Hindi Na Ganun
written by MacriSizzy(MacriSizzy/Crissy: Another Drama -__- Hayst, nasa dugo ko na ata ang drama. Maiksi lang ito since pampalipas oras ko lang ginawa 'to. Dalawang POV nga pala ang ginamit ko dito. 1st and 2nd person's POV. Oo, ganoon ako kashunga para pagsabayin 'yan. 'Wag lang sanang sumakit ulo niyo. Hehehe. Kapag nakanormal ang font, 1st POV. Kapag italic, 2nd POV. Okay? Play niyo ang Hindi na Ganun na song ni Yeng para damang dama. Enjoy reading!)
Hindi sa lahat ng pagkakataon, pag ibig lang ang kailangan para sumaya kayo. Oo, mahal mo siya at mahal ka niya. Pero sapat na bang dahilan 'yan para masabi niyong kayo na habang buhay? Sapat na ba ang pag ibig para ipagpatuloy ang relasyong sa una pa lang ay mali na? Dapat mo bang ipaglaban ang pagmamahal mo o mas pipiliin mong saktan ang sarili dahil alam mo sa sarili mo na wala na?
Kaya mo bang ibalik ang lahat?
****
*1ST PERSON'S POV*
Siya ang taong nagbigay kahulugan ng pagmamahal sa akin. Siya ang kauna unahang lalaking nakapagsabi kung gaano niya ako kamahal. Siya rin ang nag iisang lalaking minahal ko ng tunay.
Mahal ko siya at mahal niya ako. Masaya kami sa loob ng dalawang taon naming pagsasama. Bawat ngiti at galak habang magkasama kami ay nakatatak sa isipan ko.
Napakasaya ko na siya ang nakilala ko.
Sa bawat araw na kami ay masasayang nagkekwentuhan, hindi ko lubos maisip na tatagal kami ng dalawang taon. Na ganito kami kasaya simula ng malaman kong mahal ko siya.
Pero kahit gaano ko pa man isipin ang mga bagay na pinagsaluhan namin, isang bagay ang pilit na sinasampal ako. Wala na kami. Hindi na kami ang para sa isa't isa.
Naghiwalay kami matapos ang dalawang taon naming pagsasama. Ako ang nakipaghiwalay. Oo, ako. Bakit? Kasi parang ayaw ko na. Parang hindi ko na kaya. Hiniwalayan ko siya na hindi man lang iniisip ang mararamdaman niya. Naging makasarili ako. Inisip ko lang ang sarili ko at pinabayaan siyang magmakaawa at umiyak sa harap ko habang sinasabi ang mga bagay na sobrang sakit pakinggan.
"Mahal kita, 'wag mong gawin sa akin 'to"
Matapos naming maghiwalay ay palagi na niya akong kinukulit na balikan ko siya. Sa mga oras na 'yun, naiisip ko na ayaw ko na talaga. Na tapos na kami at wala ng dapat pang balikan.
Hindi siya tumigil sa kakasuyo sa akin. Ako naman ay parang bato lang na tinitignan siyang umiyak sa harap ko. Hindi ko akalain na mangyayari sa amin 'to. Akala ko kami na habang buhay pero nakakatawang isipin na ako mismo ang sumira sa paniniwala kong 'yun.
Dumaan ang tatlong buwan at nangyari ang pinakakatakutan kong mangyari. Sumuko na siya. Tumigil na siya.
Habang patagal ng patagal ang araw na hindi ko na siya nakikitang nagmamakaawa sa akin, dun ko narealize na hindi ko rin pala kaya. Hindi ko kayang wala siya. Parang tanga man pero naramdaman ko muli ang pagmamahal na tila natulog sa mahabang panahon.
Nagising ako na parang gusto ko siyang makita. Gusto ko siya makasama at gustong gusto ko siyang hagkan.
Mahal ko siya... mahal ko pa rin siya. Pero tama bang ako ang bumalik sa relasyong ako rin mismo ang nagbigay katapusan dito? Tama ba na sabihin ko sakaniya na mahal ko pa rin siya at gusto ko kami na lang ulit?
Sa isip isip ko, tama lang na gawin ko ang nararapat. Nagmakaawa siya sa akin na balikan ko siya at sa tingin ko ito ang nararapat kong gawin. Babalikan ko siya dahil alam kong mahal ko siya at... mahal niya ako.
*2ND PERSON'S POV*
"Ayaw kong mawalay sa'yo. Tayo na lang ulit" 'Yan ang mga katagang binitiwan ko sa'yo nang magkita tayo muli. Lakas loob kong binanggit ang mga salitang 'yan sapagkat alam ko sa sarili ko na sasaya ako kapag sinabi ko 'yan. Na sasaya ka kapag narinig mong bigkasin ko 'yan.