaya naisipan kong itry yung ome" sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa mga sinabi ko

"wow ah, busy ka tapos nagawa mo pa mag ome" sabi niya at saka sumipsip sa kape niya.

"feeling ko tumatakas lang ako sa pagiging busy sa design project namin kaya triny ko kumausap ng ibang tao, at na-enjoy ko naman" sabi ko sa kanya

"so ano nga ang chika?" naiinip niyang sabi

"na-try niyo na ba gumamit ng mga dating app?" tanong ng isa kong kagrupo sa design project habang nakatutok sa laptop niya. Sama sama kami ngayon sa bahay ng isa ko pang kagroup dahil hindi pa namin natatapos ang mga dapat naming tapusin. Kailangan pa namin mag design ng column at beam. Lahat kami ay may sari-sariling gawain para mabilis matapos.

Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila dahil honestly di pa ako nakakatry ng mga dating app. Alangan sumabat ako diba?

"oo marami na akong nagamit" sagot pa ng isa kong kagroup. Ngunit di ako nakaligtas sa kanila.

www.almostloveyou.com (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon