Chapter 1

87.5K 1.1K 49
                                    

WARNING: Mature Content (R-18)
Read at your own risk.

PLEASE READ FIRST:

Chapters (R-18)  3,   6,   7,   9,   31   are in private mode. You have to follow me to be able to read it.

YOU CAN UNFOLLOW ME AFTER.

After you follow me and still not able to read it. Try these:
1. Refresh your library
2. Remove the story from your library then add it again.
3. Log-out your account then log-in.

Happy reading!
miss_gracci :)

************

Chapter 1

"Han-ni, i lily, lily like you. You beri beautiful." Ani Mr. Choi sa akin. Katatapos lang ng session namin. Gustong-gusto ko kung pa'no niya bigkasin ang alyas ko. Para akong nasa korean novela. "Why you not marry me?" Tanong pa niya.

Hesus ginoo, andito na naman po kami.

Naupo ako sa gilid ng kama at sinuot ang underwear ko na nakakalat sa sahig. Hindi ko namalayan kung saan na napunta ang mga saplot ko. Tumabi siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Buti naman at hindi siya amoy kimchi.

Gustong-gusto ng mga customer na nilalambing sila at umaktong mahal mo sila.

Nag-isip ako ng mas magandang dayalog na hindi masakit sa pandinig. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata para isipin niyang sincere ako sa sasabihin ko.

"Mr. Choi, I also like you, but..."

Naudlot ang sasabihin ko nang tumunog ang telepono nito. Saved by the bell.

Thank God.

Sumenyas ito ng 'wait lang'.

Sinagot nito ang tawag. Kapagkuway kumunot ang noo nito. Tanging 'ok', 'why' at 'ok, ok' lang ang narinig kong sinabi niya bago nito pinutol ang tawag.

Mukhang disappointed ito ng humarap sa akin.

"What happened?" Tanong ko.

"Meron probrema sa akin bar. Meron nakaw na emproyee. I go there now. I'm sorry han-ni." Sanay na ako sa half-tagalog, half english niya sa tonong korean.

"It's ok. We meet next week again naman di ba, di ba?"

Ngumiti ito. "Oo, di ba, di ba." Pabirong panggagaya niya sa akin.

Tumawa ako. Natawa na din siya.

Nagbihis na kami pareho.

Hinalikan muna niya ako sa pisngi bago siya umalis. Iniwanan niya ako ng pera para pang-taxi daw. Pero alam ko namang bayad iyon ng session namin. As usual, halos triple ang bayad niya sa akin kumpara sa regular rate ko.

Pan-taxi ba kamo? Mag-tricycle na lang ako.

Si Mr. Choi ang pinakapaborito ko sa lahat ng customer ko. Magaling ito sa kama kahit hindi kalakihan ang sandata nito. Higit sa lahat galante itong magbigay ng talent fee. Oo, talent fee. Masasabi kong talento ang pagpapasaya ng mga kalahi ni adan dahil lahat sila ay umuuwing satisfied pagkatapos ko silang palasapin ng biyaya ng langit.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon