"Elli," Angelo's voice roared behind.
Napaigtad ako sa gulat, lalo na nang nakita niyang hawak-hawak ko ang cellphone niya.
"Uh... may narinig kasi ako... I just... turned off the alarm," nauutal pa ako.
His jaw clenched and reached his cellphone. May dala siyang towel na agad niya namang iniabot sa akin. Agad niya ring binalik sa drawer ang cellphone.
"You... change. Pwede kang pumasok sa walk-in closet ko o sa banyo."
Tumango ako.
Sa banyo na ako nagbihis. Nga lang, natulala ako sa malaking salamin. Sino iyon? Girlfriend niya? Pero hindi naman siya nag-gi-girlfriend? At tsaka, kung may girlfriend siya, bakit siya nireto ni Lewis?
Ex-girlfriend, maybe?
Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Angelo magka-girlfriend?
Urghh. Why do I feel like someone stabbed me? Kasi pakiramdam ko niloloko ako ni Angelo! Kung ano-ano itong mga hirit niya sa akin pero may ibang babae pala sa buhay niya!
But... wala rin naman siyang sinabi tungkol sa amin.
I rolled my eyes and removed my wet shirt. Naka-bra lang ako at busangot ang mukha. Naamoy ko ang bango ni Angelo sa shirt kaya mas lalo lang akong nagmuktok sa banyo.
Kung hindi lang importanteng lumabas, magtatagal ako dito! I can fucking think about that girl all night!
Pagkalabas ko, tahimik si Angelo na naupo sa kama niya. Nakatakip ang dalawang kamay sa mukha na para bang may iniisip na isang malaking problema.
Tumikhim ako.
"Hey," then he looked at me.
"You're done?"
"Yup..." I handed him the towel. "Iniwan ko muna iyong damit ko sa banyo mo. Kukunin ko lang mamaya kapag natuyo na."
Tumango siya.
"Let's go out. Baka hinahanap ka ni Lewis."
I pursed my lips. "Are you okay?"
Natigilan siya. Nakabukas na ang pinto pero dahil sa tanong ko, isinara niya ulit iyon.
He sighed. "Yes, Elli. I'm okay."
"You're not," Ah, I really hate this brain of mine. Kuryoso ako kaya itatanong ko. I don't give a damn kung mailang siya dahil sa nakita ko.
"Who's that?"
He expected this. He wasn't shocked. Nakatingin lang siya sa akin na para bang... I'm asking the obvious.
Umiling siya. "We're very comfortable to each other. Please don't make this awkward."
Umawang ang bibig ko.
What?
I chuckled ridiculously. "What? I'm just asking who is she... girlfriend mo ba?"
Kumunot ang noo niya. "Alam mong hindi ako—"
"Hindi ka nag-gi-girlfriend pero lock screen mo," putol ko. "That's why I'm asking who is she kasi alam kong hindi mo siya girlfriend."
"That's my old phone, Ellisa." aniya.
I looked at him. He's very uncomfortable. Natatakot siyang pag-usapan namin 'to. I could taste it. But...
I sighed. "You know what... I'm really enjoying this, Angelo... but can we at least... be honest?" I crossed my arms. I looked like a mad one. "I'm not demanding anything but I just want the truth."
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomanceEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...