Chapter Three

107 7 1
                                    

That's how our set up came to be. Lantaran na ang ginagawang pambabae ni Kenji. Hindi na siya nahihiyang itago sa akin iyon. May mga linggong halos hindi siya umuwi. The kids will look for him at palagi ko na lang sasabihin na nasa trabaho ang kanilang ama at nagtatrabaho ng maayos para mabuhay kami ng matiwasay. They would believe me but there not dumb para hindi makaramdam na may mali sa amin ng kanilang ama.

"Why are we not going to church with dad now, mommy?"
Razen asked one day. Kaming tatlo na lang kasi ang nagsisimba.

"Oo nga mommy. I thought Sunday is family day?"
Nakakunot-noong segunda naman ni Braven.

"You're daddy is too busy mga anak. Please understand him."

Ganoon na lang palagi ang eksena. Busy ang daddy ninyo, may out of the town or country business trip. Pero hindi ako tanga, alam ko ang totoo. Sa kanlungan siya ng babae niya nagpapakasaya. Minsan nasusuka akong isipin iyon, mas gugustuhin pa niyang makasama ang ibang tao kaysa sa mismong pamilya niya. Sinisira niya ang sariling pamilya para bumuo ng bago. I wonder if he's really in love with her mistress o nagagandahan lang siya sa kaniya.

I'll choose the first one. Hindi naman niya siguro isasakripisyo ang kaligayahan ng mga anak niya kung hindi niya mahal iyong bago niya. Kung hindi nga lang ako lumuhod at nagmakaawa sa kaniya ay hindi niya pa kami pipiliin.

But I felt like that is useless. Ganoon pa rin naman, parehas lang. Para ngang mas masakit pa itong set up namin. Noon, itinatago pa niya sa akin, pero ngayon lantaran na lang.

"Kenji, kakain na."
Malamig kong tawag sa aking esposo na nakaupo sa sofa at may ginagawang kung ano sa kaniyang laptop. Nasulyapan ko ang kaniyang cellphone na nakapatong sa center table.

Mawawalan yata ako ng hininga nang makitang ang kabit niya ang kaniyang lock screen wallpaper. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Parehas sila ng kabit niya. Kung legal lang talagang pumatay, I will kill her.

"Sunod ako."
Aniya, nasa laptop pa rin ang tingin.

"Naghihintay ang mga bata."

That's true. They waited for him and refuse to eat dinner at seven because they wanted to eat along with their father. Alas-diyes na ng gabi ngayon, pinayagan ko sila dahil Sabado naman bukas at walang pasok sa paaralan.

"Then tell them that I'm busy."

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang marinig ang sinabi niyang iyon.

"Hindi ka man lang ba naaawa sa mga bata? They waited for you for three hours just so they can have dinner with you tapos ididisappoint mo lang sila? Wow! You're impossible!"

Kontrolado ang boses ko dahil ayaw kong marinig ng mga bata pero gusto kong maramdaman niya ang galit na tinitimpi ko. Tinignan niya ako ng masama, para bang hindi nagustuhan ang aking sinabi. Siya pa ngayon ang may ganang magalit?

"For pete's sake Yve! I'm busy! Tell that to the kids!"

Nagulat ako nang sumigaw siya. I am sure that the kids heard it.

"Puwede ba? Hinaan mo 'yang boses mo. Ayaw kong marinig ng mga bata ang pag-aaway natin!"
Inis na saway ko sa kaniya. Sumilip ako sa direksyon ng kusina para tignan kung lalabas ba ang mga bata sa kusina pero wala naman.

"I don't care if they hear us."
Malamig niyang sabi at tuluyang isinara ang kaniyang laptop. This asshole!

"Wala ka na ba talagang pakialam sa mga anak mo? Iyang kabit mo na lang ba talaga 'yang mahalaga sa'yo ha?"
Gigil na tanong ko sa kaniya. Para bang ang pasensiya kong matagal ko ng tinitimpi ay naputol bigla. I'm not a martyr wife, I'm a martyr mother.

"Huwag na huwag mo siyang sinasama sa usapan."

Hindi makapaniwalang napapalatak ako. Seryoso ba siya? He will rather protect his mistress's feeling over his family? Okay lang na bastusin niya ang mga anak niya huwag lang iyong kabit niya, ganoon?

"Nahihibang ka na ba? Alam mo? Matagal na akong nagtitimpi sa'yo. I stayed in this marriage because I wanted our children to grow up with a father. Ano? Iyong kabit mo na lang ba ang tanging mahalaga sa'yo? You're always busy, you would rather spend your day with your bitch than play with your children."

Hindi siya sumagot, nagpatuloy lamang siya sa pagliligpit. Sa inis ay hinila ko siya pero iwinaksi niya ang aking kamay. At may gana pang samaan ako ng tingin! Siya na nga ang nagkasala sa akin, siya pa ngayon ang may ganang umakto ng ganito?

"Sino bang nagmakaawa sa atin?"

Wow! That's coming from him?! Kasalanan ko pa na gusto kong bigyan ng maayos na pamilya ang mga anak namin? Sa inis ko ay nasampal ko siya.

"Huwag na huwag mo akong pagsasabihan ng ganiyan, Kenji! Ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa. Dapat kung hindi ka pa pala handang magpaka-tatay, sana hindi mo muna ako pinakasalan. You shouldn't have promised in front of the altar to be with me for better and worse!"

Hindi siya sumagot. Pero kitang-kita ko ang awa sa kaniyang mga mata.

"Fine. Babawi ako sa mga bata."
Mahinahong sabi niya pagkatapos ay mabilis ng umakyat sa taas.

Mabilis ang pag-angat at pagbaba ng aking dibdib. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak kanina, sa labis na sama ng loob ko kanina ay hindi ko na iyon namalayan.

"Calm down, Yve. You can do this."

Kinalma ko muna ang aking sarili bago binalikan ang mga anak na nasa lamesa. Pareho silang tahimik na kumakain.

"You started eating? You didn't wait for daddy?"
Nagtatakang tanong ko at naupo na rin sa palagi kong inuupuan, sa gilid ng kabisera.

"It's okay mommy."
Nakangiting sagot ni Raven, pero halatang peke iyon.

Ayan na naman iyong pakiramdam na parang pinipiga ang puso mo. To see my sons acting like this breaks my heart. Alam kong narinig nila iyong away namin ng ama nila. Pinilit ko ang sariling ngumiti.

"Babawi si daddy sa inyo sa susunod, okay? He'll be done with all of his work next week."

Kahit sinabi ko iyon ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Pilit ang ngiti at halata pa rin ang lungkot sa mga mata. Napalunok ako. Was begging Kenji to stay a wrong decision after all? Dapat ba hinayaan ko na lang siyang umalis?

Don't Leave Me Broken Where stories live. Discover now