Chapter 35

323 2 0
                                    

Holding hands

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha, unti unti kong dinilat ang aking mata hanggang sa manlabo ang aking paningin. Bumalatay ang kirot sa katawan ko dahil sa simpleng pagalaw lang. Napakasakit ng likod ko, ang natatandaan ko lang ay 'yung niyakap ko si Doc.

Hindi ko talaga maintindihan, bakit nagkaganon si Havhien. Willing niya na akong patayin ano ang oras, bigla akong nagkaroon ng takot para kay Doc, paano kung may gawing masama si Havhien sa kaniya?

"Lesha!" kaagad akong tumingin sa gawi ni Yishin.

Nakita ko ang pagtulo ng luha nito, ang akala ko ay mamatay na ako buti nalang ay maingay ang bibig ng kabigan ko.

"Meron ka pang bisita," sambit ni Yishin sa akin. Kumunot ang aking nuo ron, sino naman ang magiging bisita ko? Si Doc Cutler ba?

"Ilang araw akong nakatulog?" tanong ko sa kaniya.

"Mga one week na rin, maraming dugo ang nawala sa 'yo, Lesha... buti nalang talaga ay nakaligtas ka... nag-alala ako sa 'yo, buti nalang nagising ka dahil aagawin ko si Doc sa 'yo kapag hindi." biro nya sa akin.

"Sinong bisita raw ba?" tanong ko.

"Si Doc Cutler lang ang may kilala eh, siguro mga relatives mo?" tanong nito sa akin na walang kasiguraduhan.

Baka si Aling Krising ang dumalaw sa akin, tumingin ako sa orasan at alas-onse na ng umaga, nasaan si Doc Cutler? Inilibot ko ang aking mata, nang bumukas ang pinto ay kaagad nabuhayan ang sistema ko dahil nakita ko siya.

"D-doc..."

Lumapit ito sa akin at niyakap ako, parang biglang nawala lahat ng problema ko. At ang tanga ko sa parteng iniwan ko siya, iniwan ko ang lalaking ito na boyfriend ko.

"S-si Havhien..."

"Dont worry about that, nakulong na siya..."

Kaagad akong nagulat sa sinabi niya, napaawang ang aking labi dahil sa balitang iyon. For real?! Bakit hindi ko nakikitaan ng kung ano mang panghihinayang ang mukha niya? Kahit papaano ay naging magkaibigan silang dalawa.

"Paano?"

"My brother have powers of justice... kaya gumawa ako ng paraan para makulong at parusahan ang lalaking 'yon, so don't worry..." sabay hawak sa aking buhok.

"Hindi ka ba nanghihinayang sa pagkakaibigan niyo?" takhang tanong ko pa.

"I'd rather be with slut friends than him..." sagot niya sa akin. Napangiti ito sa akin, tumitig siya at hinalikan ako sa aking labi na siyang nagpagulat sa akin.

"Ehemmm...." sabay ubo ni Yishin sa aming gilid. Hindi ko pala siya napansin duon. Natawa ako dahil sa inasal niya.

"Do you want to see your family in Nueva Ecija?" tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango dahil gustong gusto ko na nga silang makita, namimiss ko na sila.

"You will finish your fourth year first, pag-aaralin kita..." sambit niya. Namula ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi.

"Sugar daddy ang peg ni Doc Cutler..." kumento ng kaibigan ko na siyang ikinatawa naming dalawa, napangiti ako at nagkaroon ng kakaibang kilig sa kaloob-looban kong hindi na kailan man matatanggal. Kahit na dumaan pa ang mga taon na hindi kami magkasama, ay siya pa rin.

Ewan ko, tanga na siguro ako. Pero mas tanga siya dahil ako ang pinili niya laban kay Ross na mas maganda kaysa sa akin

Parang feeling ko nasa isang movie ako na ako ang main character, ako ang palaging pinipili ng main lead laban sa kahit na kanino.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now