maria diwata

6 0 0
                                    


૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა

ang sabi nila 'yung mga diwata eh 'yung mga magagandang elemento na naninirahan sa gubat at kadalasan na nagbabantay ng kalikasan. sila ay may mahahabang buhok, kumikintab pa nga. may magandang mukha na hindi nakakasawang titigan. hindi raw ito nagpapakita kung hindi ka tamang tao para makita sila. pero bakit nasa tabi kita? Tingin ko sa'yo ay isang diwata, taglay mo ang ganda na hindi ko nakikita sa iba. kumbaga kakaiba ka sa kanila.

lagi mo sinasabi na hindi ka maganda, eh bakit pinagaaksayahan pa kita ng oras na titigan ka? halos sumakit na nga ang panga ko kakapigil ng ngiti dahil sa tuwa na nakikita kita tumatawa at ngumingiti. hindi mo nakikita 'yung ganda na nakikita ko; hindi mo napapansin lahat ng magandang katangian na lagi mong tinatanggi kapag sinasabi ko. pero sana paniwalaan mo ako na seryoso ako sa mga sinasambit ko.

"nakakairita naman tigywat ko! Ang panget ko na!"

"sira, ang ganda mo nga. Ano sinasabi mong panget ka? wala naman ako nakikitang panget sa'yo."

para sa'yo mahirap tanggapin ang sinasabi kong paghanga, kase hindi ka naman sanay na marinig sa ibang tao 'yon dahil nadungisan na ng iba ang imahe mo. alam ko na mahirap para sa'yo tanggapin ang sinasabi ko, pero hindi ako magsasawang sabihin 'yon hanggang sa makita mo na 'yon sa sarili mo. hindi ako magsasawang sabihin 'yon ngayon na alam ko na namumula ka na kapag sinasabi ko 'yon.

ang dami kong gustong sabihin sa'yo. mga katangian na nakikita ko sa'yo, pero baka abutin tayo ng ilang araw para ilahad lahat 'yon. pero sige dahil gusto malaman ng nagbabasa nito ang nagustuhan ko sa'yo, sasabihin ko nalang ang iilan. gusto ko kung paano ka tumawa, kahit sumasakit ang braso ko dahil sa palo mo. nakahahawa ang saya sa mukha mo sa tuwing ngumingiti ka. nawawala pa nga ang mga mata mo kapag tuwang tuwa ka. umaabot pa hanggang tenga ang ngiti mo tuwing masaya ka. tuwing kumakain ka, hindi ka papayag na hindi puno ang bibig mo. minsan pinipigilan ko nalang ang sarili ko kurutin ang pisngi mo.

gusto ko rin kung paano ka magseryoso, lalo na kapag nag aaral tayo. magkatabi pa tayo ng upuan at tinatapik mo pa ang braso ko sa tuwing hindi mo maintindihan ang inaaral mo. nauutal pa nga ako kapag nasa akin ang buong atensyon mo, para bang nahihiptonismo ako sa paraan ng pag titig mo. kumakabog pa nga ang puso ko at gusto na kumawala sa dibdib ko. kailangan ko pa ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay para pakalmahin ang puso ko. hinihiling na sana hindi mo marinig ang pagtawag nito sa'yo.

minsan natawag kita sa pangalan na pinangalan ko para sa'yo. kailangan ko pa sabihin na hindi ikaw 'yon at namali lang ako. kinakabahan ako, baka kase hindi mo gusto na tinatawag ka sa ibang pangalan. baka mapansin mo pa ang pagka gusto ko sa'yo ng patago. madalas talaga napapaisip ako.

"kailan mo kaya magugustuhan ang gaya ko?"

paulit-ulit na tinatanong ng isip ko. baka narindi na nga ang mga taong bumubulong sa utak ko dahil sa lagi kong tanong sa sarili ko. hindi ko talaga alam saan nagsimula ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa presensya mo. hindi ko alam kung kabado ba ako or sadyang alam na ng puso ko kung para kanino ba siya titibok. kung para kanino ba siya nababagay, kung para kanino ba siya kakalma at kung para kanino ba talaga ako.

pero alam ko, sa'yo lang ako. ilagay man ako sa kwarto na puro ivana alawi ng litrato, peksman sa'yong sayo pa rin ang mata ko. ikaw pa rin iniisip nitong forebrain ko.


a letter for someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon