💎Keelan💎
Kakatapos lang mag lunch ng mga Nurses at Doctor dito. Mabilisan nga lang kain nila dahil sa dami ng nag-pa'pa-gamot sa kanila.
Pero nakakatuwa makita na marami silang natutulungan sa libreng check-up at gamot na binibigay nila.
Everything went fine sa medical mission. Wala naman kahina-hinalang bagay na nangyari.
Except lang dun sa nang manyak na lalaki kanina.
" Capt. Kain muna tayo " hindi pa kase kami nag tatanghalian mga Military escort. Kahit na inabutan naman nila kami ng food packs kanina.
Syempre pinauna namin muna silang matapos mag break bago kami kumain.
Nag ronda pa ako ulit sa paligid ng tent bago ko mapagpasyahin na kumain na din.
Dito ako sa ilalim ng puno pumwesto sa likod ng tent.
Umupo lang ako sa ugat ng puno.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng meron itim na Aso lumapit sakin.
*hmmmm.hmmmm* impit na iyak niya
" Nagugutom ka ba dogie? " tanong ko sa kanya. sakto may isa pa akong food pack na di nakakain.
*arf.arf.* mahinang tahol niya tapos umaatras siya.
Yun tahol niya.
hindi agresibo.
Hindi rin tahol ng takot.
Kakaiba pero feeling ko tumatahol siya para bigyan ako ng warning.
" May nangyayari ba dito dogie? " tanong ko ulit sa kanya.
Naka pag tambay kase ako dati sa training center ng K9 dogs. Kaya parang natatandaan ko itong behavior na pinapakita ng asong itim na lumapit sakin..
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...