•Secret Affair•

211 8 0
                                    


Bago kami bumalik ng bahay napagdesisyunan namin ni Kent na itago muna yung relasyon namin para hindi makadagdag sa problema. Masaya to. Hihihi. Para kaming may secret affair ni bebe kulog, ako yung bidang kontrabida syempre. Shinare niya din sakin yung plano niya na magpapangggap kami na walang namamagitan samin. Hintayin lang muna niya makarecover si Andrea saka namin aaminin na kami na. Kinilig nga ako ng 1/4 nung bago kami magbitaw kiniss niya ko pero smack lang. Hehehe

Pagbaba namin ng sasakyan sinalubong kagad ni Andrea si Boss ng yakap. Maiinis na sana ko kaya lang kinindatan ako ni Baby Kulog kaya imbis na mainis e, kinilig pa ko.

"Where have you been?" Tanong ni bruha.

"Nagdate." Bulong ko. Nilakihan naman ako ng mata ni boss.

"May dinalaw lang. Kumain ka na?" K. Sila na sweet. Selos ako, aba! Hehe

"Actually hindi pa, hinintay kasi kita e. Napagod ka ba? Gusto mo massage kita? " Nyenye, arte. Massage mo mukha mo.

"No need. Magpapalit lang ako. " Nyenye. Pahiya siya bente. May pamassage massage pa kasing nalalaman. Umakyat si boss sa taas para magpalit habang ako naman dumiretso sa kusina para uminomng tubig. Titignan ko lang din kung may mangga pa sa ref, trip ko na naman kumain ng maasim.

Laking tuwa ko ng makakita ko ng mangga, balak kong dalin sa kwarto ko kaya kumuha ko ng plastic tsaka ko sinupot. Kumuha din ako ng asin tsaka patis. Yayy, sarap! Ang problema ko na lang e kung pano ko to iaakyat ng walang nakakakita. Mahirap na baka agawan pa nila ko. Hehe

Nasa kalagitnaan ako ng maitim kong balak may biglang humawak sa braso ko. Sa sobrang takot, hindi ako gumalaw. Takot kaya ako sa multo. Ang lamig pa naman ng kamay niya.

"Let's talk." Psh. Sana multo na lang humawak sakin kesa sa bruha na to. Naku, ewan ko ba. Kumukulo dugo ko dito.

"Sige,anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Sniweetan ko ng konti yung boses ko para kunwari mabait.

"What's the score between you and Kent? Do you have feelings for him?" Susko po. Nakakabigla naman yung tanong niya. Muntik na kong atakihin sa puso. Score? 10. Kami na nga e. Feelings? Oo, mahal na mahal nga namin yung isa't isa e. Epal ka lang sa lovestory namin kaya pwede ba, shooooo!

"Walang kami, Andrea. Wala." Pagkasabi ko nun binitawan niya na ko. Feeling ko naipit yung ugat ko sa braso sa diin ng pagkakahawak niya.

"Good then. Malaman ko lang na may namamagitan sa inyo, hindimo magugustuhan ang mangyayari." Tumaas lahat ng balahibo ko sa mga binitawan niyang salita na yun para bang hindi yung Andrea na kilala ko yung kausap ko ngayon.

Dinampot ko na yung plastic ng mangga tsaka ko umakyat sa taas. Sa kwarto na lang ako kakain at baka gulatin na naman ako ng bruha na to. Dinala ko na din yung kitchen knife incase of emergency. De jk, para pambalat sa mangga.

-------

Nakatulog pala ko pagkatapos kong kumain ng mangga kagabi, nakalimutan ko tuloy magdinner. Ngayon nga pala yung check-up ni Andrea kaya for sure walang tao sa mansion maliban sakin tsaka kila manang. Kasama kasi si Baby Kulog sa pagpapacheck up ni bruha. Dinampot ko yung phone ko nagbabakasakali na may message galing kay by, meron nga. Hehe

Inlove ako kay Sungit (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon