Kabanata 08

9 0 0
                                    


💎 BELLA 💎



Pabalik na kami ni Shadow sa kweba matapos namin bigyan ng babala ang mga nasa Medical Mission..


Dun namin aantayin maghating gabi bago bumalik sa Kubo ni Lolo.



" Sana naman shadow maniwala sila sa babala natin"  



*arf.arf* mahinang tahol niya.




Binabaybay namin ang makipot na daan sa kakahuyan ng Sitio Dahlia.

Hindi ito dinadaanan ng mga rebelde dahil nga napakamasukal ang gubat at mayroon mga mababangis na hayop at mga ahas dito.




Pero kasama ko naman si Shadow siya ang magsisilbing gabay ko sa dilim..






*BOOOOOOM!!!!!*  



sabay kami ni Shadow na alerto sa malakas na pag sabog na narinig namin sa di kalayoan.




Parang nang-gagaling sa kalsada ng sitio Dahlia hindi malayo sa kinaruruonan namin..




Agad na inamoy ni Shadow ang paligid.



* Landmines! * 



Mukhang may tinambangan na naman ang mga rebelde sa daan.



Biglang tumakbo si Shadow papunta dun 




* shadowwww! wag! * mahinang tawag ko sa kanya 




Hindi ako pwedeng sumigaw baka may mga rebelde sa paligid at maalerto sila sa pag sigaw ko .




Kailangan kong sundan si shadow.Alam kong gusto niyang tulungan ang mga sundalo na pinasabugan ng mga rebelde.





ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon